33 - FACE OFF

4.2K 231 2
                                    

Rafa's POV

Magmula ng mangyari na magkaharap si Evere at Faye ay ramdam kong umiiwas na si Evere sa akin. Hindi na siya natutulog sa bahay ko. Dadaan lang siya sa bahay at sinisiguro niyang wala ako doon kung pupuntahan niya si Raffie. Sa restaurant naman, talagang umiiwas din siya sa akin. Alam kong ayaw din niyang magkaroon uli ng gulo.

Araw – araw pa rin akong nagpapadala ng bulaklak sa kanya. Hindi pa rin niya alam na sa akin galing iyon. Naipagpasalamat kong mahigit isang linggo ng hindi pumupunta doon ang boyfriend niya. Medyo nakakaluwag sa dibdib ko.

Gusto ko na ring maayos kami ni Evere. I've decided to talk to her today. Tinapos ko lang lahat ng trabaho ko ngayon. After my three meetings today, kailangan ko pang puntahan ang Johnnie's Café ni Luis dahil mayroon daw siyang problema. Ako na naman ang ibinala niya sa pagpa – fire out ng mga taong ayaw niya. May grounds for termination naman kaya hindi na ako nahirapan pero pakiramdam ko ay drained na drained ako.

Pero kahit ginabi na ako ay kinailangan kong dumaan sa Lafayette. Naisip kong sasabayan ko na lang si Evere umuwi para lalong sumaya si Raffie. Naglambing kasi sa akin ang anak ko bago ako umalis kung puwedeng doon daw matulog ang nanay niya. Kitang – kita ko ang kasiyahan sa mukha niya ng sabihin kong pipilitin kong doon sa bahay matulog ang nanay niya. Kaya kong gawin iyon para sa anak ko.

Para sa anak mo o para na rin sa iyo?

Natawa ako sa parang tukso ng utak ko. I need to talk to her about Raffie's medication in US. She needs to be there when we talk to her doctor. May say pa rin sa lahat ng bagay si Evere pagdating kay Raffie dahil siya ang nanay ng anak ko.

Nagpapark ako ng makita kong naroon na sa parking ng Lafayette ang kotse ni Faye. Napahinga ako ng malalim. Akala ko ay tapos na kami. Dalawang linggo niya akong pinagmumura ng pinagmumura sa telepono. Pinabayaan ko lang. Sa ngayon ayoko ng dumagdag pa siya sa problema ko.

Bumaba siya sa kotse niya ng makitang parating ako. I felt pity for Faye. This is not the woman I know. She looks helpless. Her hair is in disarray. She doesn't have any make up at all. She is desperate. But god forgive me. I don't feel anything at all for her. Just pity.

No choice, napilitan din akong bumaba at harapin siya.

"Faye, if you're just going to make scene, I will ask you to just leave." Mahinahon na sabi ko. Ayoko na ng eskandalo. Ilang beses ng ginagawa ni Faye iyon. She's good at that so she can have my attention.

"Honey, please. We will just going to talk. I am sorry," sabi niya.

"Wala na tayong pag – uusapan, Faye. I am sorry, too." Tanging nasabi ko at bahagya ko siyang iniwasan para makarating ako sa pinto ng Lafayette.

Napaiyak na siya at hinawakan ako sa braso. "Rafa, kaya kong tanggapin lahat. Kahit ang anak mo. Kahit ang nanay niya. Kahit dalawa kami. Just don't leave me. Please. We need to fix our relationship."

"I need to be with my daughter especially now that she is sick and really needs my attention."

"I can help you with her. Please, Rafa. I am sorry for what I did," iyak siya ng iyak.

Napahinga lang ako ng malalim. I've been with Faye for two years. On and off relationship. Pero sa ngayon, naaawa ako sa kanya. But I don't feel anything at all. Siguro nga, kahit naman noon hindi naman buo ang pagmamahal na naibigay ko sa kanya. I know it's unfair for her.

"Faye, please understand. I don't want to be unfair to you. I want you to have your normal life. I have a sick kid and my attention will be with her all the time. I can't give the love and attention that you always wanted," mahinahon kong paliwanag.

Lalong napaiyak si Faye.

Napailing ako at niyakap siya. Naaawa din ako sa kanya pero talagang hindi ko kayang ibigay ang pag – ibig na gusto niya.

---------------------------------------------

Evere's POV

Hindi ko maintindihan ang bahagyang kurot na naramdaman ko sa dibdib. Kitang – kita namin na mga staff mula sa kitchen ang eksena ni Paeng at ng girlfriend niya.

"Mukhang nagkabalikan na," narinig kong komento ni Rosie.

"Bagay naman sila. Guwapo at maganda. Parehong mayaman. Pang – mayaman lang naman ang happy ending," hindi ko kilala kung sino ang nag – comment doon.

"Hoy Pat, damang – dama namin ang pagka – bitter mo, ha? Huwag mo kaming idamay sa pagiging nega mo," inis na sagot ni Rosey at bumaling sa akin. "Binasted kasi nung nililigawan niyang ang gusto ay mayaman," at natawa pa.

Hindi ako umimik at muli ko silang tiningnan. Paeng is kissing Faye on her forehead while she is embracing him tight. Hindi ko na kayang tingnan ang eksena. Hindi ako dapat makaramdam ng ganito pero para talagang sinasakal ang puso ko.

Mahal ko pa ba si Paeng?

Ako na rin ang sumagot noon. Oo. Kahit kailan hindi iyon nawala. Noon, ngayon at hanggang sa mawalan ako ng hininga. Alam kong siya lang talaga. Tinabunan ko lang ng galit pero alam kong naroon lang ang pagmamahal ko sa kanya.

"Uwi na ako," tanging sabi ko at umalis ako doon. Hindi ko na napansin si Sara na papalapit sa akin.

"Evere, nagkita na kayo ng sundo mo?"

"Sinong sundo?" baka ang GRAB ang sinasabi ni Sara.

"'Yung guwapong lalaki na pinuntahan ka. Nasa dining kanina ka pa hinihintay," sabi niya.

Ah si Jerome. Matagal – tagal din itong hindi nagpunta dito, ah. Ngumiti agad siya ng makita ako.

"My flight will be next week na. I'll take you out for dinner bago ako umalis. And you cannot say no dahil naka – reserve na tayo sa Sofitel," nakangiting sabi niya ng makalapit ako.

"Wala talaga akong choice na tumanggi?" natatawa na ako. Kahit paano medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Waley," natatawang sabi niya habang papalabas na kami sa Restaurant. Eksakto naman na papasok doon si Paeng kasama si Faye at bahagya pa silang nagkabanggaan ni Jerome.

Saglit silang nagkatinginan at kitang – kita ko ang panlalaki ng mata ni Paeng habang nakatingin kay Jerome tapos ay sa akin.

Mabilis kong hinila si Jerome paalis doon. Alam kong nakilala ni Paeng kung sino siya. Naipagpasalamat kong sa malapit lang naka – park si Jerome at kulang na lang ay itulak ko siya papasok sa kotse.

"Is that –" alam kong nakilala din niya si Paeng.

"Yes," putol ko sa sasabihin niya. "Halika na umalis na tayo dito," sabi ko.

Natatawa si Jerome habang ini – start ang sasakyan.

"So kayo pa rin pala after all these years."

"It's not what you think. It's a long story." Sagot ko at napatingin ako sa restaurant. Naipagpasalamat kong wala na doon si Paeng at pumasok na sa loob.

"We have all night. Tell me what happened." Sagot niya.

FALL AGAIN (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon