16 - STAY

4K 206 12
                                    

Rafa's POV

Ipinaparada ko pa lang ang sasakyan sa parking ng bahay ko ay nakita ko na si Raffie na naghihintay sa may gate. Kitang – kita ko ang saya sa mukha ng anak ko ng makita niya na kasama ko si Evere. Tumakbo pa ito papunta sa amin ng makababa sa sasakyan ang nanay niya.

"Nay!" sabi nito at yumakap kay Evere. "Akala ko nagjo – joke lang si tatay na kasama ka niya, eh." Nakatawang sabi nito.

"Sabi ko naman sa'yo lagi kitang pupuntahan dito." Narinig kong sagot ni Evere.

"Bakit kasi hindi ka dito nakatira? 'Di ba po dapat magkakasama tayo sa isang bahay? Kasi kumpleto na tayo," sabi pa ni Raffie.

Napatingin sa akin si Evere. Alam kong nagpapasaklolo siya ng isasagot sa anak namin.

"Medyo malayo kasi itong bahay ko sa work ng nanay mo kaya doon siya tumutuloy muna sa dati 'nyong bahay," ako na ang sumagot dahil tingin ko ay walang maisasagot doon si Evere.

"Kain na tayo 'nay. Ang sarap ng niluto ni Lola Conching. May fried chicken pa," sabi ni Raffie habang hinihila ang kamay ng nanay niya papasok sa loob ng bahay.

"A – ano kasi Raffie, sa bahay na lang ako mag di - dinner. Dumaan lang ako dito para painumin kita ng gamot. Hayaan mo, bukas babalik ulit ako." sagot niya.

Sumimangot ang mukha ng bata.

"Nay naman. Hindi na kita masyadong nakakasama. Nami – miss na kita katabi pagtulog. Hindi na tayo sabay kumain," himig nagmamaktol na si Raffie.

"Raffie –"

"Raffie, sabihin mo kay Lola Conching magdagdag ng plate sa table kasi dito kakain ang nanay mo," putol ko sa sasabihin ni Evere.

Nakita kong nagliwanag ang mukha ng anak ko at patakbong pumasok sa loob habang tinatawag ang pangalan ni Aling Conching.

"Hindi mo kailangang gawin iyon. Huwag mong masyadong paasahin ang anak ko. Hindi ako magtatagal dito," sabi sa akin ni Evere.

"Pumasok ka na. Kanina pa naghihintay 'yan si Raffie," tanging sabi ko. Hindi ko inintindi ang sinabi niya.

Sa harap ng mesa ay magkatapat kami ni Evere. Alam kong naaasiwa siya kaya hindi siya makatingin sa akin. Ngayon ko na lang ulit napagmasdan ang mukha niya. She is still pretty as ever. Her charming face, her pouty lips na ang sarap halikan. Bahagya akong napalunok nang makita kong bahagya niyang kinagat ang labi niya habang nakangiti dahil nagbibiruan ito at si Raffie.

"Gustong – gusto kong hinahalikan ka," sabi ko kay Margaret habang hinahalikan ko ang labi niya. Ang lambot – lambot kasi noon.

"You can kiss me anytime you want," sagot naman niya sa akin habang gumaganti ng halik.

"Hanggang kailan kaya tayo ganito? Ayoko na ng ganito. Lagi na lang tayong nagtatago," sabi ko sa kanya at nahiga ako sa sahig. Tanging lumang t-shirt ko lang ang sapin namin. Sanay na kami sa ganoon. Sa bukid kasi kami madalas magtagpo ni Margaret.

"Hayaan mo na muna ang ganito. Masaya ka naman na kasama ako 'di ba?" sagot niya at yumakap sa akin.

Hindi na lang ako kumibo. Kahit panakaw ang mga pagkikita namin ni Margaret ay ito ang kumukumpleto ng araw ko.

"Paeng, kanina ka pa tinatanong ng anak mo."

Napatingin ako kay Tiyong Daniel na natatawa sa akin.

"Ano ho?" ano ba ang pinag – uusapan nila? Napatingin ako kay Evere at nakita kong nagtataka ang tingin niya sa akin. I am zoning out again.

"Tinatanong ng anak mo kung puwede daw dito matulog ang nanay niya," sabi pa ni Tiyong Daniel sa akin. Natatawa parin siya.

"Kakausapin ko na lang si Raffie. Maiintindihan naman niya kung bakit hindi ako puwedeng matulog dito," narinig kong sabat ni Evere.

"You can stay here, iha. Miss na miss ka na ng anak mo. Sobrang kinukulit kami niyan ni Conching," nakangiting sabi ni Tiyong Daniel.

"Tay? Payag ka na?" si Raffie na iyon.

