Evere's POV
"Maaga ka yatang umuwi ngayon?" puna ni Nana Conching nang maabutan ako sa bahay na binabantayan sa pagtulog si Raffie.
Pinilit kong ngumiti. Wala naman kasi siyang alam na nagkita na kami ni Paeng. Ayaw ko rin naman na mag – isip pa siya. Marami na kaming problema ni Nana at ayoko ng dagdagan iyon.
"Nag – leave po ulit ako ng three days. Para mas maasikaso ko si Raffie," pagsisinungaling ko.
Napatango – tango ito habang inilalabas niya ang mga pinamili galing sa palengke. Tumayo ako at tinulungan ko na din siya.
"Iha, anong plano mo ngayon na hindi kayo match ni Raffie ng bone marrow?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niyang iyon. Ano nga ba ang gagawin ko? Sa araw – araw na wala akong ginagawa ay lumalala ang sakit ng anak ko.
"Sa totoo lang ho, hindi ko ho alam. Sabi ng doctor niya ay puwede kaming maghintay ng donor pero wala din kasiguraduhan," doon na ako tuluyang napaiyak pero mabilis kong pinahid ang luha ko. "Puwede daw hong stem cell therapy pero milyon ang kailangan para magawa iyon. Saan naman ako kukuha ng milyon?"
Naramdaman kong niyakap ako ni Nana Conching. Alam kong damang – dama niya ang bigat ng problema ko.
"Malalampasan nating lahat ito, Evere. May awa ang diyos," sabi niya. "Sabi mo nga, puwedeng tumulong ang mga tao sa foundation. Nasisiguro kong mapipili si Raffie na mabigyan ng pagkakataong magamot."
Hindi na ako sumagot. Sumagi sa isip ko si Paeng. Minsan, sa oras ng desperasyon ay naiisip kong hanapin siya at kausapin. Baka sila, maaaring match sila ng anak ko dahil siya ang ama. Pero mabilis ko ding inaalis iyon sa isip ko. Sa nakita ko kanina, ibang Paeng na ang kaharap ko.
"Ang cute naman ng kubo na pinagawa ni papa," bulalas ko ng makarating kami doon ni Paeng. Tumakas lang ako sa bahay para magpasama kunwari sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin at nagsimulang maglinis – linis sa loob.
"This is for her mistress. Buti pa siya ipinagawa ng ganito ni papa. Samantalang ako, ang tagal ko ng nagre – request na ipagawa ng ganito hindi man lang niya ako pinagbigyan," may himig pagmamaktol ko at pabagsak na naupo sa sofa na naroon.
"Baka busy lang ang papa mo kaya hindi niya napapagbigyan ang request mo," sabi niya sa akin. Ngayon ay naghuhugas na siya ng mga plato doon.
"Ganyan ka talaga kasipag?" tanong ko pa sa kanya. Sinundan ko siya hanggang sa kusina. Na - a - amaze talaga ako sa kanya kasi kahit lalaki siya, ang sipag – sipag niya. Butas – butas pa ang suot niyang t-shirt, gastadong pantalon ang suot pero ang guwapo – guwapo pa rin niya.
"Ito ang trabaho ko," tipid na sagot niya sa akin.
"May girlfriend ka na, Paeng?" hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong kong iyon. Kahit may gusto ako kay Paeng, nahihiya pa rin naman ako na ako ang mag – initiate ng panliligaw. Pero sa tingin ko, kung hindi ko gagawin 'to, wala din namang gagawin ang lalaking 'to.
Napatingin siya sa akin tapos ay umiling.
Hindi ko alam kung parang pakiramdam ko ay nagtatalon ang puso ko sa tuwa.
"Parang ayokong maniwala," alam kong hindi maikakaila na kinikilig ako.
"Ikaw, may boyfriend ka na?" tanong niya sa akin.
Umiling din ako. "Wala din. Pero may nakita na ako na gusto ko sana," sagot ko sa kanya.
Napatawa lang siya sa narinig na sinabi ko at ipinagpatuloy ang paglilinis sa loob ng kubo.
BINABASA MO ANG
FALL AGAIN (Complete)
RomanceMinahal at iniwan siya ni Paeng. Alam ni Evere na kahit anong gawin niya ay hindi ito maaaring kalimutan ng basta-basta. Lalo na nga at narito si Raffie. Kahit na anong gawin niyang pag-iwas, si Paeng pa rin ang ama ng anak niya. Pero likas na mapag...