Chapter 1o : New Students

89 26 39
                                    


Jhayzie P.O.V



After few minutes. Natapos din maligo si Alison. Grabe talaga tong babaeng to , dinaig pa yung mga artista sa sobrang bagal sa banyo.





"Ilang balde ba ng tubig pinangpa ligo mo ?!" Reklamo ni Kevin pero inirapan lang sya ni Alison.





"Pake mo ba ?" Sagot ni Alison habang nag susuklay sya ng buhok sa harapan ng salamin.




"Anong pake ?! Dahil sa kabagalan mo baka ma-late tayo sa klase. First subject pa naman natin si Ma'am Ericka !!" Halos mang galaiti na sa galit si Kevin kaya sumang ayon naman sila Yuriko at Jenny. Tumango tango pa sila habang naka pikit.





"So ? Pinag tutulungan nyo na ko ngayon ?" Bulalas ni Alison habang naka taas pa yung isang kilay nya.




"Tama na yan !! Baka lalo tayong mahuli sa klase" Awat ni Elhiza at pumagitna pa sya sa apat.




"Teka nga lang maiba tayo. Kaya muna ba talaga pumasok pre ?" Ibinaling sakin ni Kevin yung atensyon nya kaya tumango tango na lang ako bilang sagot ko.





"Tara na !!" Anyaya ni Alison at kinuha na nya yung bag nya na katabe lang ng salamin kung saan sya nag suklay.




"Salamat natapos rin tong bruha na to" Napa buntong hininga na lang si Kevin dahil sa kabagalan ni Alison. Hahaha ...







----------------

Pagka dating namin sa classroom , bumungad samin yung mga kaklase kong nag kukwentuhan. Mabuti na't wala pa dito si Ma'am Ericka kaya dumiretso na lang kame sa dulo kung saan kame naka upo kahapon.




"Ano nang yare sayo ?" Bungad sakin ni Tristan at kasama nya si Kenneth kaya nakita ko na naman yung pagka inis sa mukha ni Kevin.




"Ewan ko. Basta nawalan ako ng lakas para tumayo tapos umikot na lang bigla yung paningin ko" Paliwanag ko at kagaya nung first day of class wala pa rin emosiyon yung mukha nya.





"Ah ganon ba ?" Matipid nyang tugon at bumalik na sya agad sa kinauupuan nila.





Naka agaw naman sa atensyon ko si Mitch na nasa corridor namin habang sinesenyasan nya kame sa labas.





"Ano kaya ginagawa nito dito ? Wala ba silang klase ?" Sambit ni Yuriko kaya dali dali namin pinuntahan si Mitch kung saan sya naka tayo.




"Baket ? Ano problema ?" Si Jenny na yung bumungad at nag tanong kay Mitch.




"Nakita nyo ba si Hiro ? Hindi ko sya nakitang natulog sa dorm namin" Tugon ni Mitch kaya sabay sabay kaming nawindang.




"Saan naman sya natulog kagabi ?" Tanong ni Jenny na naguguluhan kaya nag kibit-balikat na lang si Mitch. Napa isip rin ako kung saan nagpa lipas ng gabe si Hiro. Samantalang hindi naman namin sya nakasama sa dorm namin.





"Hindi pa namin sya nakikita kanina pa .." Wika ko habang naka sandal ako sa wall.





"Baka nasa classroom nyo na sya. Nagka salisi lang kayo" Giit naman ni Alison kaya sinang-ayunan naman namin sya.






"Sige mamaya na lang. Hahanapin ko pa sya" Paalam ni Mitch at umalis na sya agad sa corridor namin na nag mamadali.




"Saan naman kaya nagpa lipas ng gabe si Hiro ?" Tanong ni Kevin na may kasamang pag tataka habang nag lalakad kame pabalik sa pwesto namin ...... pero natanaw ko naman sa peripheral vision ko si Tristan na naka tingin sakin kaya napa lingon ako sa kanya at agad agad naman syang humarap kung saan sya naka upo.





PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon