Hiro P.O.V
Pagka baba ko sa van na sinasakyan namin ni Lola ay sumalubong sa dalawang mata ko yung bahay na sakto lang sa kalakihan kaya napa buntong-hininga na lang ako dahil matagal tagal na rin akong hindi nakaka punta dito.
Sa Paradise Street kase ako tumutuloy ngayon kapag weekends dahil kumuha ako ng apartment dun para mangupahan at mapa lapit ako sa school na pinapasukan ko
"Apo. Dun ka muna sa sala. Mag hahanda muna ko ng makakain natin" Giit ni Lola nang maka pasok kame sa bahay. "tsaka nga pala mayroon din akong importanteng sasabihin sayo" Pahabol pa nya bago sya umalis sa kinatatayuan ko
Dumiretso na lang ako sa sala para makapag pahinga pero napapa isip pa rin ako kung ano yung importanteng sasabihin sakin ni Lola , may kinalaman ba to sa nawawala kong kapatid ? May nalaman ba syang impormasiyon ? ------ kaya inexcuse pa nya ko kay sir Darwin kanina para makapag usap kame ng maayos ngayon sa bahay na to
Nakaka yamot naman. Ang daming bumabagabag sakin kaya napa higa na lang ako sa sofa habang naka lagay yung dalawang kamay ko sa likurang bahagi ng ulo ko pero biglang sumagi naman sa isip ko yung kaguluhan sa school kanina
Sigurado akong nadamay yung mga kaibigan ko dun pati yung mga kaklase ko , dahil masama ang kutob na kumilos na naman yung may kagagawan ng lahat. Fuck shitt !!!
Nahinto lang ako sa pag iisip nang makita ko yung isang litrato sa itaas ng TV dito sa sala kaya agad agad akong napa tayo at kinuha ko yon. ------- yung litrato namin mag kapatid nung mga 4 or 5 years pa lang kame.
"Kuya Hiroshi. Di ka ba sasama sa mga kaibigan mo? Sinundo ka pa nila dito eh nakaka hiya naman" Giit ni Hannah bago umalis yung mga kaibigan ko sa gate namin.
"Ahmmmm ... Wala si Mama at Papa tapos si Lola naman nagpa check up sa doctor" Tugon ko naman sa kanya.
"Eh ano naman kuya ? Mga kaibigan mo yon. Baka magalit sila sayo Kuya" Malambing na sambit ni Hannah kaya napa ngiti na lang ako dahil kahit kailan ay napaka cute talaga ng kapatid ko.
"Wala kang makaka sama dito kaya hindi kita pwedeng iwanan" Sambit ko pero napa ngiwi lang sya habang naka halukipkip at naka taas pa yung isang kilay nya
"Dalaga na ko kuya. Wag muna kong gawing bata" Bulalas naman ni Hannah.
BINABASA MO ANG
Psychopath
Mystery / ThrillerJhayzie disappeared for a few years in Crimson Hustla Town and when he returned there were many new ones and some hidden secrets. Everythings has changes It's time to find the truth.