Jhayzie P.O.V
"Pano ? Pano napunta yung katawan ni James dun ?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alison nang makarating kami dito sa likod ng Crimson University
"Hindi kaya -- pero pano ?" Kagaya ni Alison ay hindi rin makapaniwala si Kevin kaya napa sandal na lang sya sa isang matandang puno kung saan kame nahinto sa pag lalakad
"Ganon ba katinik ang salarin ? ----- nailagay nya dun nang walang kahirap hirap yung katawan ni James" Giit naman ni Hiro.
"Ni wala nga yatang nakakita sa salarin .... kahit yung mga gwardyang nag babantay dito kapag weekends." Napa singhal na lang si Yuriko at nanaig ang maraming katanungan sa amin dahil mukhang hindi lang basta basta killer yung pinaka ugat ng lahat lalo na't marami ng buhay ang nasayang.
"Kahit sa CCTV nga daw kanina wala man lang lumabas na tao sa footage" Giit naman ni Mitch na naka ngiwi kaya napa isip ako kung papano nang yare yon ? papano nya nagawa ng malinis yung trabaho nya ? Kaasar naman !! Hindi sya tao !! Halimaw sya.
"Laging naka handa ang serial killer --- kahit ano mang oras" Malamig na sambit ni Tristan na sumunod pala samin dito sa likod ng school habang kasama nya si Kenneth na may dala dalang coca cola mismo.
"Guys mag ingat kayo ahh ... Ayokong may mawala sa mga kaibigan ko" Pag dadrama ni Kevin kaya ewan ko ba kung baket natahimik kaming lahat at isa isa kameng nagka titigan habang pinipigil namin tumawa
"Ulol !!!!!!" Sigaw ni Alison sa tenga ni Kevin at kinutusan pa sya nito
"Napaka laking ulol !!!" Gatong naman ni Hiro na hindi na nakapag pigil kaya nag tawanan na lang kame.
"Bahala nga kayo !! Seryoso ko. Kayo na nga lang inaalala eh" Bulalas naman ni Kevin samin kaya lalo kameng natawa dahil hindi namin ineexpect na may pagka artista rin pala tong lalake na to. Hahahah ....
"Napaka dramatic mo naman. Malabong mang yari yon" Napa akbay na lang si Yuriko kay Kevin na hindi pa rin maipinta yung mukha nya.
"Correct !!! Ang masamang damo , matagal mamatay" Pang aasar naman ni Jenny kaya sinamaan sya ng tingin ni Yuriko samantalang si Alison ay binabatuk-batukan na si Kevin habang naka ipit sa kili-kili nya yung ulo nito.
"Ang baho !!! Mag rexona ka nga o kahit tawas man lang" Reklamo ni Kevin ng maka layo sya kay Alison kaya napa buntong-hininga na lang ako dahil kahit papano nawala na yung matinding takot na naramdaman namin kanina.
Natawa na lang rin sila Hiro at Mitch pati si Kenneth pero si Tristan ay naka sandal lang sa puno na nasa harapan namin habang naka lagay sa magka bilang bulsa nya yung dalawang kamay nya.
Napansin ko naman si Elhiza na kanina pa tahimik at walang ka emo emosiyony. Para syang girl version ni Tristan pa minsan minsan hahah ..
"Mukhang lalim ng iniisip mo ahh" Panira ko sa kanya habang naka tingin sya sa kawalan at hindi na nya inaalintana yung mga kaibigan namin na nag haharutan at nag bubugbugan ng pabiro.
"Wala to --- Natatakot lang ako" Aniya ni Elhiza kaya napa kunot ang noo ko.
"Baket ? Ano naman kinakatakot mo ?" Tanong ko sa kanya at naupo naman sya sa ilalim ng puno habang naka baluktot yung dalawang tuhod nya para mayakap nya to kaya umupo na lang rin ako para matabihan sya.
"Natatakot ako ------ na baka ako na yung isunod ng killer ----- Natatakot rin ako ------ na baka matagpuan nyo na lang yung bangkay ko dyan sa school natin ---- Natatakot ako Jhayzie" Bakas na bakas sa mukha nya yung matinding takot kaya parang may kumirot sa damdamin ko nang makita kong nangingilid na yung mga luha nya at pinipigilan nya lang ito bumagsak.
"Don't be afraid !! Everything's going to be okay and I'm always here for you" Hindi ko alam kung baket kusang nag salita yung bibig ko para lang mapalakas ko yung loob ni Elhiza sa ganitong sitwasiyon kaya kinusot na lang nya ng bahagya yung mata nya.
"Pangako mo yan ahh. Wala ng bawian" Nagulat na lang ako nang bigla syang tumayo at pinagpagan nya yung super duper black pantaloon nya kaya napa tingala ako sa kanya habang naka ngiti sya ng nakaka loko. Weird !!
"Baka kung ano isipin mo dun sa sinabi ko. Walang ibig sabihin yon ahh" Giit ko at napa tayo na rin ako sa pagkaka upo ko.
"Baket may sinabi ba kong may meaning yon ?" Pasaring nya kaya sinamaan ko sya ng tingin pero nginitian nya lang ulit ako ng nakaka loko. Baliw !!
"Baka matuluyan na kayong magka developan nyan sa isa't isa !! Hahahaha ..." Bulyaw ni Kenneth at ngayon ko lang napansin na naka tuon na pala yung atensyon nilang lahat samin ni Elhiza at kahit si Tristan na kanina pa tahimik ay nakita ko na rin ngumiti kahit papano kaya agad agad ako dumistansya kay Elhiza na parang wala lang nang yare.
"Napaka torpe mo talaga Jhayzie" Pang aasar sakin ni Alison habang tumatawa kaya nangibabaw dito ang tuksuan , asaran at kulitan kahit si Elhiza ay naki sakay na rin sa kanila kase alam namin na ganto lang makipag harutan yung mga kaibigan naming loko loko.
------------
Naisipan na namin pumasok sa Crimson University dahil mag aalas dose na nang tanghali kaya dumiretso na kame sa cafeteria para mananghalian.
"Yes naman kainan na !!!!" Bulalas ni Yuriko nang makarating kame sa tapat nang cafeteria kaya napa iling iling na lang ako sa kanya
"Patay gutom !!" Napa buntong hininga na lang si Jenny pero hindi sya pinansin ni Yuriko at dumiretso lang ito sa loob ng cafeteria.
"CR lang ako guys" Paalam ko sa kanila.
"Sige. Sumunod ka na lang samin. Nagugutom na rin ako eh" Aniya ni Kevin at pumasok na sila sa loob ng cafeteria kaya nag simula na rin ako mag lakad papunta sa banyo na malapit lang dito.
Hindi ko talaga maiwasan mapa ngiti nung naka usap ko nang malapitan si Elhiza. Hindi ko rin maintindihan yung nararamdaman ko lalo na't nang makita kong nangingilid na yung luha nya kanina.
Gusto ko sya yakapin para pakalmahin sya pero baka maging mailap na sya sakin at hindi ko na sya maka usap kapag nagka taon pero nakaka tuwa rin na may pagka moody din pala sya Hahahah ...
Pagka pasok ko sa CR. Bigla akong may narinig na humahagulgol kaya sinundan ko kung saan nag mumula yon hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa dulo ng CR.
Nagulat na lang ako nang makita ko dito si Princess na naka upo sa gilid ng cubicle habang umiiyak kaya dali dali na kong pumunta sa kanya.
"Ano nang yare sayo Princess ?' Nag aalala kong tanong sa kanya.
"Ikaw .... pala ... Jhayzie ..." Sambit nya sa gitna ng pag hikbi nya.
"Ano ba nang yare sayo ? Nag away ba kayo ni Dennis ?" Tanong ko ulit sa kanya pero sa pagkakataon na to biglang dumilim yung expression ng mukha nya habang naka tingin sya sa sahig at ngumiti pa sya na parang sinapian ng isang demonyo.
"Sino kaba ?!Ano ba pake mo sakin ?!" Nagulat na lang ako ng bigla sya tumayo at kinuha nya yung tabo na naka lagay sa cubicle pagka tapos binuhos nya sakin yung tubig na naka lagay dun.
Hindi ko na namalayang tumakbo na pala sya palabas ng CR habang naiwan akong naka tulala dito na basang basa at mistulang naguguluhan.
*******
Note : Just read it to the end to find out the hidden mystery Hahahah Lol ...
THANKS FOR READING !!!!
VOTE AND COMMENTS !!!!
BINABASA MO ANG
Psychopath
Tajemnica / ThrillerJhayzie disappeared for a few years in Crimson Hustla Town and when he returned there were many new ones and some hidden secrets. Everythings has changes It's time to find the truth.