Evere's POV
Wala na si Paeng nang magising ako. Napahinga lang ako ng malalim ng maalala ang nangyari kagabi. Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Hindi ko napigil ang sarili ko na may mangyari sa amin. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na para kay Raffie iyon. Pero ang totoo, gusto ko. Gusto kong makasama si Paeng. Gusto ko siyang matikman. Gusto kong maulit ang nangyari sa amin noon.
Shit. Ang gaga ko talaga. Isang halik lang talaga ni Paeng bumibigay na ako sa kanya. Ganoon katindi talaga ang epekto niya sa akin. Kahit anong gawin kong iwas at pagpigil, hindi ko magawang umiwas sa kanya.
Mabilis akong naligo at nagbihis tapos ay inayos ang mga gamit ko. Naalala kong ngayon nga pala darating ang girlfriend ni Paeng kaya kailangan ko ng umalis. Parang na-guilty ako dahil sa nangyari sa amin ni Paeng. Parang ang unfair naman kay Faye noon.
Narinig kong may nag – doorbell sa pinto ko. Agad kong tinungo iyon at nakita ko si Raffie kasama si Nana Conching.
"Good morning, 'nay." Bati niya sa akin at pumasok sa kuwarto. Nakaligo na ito.
"Morning anak," bati ko at humalik sa kanya.
"Maagang gumising at nag swimming agad. Maaga kasing nakatulog 'yan kagabi kaya hindi ko na pinakuha sa iyo. Saka para makapagpahinga ka na din maayos," sabi ni Nana Conching sa akin.
"Nag – eenjoy ka ba?" tanong ko kay Raffie.
"Opo 'nay. Sabi ni tatay hanggang bukas pa daw tayo dito," sagot niya.
Napatingin ako kay Nana Conching.
"Uuwi na si nanay ngayon. May trabaho pa kasi ako. Pero maiiwan naman kayo dito ng tatay mo at ni Nana Conching," panimula ko kay Raffie.
Nakita ko ang lungkot sa mukha ng anak ko.
"Bakit 'nay? Hindi ba puwedeng dito ka muna?"
Pinilit kong ngumiti. "Alam ko naman maiintindihan mo 'di ba? Kailangan may trabaho si nanay para may pambili tayo ng gamot mo. Magkikita din naman tayo agad pag nakabalik na kayo sa Manila bukas."
"Alam ko na bakit ka aalis. Kasi ayaw nung girlfriend ni tatay na nandito ka," nakayukong sabi ni Raffie.
Napakunot ang noo ko at nagkatinginan kami ni Nana Conching.
"Narinig ko kasi kanina parang nag – aaway sila ni tatay sa baba. Nagagalit 'yung girlfriend niya kasi bakit ka daw nandito," sabi pa ni Raffie.
Napahinga ako ng malalim. Gusto kong sabunutan ang babaeng iyon kapag nakita ko. Kailangan ba niyang ipakita sa harap ng anak ko ang totoong ugali niya?
"'Nay, bakit kasi may girlfriend si tatay? Hindi ba puwedeng ikaw na lang ang girlfriend niya?"
Hindi ko alam ang isasagot ko. Nakita kong natatawa si Nana Conching sa mga naririnig na sinasabi ni Raffie.
"Raffie, halika na. Gusto mong mag – swimming ulit?" sabi ni Nana Conching.
Nakita kong nagliwanag ang mukha ng anak ko. "Sige po. Swimming tayo nanay, ha?" baling niya sa akin.
Tumango lang ako at nginitian ko siya ng palabas na sila ng silid.
Inayos ko na ang mga gamit ko para pagbaba ko ay dire – diretso na akong makakaalis. Hindi ko na kailangang magtagal dito lalo na nga at nandito na ang Faye na iyon.
Iniwan ko na muna sa lobby ang gamit ko at nagpatawag ako ng shuttle na puwedeng maghatid sa akin sa sakayan. Pumunta ako sa may pool area para magpaalam at nakita ko si Raffie na naglulunoy na sa tubig. Hindi kalayuan dito ay naroon sa isang table si Paeng at katabi nito si Faye. Napataas ang kilay ko dahil nakita kong naka – two piece bathing suit si Faye. Kulang na nga lang ay maghubad ito. Pero bakit okay lang kay Paeng? Parang proud na proud pa nga siya na nakabuyangyang sa lahat ang katawan ni Faye. Samantalang ako, one piece bathing suit lang pero para na niya akong kakainin kagabi.
