Chapter 25 : The Riddles

60 20 32
                                    

Jhayzie P.O.V

Nangibabaw ang matinding takot sa apat na sulok ng kwarto na to at para kameng nanigas nang biglang tumawag sa cellphone ni Rainnie ang salarin.


Inagaw naman ni Alison yung cellphone mula kay Rainnie at itinodo nya yung volume nito habang naka loud speaker kaya rinig na rinig namin yung nakaka kilabot na tawa ng isang misteryosong tao na nag mumula sa cellphone



"Where are Harvey and Andrea ?! Bring them back here now !!!!" Bulyaw ni Alison sa cellphone pero tumawa lang na parang demonyo yung salarin.


"Kung gusto nyo sila iligtas. Kayo mismo ang mag hanap." Malamig na giit ng salarin na nag mumula sa cellphone na hawak ni Alison kaya parang tumindig yung mga balahibo ko.


"Hayop ka !! Kapag may nang yareng masama sa mga kaibigan namin. Huwag kang magpapa kita sakin !!!" Nang gagalaiti na sa galit yung Kendra at napa kuyom na lang nya yung dalawa nyang kamao


"Nakaka takot ka naman Kendra .. Kung simulan nyo na lang kaya hanapin tong mga kaibigan nyo hangga't humihinga pa sila" Giit ng salarin kaya lalong nainis si Kendra pero pinilit nyang pakalmahin yung sarili nya at huminga na lang sya ng malalim habang naka pikit



"Pano naman namin yo ---- ?" Hindi na natapos ni Jenny yung sasabihin nya nang biglang naputol na yung linya namin sa salarin kaya napa buntong-hininga na lang ako



"Tang ina sya. Papatayin ko sya kapag nalaman ko kung sino yung tao na yon" Bulalas ni Kendra at napa singhal na lang sya sa galit habang naka kuyom pa rin yung dalawang kamao nya.




"Tingnan nyo yon" Giit ni Elhiza kaya napa tingin kame sa likuran ng pintuan nang isinara ito ni Kevin dahil maraming usisero't usisera sa labas na naka dungaw dito sa classroom namin kaya pati yung mga bintana ay isinara na nya.





Napansin naman namin yung isang manila paper sa likod ng pintuan kaya dumiretso kame dun para mabasa yung naka sulat dito



Even though it is not a house

It has mirrors and windows

It even has seats and a roof

And four doors that you can close

with bomb.

From Psychopathic
Killer




"Ano to ?" Naguguluhan na tanong ni Katherine


"Isa tong Riddles from culprit. The killer really made us play" Hindi ko na namalayang nasa tabi ko na pala si Winston habang binabasa nya yung naka sulat sa manila paper



"Kung isa tong riddles. Ano naman yung ibig sabihin nito ?" Napa kunot na lang ng noo si Kevin habang binabasa nya ng maigi yung mga naka sulat sa manila paper





Nangibabaw naman ang katahimikan sa classroom namin at naka focus kaming lahat sa mga naka sulat sa manila paper habang sinusuri namin yung riddles na nasa harapan namin ngayon. Pa ulit ulit namin binabasa yung riddles para malaman namin yung tamang sagot at kung ano yung pinaparating nito





Minsan ....... napapa tanong na lang ako sa sarili ko kung ano ba talaga ang nang yare sa bayan na to simula nung nawala ako dito sa loob ng pitong taon ?



PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon