Chapter o5 : Curse Letter

130 39 39
                                    


Note : ngayon ko lang po naisipang gumawa ng thrilling sa story ko. Hindi pa po ko masyadong expert dito pero sana magustuhan nyo po ..



*********




Hiro P.O.V




Pagka tapos namin makita yung kahindik hindik na nang yare sa likuran ng court , nag paalam muna ko kay Mitch dahil gusto ko mo nang dumiretso sa locker ko.




"Nakaka suka yung nang yare sa estudyanteng yon"



"Diba si Silver yon. Yung may sakit sa utak"



"Oo sya nga yon. Mayroon syang mental disorder"



"Walang puso ang gumawa non"



"Oo nga"





Rinig na rinig ko yung bulungan dito sa 3rd floor pero hindi ko na lang sila pinansin at napa pikit na lang ako saglit.






Binuksan ko na lang yung locker ko at tumambad naman sakin yung isang small envelope kaya kinuha ko yon para malaman ko kung ano yung laman nito dahil na rin sa curiosity ko.




Agad agad ko naman nahawakan yung isang index card kaya nilabas ko yon mula sa envelope upang malaman ko naman kung para saan yon.





"Twins angels guarded by a demon
but they did not fly to their selfish person"






Kinabahan ako nang mabasa ko yung naka sulat dito kaya tiningnan ko ulit yung loob ng envelope at bigla ko naman nakuha yung tatlong picture.






Para akong binuhusan ng isang baldeng tubig nang makita ko naman kung sinong tao yung nasa litrato. Walang iba kundi si ------ Silver. Kinuhanan sya ng picture sa iba't ibang paraan habang naliligo sya sa sarili nyang dugo kanina.






I have a bad feeling about it kaya pinasok ko ulit sa envelope yung tatlong picture at isang index card. Pagka tapos dumiretso agad ako sa classroom namin para maka usap ko si Mitch at maipakita ko to sa kanya.







-------------

"Mitch !!" Sigaw ko nang makita ko syang naka sandal sa labas ng pintuan.




"Baket ? Ano nang yare sayo ?" Tanong nya habang naka kunot yung noo nya pero hinatak ko sya palayo sa mga classmates namin. "Teka lang baket ba ?" Tanong nya ulit nang maka dating kame sa dulo ng corridor kaya inabot ko na lang sa kanya yung envelope na nakuha ko sa locker ko.





Napa takip na lang sya ng bibig at nanlaki yung dalawang mata nya nang makita nya yung nilalaman ng envelope "Where did you get this?" Tanong nya ulit sakin na may kasama ng takot.





"Sa locker ko. Hindi ko alam kung pano napunta yan don" sagot ko sa kanya at napa ngiwi na lang ako




"Kailangan din to makita nila Jhayzie" Aniya ni Mitch at napa buntong na lang ako "Mamaya samahan mo ko sa dorm nila." Dagdag pa nya at napa tango na lang ako bilang sagot ko sa kanya dahil hindi ko pa rin mapaliwanag yung nararamdaman kong kaba ngayon





Natigil lang kame sa pag uusap namin nang biglang dumating si Ma'am Ericka sa kinaroroonan namin kaya dali daling itinago ni Mitch yung envelope na inabot ko sa kanya kanina.





PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon