Chapter 39 : The tears of pain

53 14 29
                                    


Jhayzie P.O.V



Naisipan muna namin dumiretso sa dorm pagka tapos namin makita yung kahindik hindik na nang yari sa harapan ng Science Building ----- pero naka agaw sa atensyon namin yung mga estudyanteng naka tayo sa harapan ng Principal Office



Unti unti akong napapa ngiwi nang mapag tanto kong mga nag babalak pala lumipat ng eskwelahan yung mga estudyanteng naka tayo dun dahil kapansin pansin din yung mga dala dala nilang mga folder at envelope ------- I just sighed in annoyance because of what is happening now here at Crimson University. ------ Nababanas na talaga ko sa mga serial killer ----- to be honest !!!!


"Feeling ko mabubura na sa Crimson Hustla Town ---- yung paaralang pinapasukan natin." Giit ni Elhiza habang nag lalakad kame patungo sa dorm namin.


"Ang dami na nga natatakot at gusto na nilang lumipat sa ibang University ngayon." Napa singhap na lang si Jenny nang mapa daan kame sa harapan ng Principal Office.


"Isa kase tong malaking banta sa buong Crimson University kaya marami nang natatakot." Napa buntong-hininga na lang ako habang naka pamulsa yung dalawang kamay ko


"Ano na ba talaga kase nang yayare ? Sino ba talaga yung puno't dulo ng lahat ?" Marahas na napa sabunot si Yuriko sa buhok nya na tila ba'y naguguluhan at nawawala na sa sarili dahil sa mga nang-yayare ngayon.


"Hindi lang section namin last year yung pinupuntirya ng mga killer ----- mukhang may balak pa yata silang palubugin ang Crimson University !!!!" Bulalas naman ni Kevin kaya naramdaman ko yung matinding tension sa boses nya.


Nag sisimula na naman manginig yung mga kamay ko habang paakyat kame sa hagdanan. Unti unti na rin ako pinag papawisan dahil sa matinding emosiyon na nararamdaman ko. I could feel the rapid heartbeat as if throbbing due to nervousness.


Napapa sapo na lang ako sa ulo ko at maya't maya ako napapa sandal sa mga pasilyong nadadaanan namin dahil sa takot at pagka balisa. Lalo na't laging bumabagabag sakin yung dalawang reporter na nahulog mula sa rooftop ng Science Building kanina.


"Parang gusto ko na rin lumipat ----- Natatakot na rin ako sa mga possibleng mang yari." Nanlake yung mga mata namin nang biglang nag salita si Alison na kanina pa pala tahimik at mistulang hindi mapa lagay ----- kaya natigil kame sa pag lalakad at nakuha nya yung atensyon namin lahat.



"Ano ibig mong sabihin ? ----- Gusto mo rin kami iwanan kagaya ni Princess !!" Rumehistro sa mukha ni Kevin yung pagka dismaya ------- kaya nangibabaw yung nakaka binging katahimikan sa kinaroroonan namin dahil sa inasal ni Alison.


"Natatakot na ka----" Hindi na natapos ni Alison yung gusto nyang sabihin ------- nang marahas syang isinandal ni Kevin sa wall habang hawak-hawak nya yung magka bilang balikat ni Alison ------ kaya wala na kameng nagawa kundi panoorin sila.

"Nasan na yung nakilala kong Alison ?!! Nasaan na yung matapang na Alison ?! Yung palaban ?! Yung matatag ?! Yung war freak ?! Nasaan na yon ? ------- Parang hindi na ikaw yan dahil yung nakilala kong Alison walang inuurungan." Bulalas ni Kevin habang tinititigan nya si Alison sa mata.



"Kase naman. Nag papanggap lang ako na matapang ngayon pero ang totoo natatakot na ko !!!" Nag umpisa ng umagos yung mga luha ni Alison kaya mas hinigpitan ni Kevin yung pagkaka hawak nya sa mag kabilang balikat nito. ---- Para bang nakikita ko na naman yung first impression ko kay Alison nung panahong mga bata pa kami at nung time na hindi pa kami gano magka close.



PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon