Chapter 34 : Everything's Has A Changes

56 16 26
                                    

Jhayzie P.O.V



Pagka gising ko ay napa upo ako sa puting kama at napa sapo na lang ako sa ulo ko dahil naramdaman kong kumirot yung sentido ko. ------- Hindi na to nakakapag taka dahil alam kong dinala na naman ako ng mga kaibigan ko sa clinic at sinumpong na naman ako katulad dati



"Gising ka na pala ..." Wika ng isang pamilyar na boses habang naka yuko ako at kinukusot kusot ko pa yung dalawang mata ko kaya napa lingon na lang ako sa kanya



"Nurse Joy ?" Napa balikwas na lang ako sa kama nang makita ko ulit sya.


"Ang tagal nating hindi nag kita ahh. Simula nung umalis ka dito sa CHT" Giit naman nya habang nag susulat sya nang kung ano ano sa isang puting papel.


"Sampung taon na rin yata ang nakaka lipas. Mabuti naaalala nyo pa po ko" Napa ngiti na lang ako kay Nurse Joy at ibinaba ko na yung dalawang paa ko habang naka upo pa rin ako sa puting kama.


"Oo naman. Ikaw kaya yung estudyanteng pasaway na laging dinadala dito sa clinic kapag nagkaka sugat ka dahil sa katigasan ng ulo mo hahahah. ---- Pero mukhang nag matured ka na yata ngayon ahh" Napa iling iling na lang ako habang tumatawa naman si Nurse Joy ------ sya kase yung laging naka assist sakin kapag nagkaka sugat ako nung elementary pa lang ako



"Anyway Baket pala nung first day of class ? Hindi po kita napapansin dito" Naka kunot noong tanong ko sa kanya kaya napa tigil muna sya sa pag susulat at napa tingin sakin.


"Kakauwi ko lang sa CHT kanina from New York" Tugon nya sakin habang nakapalumbaba sya sa lamesa at pinag lalaruan nya yung ballpen na ginagamit nya "Oo nga pala. Nakaka usap mo pa ba si Princess ? May pasalubong ako sa inyo at sigurado akong magugustuhan nyo to ...."
Naka ngiting giit ni Nurse Joy habang may kinukuha sya sa shoulder bag na naka patong sa ibabaw ng lamesa.



Natulala na lang ako at rumehistro sa buong pagkatao ko yung matinding emosiyon nang marinig ko yung pangalan ni Princess ....



"Nurse Joy ..... Simula nung bumalik ako dito sa CHT. ----- Kahit isang beses hindi ko pa po nakaka usap si Princess" Naka tulala kong sambit kaya napa kunot yung noo ni Nurse Joy ----- habang inaabot nya sakin yung dalawang tobleron.



"Baket ?! Teka nga lang. --- Ano ba pinag awayan nyo ?" Tinabihan na lang ako ni Nurse Joy na mistulang naguguluhan kaya nag kibit-balikat na lang ako.


"Hindi ko po alam ehh .... Naging mailap po sya samin kahit sa mga kaibigan namin" Tugon ko naman sa kanya habang naka tulala pa rin ako.



"Ano naman problema nya ?" Naguguluhang tanong ni Nurse Joy kaya nag kibit-balikat na lang ulit ako at namayani ang katahimikan sa pagitan namin -------- dahil para akong nanigas sa kinauupuan ko nang mapag usapan namin yung tungkol samin ni Princess


"Sige na po. Mauna na po ko" Paalam ko sa kanya at napa tayo na lang ako sa kinauupuan namin "Salamat na lang po ulit dito sa Tobleron" Pahabol ko pa habang isinusuot ko na yung sapatos ko


"Balitaan mo na lang ako. Kapag naka usap muna sya" Wika naman ni Nurse Joy at bumalik ulit sya sa kinauupuan nya kanina kung saan sya nag susulat


Nagulat na lang ako nang biglang may isinusugod na estudyante dito sa clinic kaya napa balikwas ako sa kinatatayuan ko.


"Nurse. Hinimatay po sya sa cafeteria" Panimula nung lalakeng humahangos at tumatagaktak yung pawis habang buhat buhat nya yung estudyanteng isinugod dito sa clinic.


PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon