Evere's POV
Ang saya – saya ni Raffie nang palabas na kami ng ospital. Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahan sa mukha niya ng malaman niyang doon na ako titira sa bahay ni Paeng. Si Paeng ang may gusto noon para mas maasikaso ko daw ng maige si Raffie. Hindi ko alam kung paano ang set – up namin. Matapos namin mag – usap tungkol sa kalagayan ni Raffie at ipahiya niya ako ay hindi na namin napag – usapan pa ang tungkol sa pagkakaroon ng kapatid ng anak namin.
Dumidistansiya din ako sa kanya. Nakikipag – usap lang ako sa kanya kung may itatanong siya tungkol sa anak namin. Galit ako sa kanya. Gusto niyang matulungan si Raffie pero bakit ayaw niyang ibigay ang kapatid na kailangan nito? Ang arte niya. Nandidiri ba siya sa akin kaya ayaw na niyang maulit ang nangyari sa amin? Demonyo siya. Kung may choice lang ako na ibang lalaki ang gumawa, kahit tambay na makasalubong ko ay magpapagamit ako para lang madugtungan ang buhay ng anak ko.
"Hindi ka na rin magtatrabaho 'nay?" tanong ni Raffie habang papasok kami sa kuwarto niya sa bahay ni Paeng. Nakasunod naman sa amin si Paeng at bitbit ang mga laruan na binili niya para kay Raffie. Maganda – ganda ang kalagayan ngayon ni Raffie. May kulay ang pisngi niya at masigla siya.
"Hindi naman puwede na hindi magtrabaho si nanay, 'nak. Wala naman akong gagawin dito saka hindi ko naman ito bahay. Nandiyan naman si Nana Conching at Lolo Daniel mo para bantayan ka," sagot ko habang tinutulungan ko siyang mahiga sa kama niya.
Tumango – tango lang siya tapos ay tumingin sa akin.
"Sabi ni Doctor Manny magkakaroon na daw ako ng kapatid." Ang ganda ng ngiti ni Raffie ng sabihin iyon.
Nanlaki ang mata ko sa narinig na sinabi ni Raffie at napatingin ako kay Paeng. Nakatingin din siya sa akin.
"Anong kapatid?" ano ba ang sinasabi ng anak ko?
"Sabi kasi ni Doctor Manny sa akin, kapag nagkaroon na daw po ako ng kapatid gagaling na ako. Tapos mas magiging masaya pa tayo kasi madadagdagan ang pamilya natin," nakangiti pang sabi niya.
Hindi agad ako nakasagot. Iniintay kong si Paeng ang sumagot sa sinabing iyon ni Raffie pero nanatili lang siyang tahimik at nakatingin sa amin.
"Huwag mo na lang intindihin ang sinabi ni Doctor Manny sa iyo. Mahirap umasa sa isang bagay na imposibleng mangyari," sagot ko at inirapan ko si Paeng. "Sige na, 'nak. Kung ayaw mo pang magpahinga, punta ka na sa likod at laruin mo na si Pickles. Miss na miss ka na ng aso mo," iniba ko na lang ang usapan. Ayokong umasa ang anak ko. Sa ngayon nga, hindi ko alam kung anong magiging sitwasyon namin ni Paeng pagkatapos ng pag – uusap namin.
Sinundan ko lang ng tingin si Raffie ng lumabas siya sa kuwarto. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin ni Paeng. Gusto kong batukan ang lalaking ito. Wala naman siyang ginagawa doon pero bakit ayaw niyang lumabas.
"Mauna na akong pumasok," iyon na lang ang nasabi ko.
"Sabay na tayo," sabi niya at saka lumabas na din doon.
Wala kaming kibuan ni Paeng habang bumibiyahe papunta sa Lafayette. Parang nagkakailangan kaming dalawa matapos pag – usapan ang tungkol kay Raffie. Matapos niya akong tanggihan. Nakakatawa, isang gabi kaming nakalimot sa lahat ng nangyari sa buhay namin at talagang nag – sex lang kami. Pero ngayon na kailangan talaga naming gawin iyon para sa anak namin ay hindi na namin magawa. Payag na nga ako makabuo lang pero paano naman makakabuo kung ang dapat na gagawa ay nag – iinarte pa.
Kita ko ang nagtatanong na tingin ni Sara ng makita kaming sabay na pumasok ni Paeng sa resto. Pinandilatan ko siya ng mata ng makita ko ang nanunukso niyang tingin. Dumiretso na lang ako sa locker ko at iniwan si Paeng na nanatili sa dining para mag – inspeksiyon doon. Nakasunod naman sa akin si Sara.
BINABASA MO ANG
FALL AGAIN (Complete)
RomanceMinahal at iniwan siya ni Paeng. Alam ni Evere na kahit anong gawin niya ay hindi ito maaaring kalimutan ng basta-basta. Lalo na nga at narito si Raffie. Kahit na anong gawin niyang pag-iwas, si Paeng pa rin ang ama ng anak niya. Pero likas na mapag...