Rafa's POV
Dito ako mag – isa sa front porch. It's past eleven o' clock in the evening. Yet, she is still not here. Kaninang – kanina pa siya hinihintay ng anak niya pero nakatulog na sa paghihintay si Raffie, kahit anino ni Evere ay hindi pa rin dumarating.
Bahagya kong naikuyom ang mga palad ko ng maalala ko ang nakita ko. That fucking Jerome! That asshole! Siya ang boyfriend ni Evere? Talagang hindi niya tinantanan si Evere. Noon siya ang kaagaw ko at hanggang ngayon siya pa din?
Kung ano – ano na ang pumapasok sa utak ko. Bumalik sa isip ko ang mga nakita ko noon. Pictures of them together in bed. They are having sex.
Malakas akong napasigaw at inis kong ibinato ang hawak kong bote ng beer. Ginulo na noon ni Margaret ang buhay ko. Kung ano – ano ng kagaguhan ang nangyari. Ngayon, siya pa rin ang gumugulo sa akin.
"Putang ina," mahina kong sabi ko at muling nagbukas ng beer na nasa tabi ko lang.
Napahaba ang leeg ko ng makita kong may pumaradang kotse sa harap ng bahay. It has to be them. Dire – diretso kong inubos ang hawak kong beer at muli iyong ibinato. Lalo ng nagsilab ang galit ko ng bumaba doon si Evere kasama ang lalaking iyon. Ang kakapal ng mukha. At sinama pa niya sa bahay ko?
Nakita kong bahagyang napaatras si Evere ng makapasok at makita akong nakaupo doon Napatingin pa ito kay Jerome na nasa likod nito. Napailing ako at napatawa. Ang gago ko talaga. Bakit hindi ko naisip na ito naman talaga ang gusto ni Evere kahit noon pa.
"P – Paeng," alanganing sabi niya pero kita ko ang takot sa mukha ni Evere.
Napangisi ako. "Talagang isinama mo pa siya dito sa bahay ko?"
"You have a nice house," nakangiting sabi ni Jerome sa akin tapos ay luminga sa paligid.
"Kapal ng mukha mo. Para kang nakakagago," pigil na pigil ang galit ko. Hindi ba nakikita ng gagong lalaking ito na malapit na akong magliyab sa galit?
"Paeng, m – makikipag – usap lang si Jerome," sabi ni Evere.
"Sobrang panggagago ang ginagawa 'nyo sa akin! Kaya pala hindi mo masabi sa akin kung sino ang boyfriend mo. Dahil kilala ko na pala."
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Jerome at napatingin kay Evere tapos ay sa akin.
"W – wait. I think you got the wrong –"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng lalaking ito. Hindi ko na napigil ang sarili ko at malakas ko siyang sinuntok. Napasigaw si Evere sa ginawa ko. Bagsak sa damuhan si Jerome. Susuntukin ko siya ulit ng umawat si Evere at inalalayan si Jerome na nasa damuhan. Wait. Is he crying? And did I hear him scream?
Like a girl?
"Fucking get up! Get the fuck up!" galit na galit na sabi ko habang pilit kong pinapatayo si Jerome. Ang tagal - tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. My mind was filled with those photos that Evere's father showed me seven years ago. Lalong napupuno ng galit ang dibdib ko. Pero nanatili lang na nakahandusay sa damuhan si Jerome at pilit na tinatakpan ang mukha. Iyak ito ng iyak at napapasigaw pa.
"Stop it!" saway ni Evere ng susuntukin kong muli si Jerome.
"That asshole! Sinira niya at ng pamilya niya ang buhay ko. Ang buhay mo! Tapos ngayon siya pa ang kinakampihan mo?" nanunumbat na sabi ko kay Evere.
"You don't understand," sagot niya sa akin habang inaalalayang tumayo si Jerome. Kitang – kita ko ang takot sa mukha nito habang nakatingin sa akin. Nagtataka rin ako. Nasaan na ang Jerome na brusko at bad boy noon? Hindi nga ba at ipinapahunting pa ako nito noon?
"Alin ang hindi ko maintindihan?! 'Tang ina! Ipaintindi mo sa akin dahil talagang mapapatay ko ang lalaking iyan! Niloko mo ako noon. Hanggang ngayon niloloko mo pa rin ako. All this time siya pala ang boyfriend mo! At siya pa ang inilalapit mo sa anak ko!" galit na galit talaga ako.
"He is gay! And he is not my boyfriend! He just came here para ipaliwanag ang lahat sa iyo! And since mukha namang wala kang intensiyong makinig, wala ng kuwenta ang pagpunta niya dito!" malakas na sigaw sa akin ni Evere.
Saglit akong natigilan. Teka. Tama ba ang narinig ko? Gay? Bakla? Bakla si Jerome?
"Paeng, ano ba ang nangyayari dito?"
Si Tiyong Daniel iyon at kasama nito si Nana Conching. Nagising siguro sa pagkakaingay namin. Alam kong nagulat din sila ng makita si Evere na kasama si Jerome. Nakatayo na ito ngayon at kitang – kita ko ang takot sa mukha niya na nakatingin sa akin. Si Evere naman ay nakaalalay dito.
"Si Jerome," naibulalas ni Nana Conching. Nakita ko ang takot sa mukha niya lalo na at kasama ito ni Evere.
"Come on, Jerome. Umalis ka na. Mukhang hindi naman makakaintindi ang taong iyan," narinig kong sabi ni Evere.
"If you step one foot outside this house, hindi mo na makikita si Raffie."
Masamang tumingin sa akin si Evere tapos ay lumapit sa akin.
"Diyan ka naman magaling. Akala mo kasi dahil sa nagkapera ka na, kaya mo ng makuha ang lahat. Pati sarili kong anak kaya mong ipagdamot sa akin basta ginusto mo. Hanggang kailan mo ipapamukha sa akin na kayang – kaya mong kuhanin ang anak ko? Dahil ba mahirap ako at ikaw na ang may pera? Hindi na ikaw ang Paeng na minamahal ko. Masyado ka ng binago ng pera mo," umiiyak na sabi ni Evere sa akin.
"You are selfish, Paeng. Jerome is here to tell everything. Pare – pareho tayong minanipulate ng mga taong walang puso noon. And you are becoming one of those kind of people. You are becoming like my papa and his dad."
"Are you okay?" narinig kong tanong ni Evere kay Jerome habang naglalakad sila palabas ng bahay.
"Evere! Talagang ipagpapalit mo ang anak mo sa lalaking iyan?" sabi ko.
Huminto si Evere pero hindi niya ako nilingon.
"Alam mong hindi ko kayang ipagpalit si Raffie sa kahit na kanino. Pero siguro sa pagkakataong ito, ganoon ang gagawin ko. Para ma-realize mo if it's still worth it. If it's still worth it na kainin ka ng galit mo," sabi niya at tuloy – tuloy na lumabas.
"Margaret!" pero hindi na niya pinakinggan ang pagtawag ko. Dire – diretso siyang sumakay sa kotse at umalis na doon.
BINABASA MO ANG
FALL AGAIN (Complete)
RomantizmMinahal at iniwan siya ni Paeng. Alam ni Evere na kahit anong gawin niya ay hindi ito maaaring kalimutan ng basta-basta. Lalo na nga at narito si Raffie. Kahit na anong gawin niyang pag-iwas, si Paeng pa rin ang ama ng anak niya. Pero likas na mapag...