Jhayzie P.O.V
Habang naka tambay kame sa mahabang upuan na gawa sa bato. Agad agad namin natanaw si Mitch na nag iisa at nag lalakad papunta samin , mukhang hindi pa nya nakikita si Hiro kaya hindi ko pa rin maintindihan yung presensya sya.
"Ano ? Wala pa rin ba si Hiro ?" Tanong ni Alison nang maka lapit si Mitch sa amin.
"Kanina pa sya hindi pumapasok sa classroom pati sa dorm namin. Wala rin sya don" Giit ni Mitch.
"Saan naman pumunta yung lalakeng yon ?" Tanong ni Yuriko na naguguluhan kaya nag kibit-balikat na lang si Mitch.
"Baka nama---" Hindi na natapos ni Jenny yung sasabihin nya nang biglang may sumigaw sa gitna ng quadrangle kung saan naka tayo ang flagpole.
"Yung babae ..." Napa tingin kame kung ano yung tinuturo ng babaeng sumigaw kanina kaya para kong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ko yung estudyanteng unti unting nahuhulog mula sa rooftop.
Lalo akong nagimbal sa binagsakan ng babae dahil unti unting tumagos sa sikmura nya yung matulis na bagay sa tuktok ng flagpole kaya biglang nagka gulo dito sa quadrangle.
"Si AnnaJean yon ahh" Wika ni Mitch na nanginginig na sa takot. Agad agad ko naman inaninag yung mukha ng babaeng parang tinuhog sa flagpole pero naka kuha ng atensyon ko yung anino ng isang tao mula sa rooftop kaya napa kunot na lang ang noo ko dahil nawala naman agad yung aninong nakita ko don.
Napansin ko naman sa di kalayuan yung dalawang transfer , at napa iling iling na lang yung Winston habang tinititigan nya yung katawan ni AnnaJean na naka tusok pa rin kung saan sya nahulog kanina
"What the hell ?" Bulalas ni Alison na may kasamang pangamba.
"Nakaka kilabot !! Tara na" Anyaya naman ni Jenny at halatang halata yung matinding takot sa mukha nya pero bago kami maka alis dito nakita agad namin si Elhiza at kasama nya si Hiro na nag lalakad papunta sa direksyon namin.
"Saan ka ba nang galing Hiro ?! Halos mabaliw na ko kaka hanap ko sayo" Binulyawan agad sya ni Mitch nang maka lapit sila samin. Ewan ko ba kung ano yung relasyon nila sa isa't isa. Dinaig pa nila yung mag asawa.
"Sorry. pero pwede bang doon muna kame sa dorm nyo ? May kailangan kayong malaman" Giit ni Hiro.
"Ano naman yon ?" Tanong ni Kevin na may kahalong pag tataka.
"Basta mahabang kwento !!" Napa pikit na lang si Hiro habang humahangos sya. "Kanina ko pa kayo hinahanap , mabuti na't nakita ko tong ka dormmate nyo" Dagdag pa nya at napa tingin pa sya kay Elhiza.
Bago kame makapag lakad paalis dito. Napa tingin muna si Hiro sa bangkay ni AnnaJean na naka bulagta na sa lupa at wakwak ang tagiliran , samantalang ako , napansin ko naman agad sila Princess na palabas sa building kung saan nahulog ang kaklase namin ------- Habang naka akbay pa si Dennis sa kanya kaya napa yuko na lang ako sa kinatatayuan ko .... pero nagulat na lang ako nang bigla akong inakbayan ni Alison at ngumiti pa sya sakin ng nakaka loko.
---------
Pagka pasok namin sa dorm na to , kinuwento agad ni Hiro yung nang yare sa kanya kagabe at kung pano sya naka takas sa mga humahabol sa kanya kaya nangibabaw ang matinding tension sa amin.
BINABASA MO ANG
Psychopath
Mystery / ThrillerJhayzie disappeared for a few years in Crimson Hustla Town and when he returned there were many new ones and some hidden secrets. Everythings has changes It's time to find the truth.