Napahinga ako ng malalim. Naisip kong huwag na lang magpaalam. Ang saya – saya kasi nila. Paeng just looking at Raffie. Ang saya – saya ng mukha niya. Si Faye naman ay nilalaro si Raffie. Para silang isang buong pamilya. Pakiramdam ko talaga extra lang ako doon.
"Evere, saan ka pupunta? Bakit bihis na bihis ka na?"
Nakita kong si Mang Daniel iyon. Tingin ko ay maliligo din.
"Paalis na rin ho kasi ako. May pasok pa ako sa Lafayette. Isang araw lang ho ang leave ko," sagot ko sa kanya.
Nakita kong napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Si Paeng ang may – ari ng Lafayette," parang paalala niya sa akin. "Hindi naman siguro magkaka – problema kahit limang araw kang wala doon." Sagot niya sa akin.
"Okay lang ho. Talaga naman hong hindi talaga ako magtatagal dito," sabi ko pa.
Nakita kong napatingin si Mang Daniel sa gawi nila Paeng at napatango – tango siya. Parang alam na niya ang dahilan.
"Hindi ka na ba magpapaalam kay Raffie?"
"Hindi na ho. Baka humabol pa kasi sa akin. Tatawag na lang ako kay Nana Conching," sabi ko.
"Sige. Mag – ingat ka," iyon lang at iniwan na ako ni Mang Daniel.
Dumiretso ako sa lobby para hintayin ang shuttle na sasakyan ko. Tinext ko na din si Sara na pabalik na ako ng Maynila at didiretso na ako sa Lafayette.
"Buti naman at aalis ka na."
Napaangat ang tingin ko at nakita kong nakatayo sa harap ko si Faye. Nakapamewang pa at nakataas ang kilay na tingin sa akin.
"Hindi naman talaga ako magtatagal dito," tanging sabi ko at itinuon uli ang pansin sa hawak kong cellphone. Anong problema ng babaeng ito?
Inis niyang tinabig ang cellphone na hawak ko kaya bumagsak iyon sa lapag. Nagkahiwa – hiwalay ang casing, battery at unit.
Nakita kong napaatras siya ng tumayo ako. Mas malaki akong babae sa kanya at kaya ko siyang saktan kung gusto ko. Pero pinigil ko ang sarili ko. Hindi ko siya papatulan. Hindi ako bababa sa lebel niya. Iiling – iling na isa – isa kong dinampot ang partes ng cellphone ko.
"You should know where is your place. Wala ka ng puwang sa buhay ni Rafa kaya itigil mo ang pagsiksik ng sarili mo sa kanya," sabi pa niya sa akin.
"Wala akong pakielam sa kanya. Ang anak ko lang ang concern ko," sagot ko habang inaayos ang cellphone ko. Ipinagdadasal kong maayos pa iyon. Kahit hindi iyon mamahalin, napakarami kong magagandang mga litrato at videos ni Raffie doon.
"He doesn't want you. He despises you. Kaya ka lang nandito dahil gusto niyang mapalapit ng husto sa anak niya. At kapag nangyari iyon, basura ka na sa kanya. Kami na ang magsasama. Ako na ang magiging mommy ni Raffie," mariin pang sabi ni Faye.
Doon na ako hindi nakatiis at nilapitan si Faye. Nakita ko ang bahagyang takot sa mukha niya.
"Huwag kang mangarap. Kahit kailan hindi ka magiging ina ng anak ko. Dahil kahit anong gawin mo, iisa lang ang nanay ni Raffie at ako iyon. Gumawa ka ng sarili mo. Ask Paeng na bigyan ka rin niya ng anak para matigil ang pagsisintemyento mo. Paraan," at bahagya ko siyang tinabig ng makita ko ang shuttle na parating na.
"Don't call him that stupid name! He is Rafa. His name is Rafa!" sigaw ni Faye.Hindi ko na pinakinggan ang ibang sinasabi ni Faye. Pinabayaan ko na lang siyang magwala doon. Wala akong panahon sa kanya.
BINABASA MO ANG
FALL AGAIN (Complete)
RomanceMinahal at iniwan siya ni Paeng. Alam ni Evere na kahit anong gawin niya ay hindi ito maaaring kalimutan ng basta-basta. Lalo na nga at narito si Raffie. Kahit na anong gawin niyang pag-iwas, si Paeng pa rin ang ama ng anak niya. Pero likas na mapag...