20 - FLOWERS

4K 212 15
                                    

Rafa's POV

Wala na si Evere ng magising ako kinabukasan. After our steamy sex last night, I already dozed off. Marami din kasi akong nainom at pagod na rin. I was hoping that she would still be here para makapag – usap kami. Pero ako na rin ang sumaway sa naisip kong iyon. What happened last night complicated things. Napaka – gago ko kasi. Bakit hindi ako nakapagpigil?

Bumangon ako at naligo. Didiretso na lang ako sa Lafayette. Sigurado akong nandoon din naman si Evere. I need to talk to her. Last night was just... ah.. paano ko nga ie – explain? Hindi ko naman intensiyon na mangyari iyon. Siguro dahil nakainom ako? Gago! Ako na rin ang nagsabi noon sa sarili ko. Bakit ba hindi ko maaamin na gusto ko din talagang mangyari ang nangyari kagabi?

Ayokong isipin ni Evere na may nararamdaman pa ako sa kanya. Kailangan na maintindihan niya na kung anuman ang nangyari sa amin, init lang ng katawan iyon. Walang ibang ibig sabihin. Iyon ang pilit na isinasaksak ko sa utak ko.

Diretso ulit ako sa kusina nang makapag – ayos na ako. Iinom lang ako ng kape at didiretso na ako sa resto. Tulad ng dati, naroon na naman si Tiyong Daniel at mag – isang kumakain.

"Doon nagpahatid ng pagkain sa backyard ang anak mo. Maglalaro daw siya kasama si Pickles," sabi ni Tiyong sa akin. Si Pickles ang aso na regalo niya para kay Raffie.

Bahagya lang akong ngumiti at ipinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape.

"Maagang umalis si Evere. Hindi na nga hinintay na magising ang anak niya. Mukhang wala ngang balak magpaalam na nandito siya kasi ala – singko pa lang ata iyon nang umalis. Nakita ko lang na palabas ng kuwarto mo," sabi pa niya habang ang pansin ay nakatutok sa kaharap na diyaryo.

Parang nahihiyang napatingin ako kay Tiyong.

"Hindi ko na lang din binati kasi baka mapahiya." Sa pagkakataong ito ay tumingin na siya sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot ko.

"I am not judging you. If you still want Evere, wala namang problema. Mas magiging maayos nga iyon at mabubuo ang pamilya ninyo."

"Malabo na hong mangyari iyon, Tiyong," sagot ko.

Napatawa ito ng nakakaloko. "Eh, anong ginawa 'nyo kagabi? Nagtitigan? I don't know what is holding you back. Alam mo na ang totoong nangyari sa inyo. Some people manipulated the two of you. Pareho kayong walang kasalanan. At isa pa, para ito sa anak ninyo. So I don't see anything wrong loving Evere," parang himig nanenermon siya.

"I don't love her!" naiinis na ako. Bakit ba iyon ang pinipilit ni Tiyong?

Napahinga ng malalim si Tiyong Daniel at napakibit – balikat.

"Sige. Kung iyan ang sinasabi mo," at umalis na siya doon at iniwan ako.

Naabutan kong nakakulumpon sa bandang kitchen ang mga staff ko. Maging si Sara ay naroon din. Parang may pinagkakaguluhan na kung ano.

"First time 'to ha? Sino kaya ang nagpadala?" narinig kong sabi ni Rosie.

"Hoy, Paul! Baka sa'yo lang galing ito. Umamin ka na," si Sara naman ang nagsalita noon.

"Wala ako alam diyan, ha? Wala nga akong pambile ng bulaklak." Sagot naman ni Paul.

Napakunot ang noo ko. Parang wala namang aberyang nangyari. Lahat naman sila ay nakangiti. Hinanap ko si Evere at nakita ko siyang nakaupo at may hawak na bulaklak. Teka, kanino galing iyon?

FALL AGAIN (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon