Jhayzie P.O.V
"Ano pa ba mga nalalaman nyo tungkol kay Dennis ?" Tanong ko sa kanila habang naka upo na naman ako sa back seat ng kotseng sinasakyan namin.
"Nung nag aaral pa sya sa Infinite University , isa syang mabait at matalinong estudyante , sabi nga ng teacher namin nung Grade 4 pa lang kami ay ibang level na daw yung kaalaman ni Dennis noon , tapos hindi pa sya nawawala sa honor ------, kung hindi sya top 1 , ay nasa top 2 naman sya." Pag kukwento ni Sophie kaya napa tingin naman ako sa kanya mula sa rear view mirror. "kaya nga nagulat na lang kame nang bigla syang nawala sa sarili , para syang baliw -- nung panahong sinaksak nya sa leeg yung adviser namin nung elementary pa lang kame." Pag papahayahag pa nya kaya napa buntong hininga na lang ako.
"Ngayon ko lang rin nalaman , sa kabila ng mga pag tyatyaga nya noon sa pag aaral ------- at sa kabila ng mga ngiti nya , ay hindi ko alam na mayroon pala syang miserableng buhay." Seryosong giit ni Robbie at napa iling iling na lang sya ....
"So ano na pala yung pinaplano nyo ngayon ?" Kunot-noong tanong ko sa kanila kaya napansin kong napa ngisi na lang si Robbie sa rear view mirror habang naka tingin sya sakin dito sa backseat.
"Kung sakaling magka aberya sa Saroma Lake ay humingi na ko ng back up mula sa mga asset ni Papa pati sa itinatag nilang organisasyon sa Infinite Town." Tugon naman sakin ni Robbie kaya napa ngiti na lang ako na mistulang nabuhayan ng loob.
Nakaka tuwa naman , na may itinatag silang organisasyon sa bayan nila at pinamumunuan pa ng mga Villafuerte. ---- Lalo tuloy akong napanatag ngayong kasama ko sila para malutas yung mga karumal-dumal na nang yayare sa Crimson Hustla Town.
"Anyway , sino pala yung dalawang kambal na tinutukoy ni Sister Margie ?" Naguguluhang tanong ni Sophie kaya napa balikwas na lang ako dito sa back seat.
"Mukhang may makukuha tayong impormasyon sa dalawang kambal na yun , kung makikita natin sila." Giit na naman ni Robbie at napa buntong-hininga na lang ako dito sa likuran nila.
"Hindi ako sigurado , pero wala na yata sila." Sambit ko habang naka tingin ako sa labas ng sliding window.
"Ano ibig mong sabihin ? Pano mo naman nalaman yung bagay na yon ?" Nagugulumihanan na tanong ni Robbie sakin kaya napa ngiwi na lang ako at itinuon ko yung atensyon ko sa magkapatid.
"Nung time na may nakita kong dalawang babae na magka mukha sa class picture nila last year , ay ikinuwento sakin nila Yuriko ang pagkamatay ng dalawang kambal na yun ----- namatay daw sa isang incident ng section nila yung dalawang kambal na nakita ko sa class picture nila nung nakaraang taon." Pagpa paliwanag ko sa kanila kaya nangibabaw yung matinding tension sa kotse na to. "Halos lahat sila naka ligtas daw pwera lang sa dalawang kambal na tinutukoy nila sa section nila last year." Dagdag ko pa sa pag kukwento.
"So ? Patay na sila ? Patay na yung dalawang kambal na sinasabi ni Sister Margie." Nalilitong giit ni Sophie at bakas na bakas sa boses nya yung magkaka halong emosyon.
"Kung ganon , hindi ako pwedeng magka-mali , eto na siguro yung motibo ng salarin." Seryosong giit ni Robbie ---- at lalo pa nyang binilisan yung pagpapa takbo sa kotseng sinasakyan namin.
Hiro P.O.V
Pagkarating namin sa backyard ng pangatlong bahay na sinasabi ni Princess, ay para akong nanigas sa kinatatayuan ko ----- dahil nadatnan namin dito sila Hashikawa at Vincent , na hindi na namin mahitsura.
BINABASA MO ANG
Psychopath
Tajemnica / ThrillerJhayzie disappeared for a few years in Crimson Hustla Town and when he returned there were many new ones and some hidden secrets. Everythings has changes It's time to find the truth.