Parang wala sa sariling tumango na lang ako.

Napa - yehey si Raffie ng marinig ang sagot ko.

"Sabi ko sa 'yo 'nay, mabait po si Tatay. Mahal na mahal po niya ako saka tingin ko mahal ka din ni tatay," nakangiting sabi ni Raffie

Gulat na napatingin ako kay Raffie at nakita kong nakangiti siya na parang proud na proud sa sinabi niya. Si Evere naman ay parang nataranta sa narinig na sinabi ng anak at hindi alam kung paano ito sasawayin. Impit na nagtatawanan naman si Tiyong Daniel at Aling Conching.

"Raffie, sshh... Kumain ka na. Sige na," tanging sabi ni Evere. Alam kong naasiwa siya at alanganing tumingin sa akin.

"P - pasensiya ka na. Alam mo naman mga bata. Minsan talaga hindi nila alam sinasabi nila," parang nahihiyang sabi ni Evere at napayuko pa.

Napailing na lang ako itinuon ang atensiyon ko sa pagkain.

-------------------///

Evere's POV

"Nana Conching, hihintayin ko lang makatulog si Raffie at uuwi din ako. Ayoko hong mag – tagal dito," sabi ko habang inaayos ko ang mga gamot na iinumin ni Raffie.

"Request naman ng anak mo na matulog ka dito. Saka pumayag naman si Paeng. Dumito ka na. Gabi na rin," sabi ni Nana.

"Hindi na ho. Hindi na rin mapapansin niyang si Raffie na wala na ako dito kapag nakatulog na 'yan. Nasaan na ho ba si Raffie?" Nasaan na nga ba ang anak ko? Kanina lang ay kabuntok ko iyon tapos bigla na lang nawala.

"Baka naroon sa office ng ama niya. Gabi – gabi bago matulog ay doon nagbababad ang batang iyon. Natutuwa sa mga librong nandoon." Sagot ni Nana. "O, paano? Ikaw na ba angbahala sa anak mo? Ako naman ay magpapahinga muna. Sumasakit kasi ang likod ko. Tawagan mo lang ako kapag pauwi ka na, ha?"

Tumango lang at kumaway sa kanya ng lumabas siya ng silid.

Napaupo ako sa kama ni Raffie at tiningnan ko ang buong silid niya. Napangiti ako. Ang ganda ng kuwarto ng anak ko. Parang kuwarto ng prinsesa. Naalala ko 'nung maliit ako, parang ganito rin ang silid ko. Masaya na rin ako sa nangyayari ngayon kay Raffie. Natitikman niya ang karangyaan na hindi niya natikman noon. Kahit naiinis ako kay Paeng, he was still a good provider for his kid. Talagang bumabawi siya.

Lumabas ako ng silid at hinanap ko na si Raffie. Kailangan ko na siyang mapatulog at kailangan ko na rin na umuwi. Ayoko ng magtagal pa dito. Naglakad – lakad pa ako at napansin ko ang isang bahagyang nakabukas na silid. Nakadapa sa carpeted floor ang anak ko at nakasubsob sa libro. Tulog na doon.

Pumasok ako at wala naman doon si Paeng. Ano ba naman siya? Pinabayaan niyang doon makatulog ang anak niya. Inayos ko ang mga libro at inayos ko si Raffie. Akma kong bubuhatin ang anak ko nang biglang bumukas ang isang pinto sa loob ng silid at lumabas si Paeng na bagong ligo at nakatapi lang tuwalya mula bewang pababa.

Natigilan ako sa nakita ko. Ang lapad ng katawan ni Paeng. Galit na galit ang puno ng muscles na dibdib. Pati na ang tiyan niya. Flat na flat na may mga ukit din. Pero hindi nakaligtas sa akin ang malalaking peklat sa dibdib at tiyan niya. Tingin ko ay hanggang likod ay meron din iyon.

Mabilis na isinuot ni Paeng ang hawak na t – shirt. Ako naman ay parang napapahiya na itinuon ang pansin kay Raffie.

"S – sorry. Hinahanap ko kasi si Raffie para mapainom ko na siya ng gamot pero dito na siya nakatulog." Sabi ko. Pilit kong ginising ang anak ko.

"'Nay," naalimpungatang sabi ni Raffie sa akin.

"Halika na. Doon ka na sa kuwarto mo. Uminom ka muna ng gamot bago ka matulog," sabi ko at inalalayan kong tumayo si Raffie at lumabas na kami doon. Grabe ang kabog ng dibdib ko.

Naipagpasalamat kong hindi na rin naman kami sinundan ni Paeng hanggang sa mapatulog ko si Raffie at hanggang sa makauwi ako.

FALL AGAIN (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon