Rafa's POV
"Mr. Tolentino, we need to do something about Raffie's condition. She is not getting any better. Every time she comes here, her condition is slowly deteriorating." Kita ko ang pag – aalala sa mukha ng primary doctor ni Raffie.
Napalunok ako at napatingin sa nakasaradong silid ng anak ko. Dito na kami nag – usap ni Dr. Manuel para hindi marinig ng kahit na sino ang sasabihin niya sa akin. Hindi pa rin kasi alam ni Evere na hindi kami match ng bone marrow ni Raffie.
"Ano ho ang pinakamabuting gawin?"
"As I told you before, bone marrow transplant is the best for her. I suggest you and your wife start to try to conceive another baby. Only a sibling can save your daughter's life."
Napahinga lang ako ng malalim. Hindi ko na rin itinama ang sinabi ng doctor. Maliit na bagay lang iyon kumpara sa problema ko sa kalagayan ni Raffie.
"We can do the blood transfusions from time to time, chemo and other medical procedures for now hanggang sa makakuha ng donor for Raffie's stem cell transplant," sabi pa nito. "Call me if you need anything," at umalis na rin doon.
Inayos ko ang sarili ko bago ako pumasok ulit sa silid ni Raffie. Nandoon si Evere na nilalaro ang anak pati na rin si Tiyong Daniel at Aling Conching.
"Tiyong, Aling Conching. Dito na ho muna kayo. May pupuntahan lang kami ni Evere," sabi ko. Nakita kong nagtatakang nakatingin sa akin si Evere.
"Aalis kayo ni nanay?" si Raffie iyon.
"Sandali lang kami ni nanay mo. Babalik din kami agad," nakangiti kong sagot.
"Gusto ko po ng ice cream pasalubong."
"Sure baby. Dadalhan ka ni tatay pagbalik," at nakatingin ako kay Evere at isinenyas ko sa kanyang lumabas. Sumunod naman ito.
"Kung may pag – uusapan tayo, we can talk here." Malamig na tugon niya. Sa harap lang naman ni Raffie nagpapakita na maayos kaming dalawa ni Evere.
"If you want to save Raffie's life, you will go with me." sagot ko at nagpatiuna ng umalis doon.
Alam kong nakasunod sa akin si Evere at hindi rin siya nagsasalita pero nagtataka siya sa nangyayari.
"Ano ba ito Paeng? Sabihin mo na kung ano na naman ito. Kailangan ako ng anak ko sa ospital," hindi na nakatiis si Evere. Nakita niya sigurong papunta kami sa bahay.
Hindi ako sumagot habang ipina – park ang sasakyan ko. Dire – diretso ako sa loob at nakasunod pa rin siya sa akin. Alam kong naguguluhan siya sa nangyayari.
Huminto ako sa tapat ng kuwarto ko at nakita kong natigilan si Evere at napatingin sa akin.
"Get in," malamig kong sabi.
"Anong palabas mo, Paeng?" ngayon ay ramdam ko na ang inis sa boses niya.
Huminga lang ako ng malalim at hinila ko siya papasok sa loob.
"Kung akala mong mangyayari ulit ang nangyari noong nakaraang gabi, huwag ka ng umasa. Pareho lang tayong nagpalipas ng init ng katawan noon." At nagtangkang buksan ni Evere ang pinto para lumabas pero pinigilan ko siya.
"Mag – uusap lang tayo," sabi ko at naupo ako sa kama. Walang halong galit ang boses niya.
"Bakit kailangan dito? Puwede naman doon sa ospital. Puwede naman sa restaurant. Pero bakit dito?"
BINABASA MO ANG
FALL AGAIN (Complete)
RomanceMinahal at iniwan siya ni Paeng. Alam ni Evere na kahit anong gawin niya ay hindi ito maaaring kalimutan ng basta-basta. Lalo na nga at narito si Raffie. Kahit na anong gawin niyang pag-iwas, si Paeng pa rin ang ama ng anak niya. Pero likas na mapag...