38 - FOUND

5.7K 264 21
                                    

Rafa's POV   

Luis was right. Evere is pregnant. Kanina pa ako dito sa coffee shop na pinagta – trabahuhan niya. Pinili ko ang pinakasulok na puwesto para hindi niya ako makita. I wore a cap and jacket para hindi rin niya ako makilala.

When Luis told me about her whereabouts, pagbukas pa lang ng coffee shop na ito ay nandito na ako. It's a small coffee shop pero alam kong maraming customers lalo na nga at katapat nito ang isang kilalang call center building. Pagpasok pa lang ni Evere ay nakita ko na siya. Napangiti rin ako ng makita ko siyang nakangiting binati ang mga kasamahan niya. Just like when she was working in Lafayette. Laging masaya. Laging nakangiti. Pero napahinga ako ng malalim. I know behind that smile, she was hiding something. I know she is not feeling well. She's very pale. So thin and haggard. Mukhang pagod na pagod at buntis pa.

Ano ba ang ginagawa mo, Evere? Why are you doing this? You are pregnant? With whom? Imposibleng si Jerome ang tatay niyan dahil ikaw na nga ang nagsabing bakla iyon.

Gustong – gusto ko na siyang lapitan at yakapin. Gusto ko na siyang ialis doon para hindi na siya nahihirapan. She suffered enough.

When I looked at her again, she is already wearing her uniform and apron. And all smiles to all the customers that she greets. This is what I like about her. She is a fighter. Alam kong kahit nahihirapan siya ay pilit niyang kinakaya ang lahat.

Parang nanigas ang katawan ko ng makita kong papalapit siya sa puwesto ko. Yumuko ako at nagkunwang nagbabasa ng diyaryo.

"More coffee, sir?" narinig kong tanong niya.

Umiling lang ako.

"Water? How about croissant for breakfast?" damang – dama ko ang kasiyahan sa boses niya.

"I'm done, thank you." Bahagya kong nilakihan pa ang boses ko pero nanatili akong nakayuko para hindi niya ako makilala.

"Alright. Enjoy your day, sir."

Nang mag – angat ako ng tingin ay wala na siya sa tabi ko. Nasa ibang table na siya at nakikipag – usap sa customers.

Marahan akong napabuga ng hangin. Muntik na ako doon.  Nag – iwan lang ako ng pera para sa bayad ko at nagmamadali akong umalis.  Ayokong makita niya ako.

--------------------------------

Evere's POV

Kahit ayokong mag – extend ngayong araw ay napilitan akong gawin iyon dahil hindi pumasok ang kapalit ko. Pagod na ako pero wala akong magawa. Kaya pagpasok ko pa lang sa loob ng apartment ko ay diretso na ako sa sofa at humiga doon. All I want is a good sleep. Kanina pa ako inaantok at panay ang tigas ng tiyan ko. Alam kong napagod din ang anak ko. Maghapon din kasi akong nakatayo dahil ang dami – daming tao sa coffee shop. Pinipilit ko nga lang din ang katawan ko dahil parang gusto ko na ding bumigay kanina.

            "Matutulog muna si nanay, baby ha?  Napagod ako." sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko at nakapikit.

"So, this is your new place?"

Napadilat ako ng marinig na may nagsalita pero hindi ako gumalaw.  Baka imagination ko lang iyon. 

"Natitiyaga ka sa ganitong kaliit na lugar."

Okay.  Hindi na iyon imagination.  I know that voice. Napabangon ako at hinanap ko kung saan iyon galing. Gusto kong kumaripas ng takbo ng makita ko kung sino ang nakaupo doon sa silya malapit sa akin at nakatingin sa akin.

Paeng is there. Sitting across me and just staring at me. No emotions just staring blankly at me.

"A - anong ginagawa mo dito?" iyon na lang ang nasabi ko at naupo sa sofa.

FALL AGAIN (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon