Rafa's POV
Kahit ayokong magpunta si Faye sa bahay ay mapilit siya. Gusto daw niyang makilala si Raffie. I don't know how to explain this to my daughter na may ibang babae sa buhay ko bukod sa nanay niya. But I know she is a smart kid and she will understand every situation.
Naka – receive ako ng text from Faye na malapit na siya sa Lafayette kaya nag – ayos na rin ako. Hihintayin ko na lang siya sa parking.
Palabas na ako sa office ko ng makita kong naka – kumpol na naman ang mga staff ko sa kitchen. Napakunot ang noo ko at may sinisilip pa sila sa labas. Sinundan ko ang tinitingnan nila at nakita kong sumakay si Evere sa isang kotse.
"Nakakulumpon na naman kayo diyan. Back to work. Baka makita kayo ni Sir Rafa," si Sara ang narinig kong nagsalita.
"Mam, tinitingnan lang namin 'yung sumundo kay Evere. Ang pogi kasi talaga," sabi ni Rosey. Nakita kong napayuko ito dahil nakita akong nandoon at mabilis na bumalik sa trabaho.
Hindi kumibo si Sara at napatingin lang sa akin. Parang napipilitang ngumiti.
"Alis na ako. Ikaw na ang bahala dito," tanging sabi ko.
"Yes sir," sagot niya sa akin pero hindi naman ako agad umalis. Nagtatakang tumingin sa akin si Sara.
"Sara, lagi bang may sumusundo kay Evere?" hindi ko napigil ang sarili kong hindi magtanong. I bet this is still the same guy na sumundo kay Evere last time.
"This is the second time. I think they know each other too well. Evere never trust easily lalo na sa lalaki," sagot niya sa akin.
"Do you know who is it? 'Yung sumusundo sa kanya?" tumingin siya sa akin ng makahulugan kaya bigla akong bumawi. "Don't get me wrong. I don't care if she is dating some punk. I just want to know who it is kasi napapabayaan niya si Raffie kapag kasama niya ang lalaking iyon. It is for my daughter's sake," sabi ko.
Umiling si Sara.
"Sorry, Sir Rafa. Kahit bestfriends kami ni Evere pagdating sa mga ganyang bagay hindi siya basta - basta nagsi – share. Ang tungkol nga sa nakaraan ninyo ay hindi niya nabanggit sa akin. Hindi ko kilala kung sino ang sumusundo sa kanya," sabi niya sa akin.
Tumango – tango lang ako at ngumiti sa kanya.
"Alright. I'll go ahead," at tuloy – tuloy na akong lumabas.
Faye brought lots of food and toys for Raffie. When I picked her up, she is too excited to meet my daughter. I should be happy because I know Faye very well. She doesn't like kids. Sa kanya na nga mismo nanggaling na ayaw muna niyang magbuntis kung halimbawang ikasal kami. But for now, I made sure to her that marriage is not an option for the two of us. Hindi ako handa lalo na nga at kailangan ni Raffie ang atensiyon ko.
"You think Raffie will like these?" sabi pa niya habang papalapit na kami sa bahay.
"I'm sure she's going to like it. She is a nice kid," sagot ko habang nagpa – park.
Nakita kong nakatayo sa may pinto si Raffie kasama si Aling Conching. Hawak ni Raffie ang aso niyang si Pickles.
Mabilis na bumaba si Faye at sabay kaming lumapit kina Raffie. My daughter is not smiling. She is just looking at us with full of questions on her face. Nagtataka kung sino ang babaeng kasama ko.
"Hi Raffie," nakangiting bati ni Faye.
"Sino siya 'tay?" sa akin siya bumaling.
"She is Tita Faye," tanging sagot ko at napatingin ako kay Aling Conching. Pilit na ngiti ang isinagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
FALL AGAIN (Complete)
RomanceMinahal at iniwan siya ni Paeng. Alam ni Evere na kahit anong gawin niya ay hindi ito maaaring kalimutan ng basta-basta. Lalo na nga at narito si Raffie. Kahit na anong gawin niyang pag-iwas, si Paeng pa rin ang ama ng anak niya. Pero likas na mapag...