Evere's POV
Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Sara nang makita akong pumapasok sa loob ng Lafayette. Alam niya ay nasa interview ako at suspended ako. Pati ang mga kasamahan ko sa doon ay gulat na gulat na naroon ako.
"What are you doing here? Anong nangyari sa interview mo?" taka niya.
"Where is your boss?" diretso kong tanong sa kanya. Hindi maikakaila sa boses ko ang tinatagong galit.
"Si Mr. Tolentino?" paniniguro niya.
"Yes. Si Mr. Tolentino, Rafael, Rafa. Whatever you want to call him. Where is he?" wala akong pakielam kung magtaka man siya dahil galit na galit ako.
"Kakarating lang niya sa office niya pero –"
Hindi ko na pinakinggan ang iba pang sinasabi ni Sara at dire – diretso ako sa opisina ni Paeng. Naabutan ko siya na may kausap sa telepono at alam kong nagulat siya sa bigla kong pagpasok doon.
"I'll call you later," iyon ang narinig kong sabi niya sa kausap niya at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.
"What were you doing in my house?!" pigil na pigil ko ang galit ko.
Nagkibit lang ito ng balikat.
"I was in the neighborhood, I was meeting an old friend and I didn't know you live there. I didn't know it was your house. Aksidente lang na nakita ko si Aling Conching doon. Magkasama pala kayo?" lalo akong nainis sa paraan ng pagsagot niya. Parang cool na cool lang siya. Para bang walang masamang nangyari sa aming dalawa.
"Wala kang pakielam! Huwag ka ng babalik doon! Huwag ka ng manggulo! If you want me out of here then sige. Tanggalin mo na ako. But don't ever come again in that place," sabi ko.
"Aling Conching is an old friend. As far as I remember, she used to help me see this teenage girl who I thought was head over heals inlove with me," natatawa niyang sabi sa akin.
Tumalim ang tingin ko sa kanya.
"Tigilan mo na si Aling Conching," tanging nasabi ko.
"Is there something wrong? Masama bang dalawin ko siya? Kamustahin? We used to live in the same town," alam kong nananadya siya.
"Stay out of our lives! Makuntento ka na sa perang nakuha mo dahil wala na akong maibibigay pa sa iyo!" sabi ko sa kanya.
Doon ko nakitang nagbago ang mukha ni Paeng. Tumigas iyon at napuno ng galit.
"And what made you think I am going back in your life? Hindi ko kailangan ang pera mo at lalong hindi kita kailangan," sagot niya sa akin.
Napatawa ako ng nangungutya.
"Oo nga pala. Milyonaryo ka na nga pala ngayon dahil sa pera ng papa ko. Hindi ko akalain na fifty thousand lang pala ang halaga mo," at inirapan ko siya. "Kahit ano pa. Tigilan mo na si Nana Conching. Live your god damn life and enjoy your fucking money!" at tinalikuran ko na siya.
Pagbukas ko ng pinto ay naroon lahat ang mga staff ng Lafayette at nakatingin sa akin. Alam kong narinig nila ang pag – uusap namin ni Paeng. Nakita ko ang nagtatanong na tingin ni Sara pero dinaanan ko lang siya. Ayoko ng magtagal pa doon. Pakiramdam ko nagsisikip ang dibdib ko sa sobrang galit at sama ng loob. Ang dami – dami ko pang gustong sabihin kay Paeng. Gustong – gusto ko siyang sumbatan dahil sa ginawa niya sa akin.
"Kailan mo ba ako sasagutin?"
Nakita kong natatawang tumingin sa akin si Paeng at natawa sa sinabi ko. Naroon kami sa ilog malapit sa bukid namin. Nakatakas ako sa bahay para pumunta dito dahil alam kong nandito si Paeng.
BINABASA MO ANG
FALL AGAIN (Complete)
RomanceMinahal at iniwan siya ni Paeng. Alam ni Evere na kahit anong gawin niya ay hindi ito maaaring kalimutan ng basta-basta. Lalo na nga at narito si Raffie. Kahit na anong gawin niyang pag-iwas, si Paeng pa rin ang ama ng anak niya. Pero likas na mapag...