Alison P.O.V
Mag aalas dyis na ng gabe at naka tambay pa rin kame ni Kevin sa green house dito sa likuran ng bahay namin dahil hanggang ngayon nag iisip pa rin kame ng paraan para mabalaan namin yung mga kaklase namin last year.
"Eto pala ang pakay ng killer. Iniisa isa nya yung mga estudyante ng 12-Stem nung nakaraang taon , pero baket ?" Sambit ni Kevin na naguguluhan habang tinititigan nya yung class picture namin last year
.
"Ano kasalanan natin sa taong yon ? Isa syang baliw." Napa buntong hininga na lang ako kung saan ako naka upo.
Hindi na rin kame naka punta sa party dahil sa natuklasan namin kani kanina lang. Hindi talaga ako mapa lagay dito , para akong hindi maka hinga sa mga nalaman namin lalo na't kasama kame ni Kevin sa mga target ng salarin.
"Halos lahat ng kaklase natin ngayon ay kasama sa class picture na to pwera lang kay Jhayzie pati yung dalawang transfer na sila Winston at yung Eunice" Giit ni Kevin kaya napa ngiwi na lang ako
"Kailangan natin sila masabihan pati yung pitong engineering at yung tatlong nursing students pa" Seryoso kong giit
"Teka .... Huwag muna natin to ipag sabi kahit kanino" Aniya ni Kevin na tila ba'y may malalim na iniisip kaya napa sandal na lang sya sa kinauupuan nya at napa tingala.
"Kahit sa mga kaibigan natin ?" Tanong ko na may kasamang pagka lito.
"Oo kailangan natin gawin yon. Kailangan muna natin to isikreto" Napa kunot nalang yung noo ko sa sinabi nya
"Pero kailangan di-----" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang bigla nya kong sinamaan ng tingin.
"Mag isip ka nga. Mayroon bang serial killer na nagpapa halata ? Malamang nag babalat kayo lang sya para maka kuha ng impormasiyon sa mga gagawin nyang step para mapag tagumpayan nya yung mga plano nya" Bulalas ni Kevin kaya natahimik na lang ako dahil may point naman sya na baka mapa hamak lang kame lalo na't hindi pa namin alam kung sino ang pumapatay at baka nakaka sama lang namin sya at nag papanggap lang sya na isang inosenteng tao , pero impossible naman magawa yon ng mga kaibigan namin dahil mula pagka bata magkakasama na kame tsaka mukhang wala rin naman sa bokabularyo nila Tristan at Kenneth ang pumatay ng tao. Malabo rin yon. Holy Shitt !! ##HeadAche
Napa tayo na lang kame sa kinauupuan namin habang si Kevin ay parang naguguluhan pa rin kaya naisipan na rin namin dumiretso sa sala para mahimasmasan.
Hindi ko alam and I don't know why we brought this man this time and I did not know that he had this attitude. Akala ko kase puro katarantaduhan lang yung alam nya Hahahah. Nakaka tuwa naman na mayroon pala syang ganitong side.
------------
Pagka dating namin sa sala , bumungad samin dito si mama pati si papa na kaka uwi lang from work.
"Sobrang traffic sa Imperial Street" Pag mamaktol ni Papa at halata sa mukha nya yung matinding pagod kaya nag mano nalang kame ni Kevin sa kanya
"Baket ano nang yare ?" Tanong ni Mama na mistulang naguguluhan at kumunot pa ng bahagya yung noo nya.
"Maraming police at detective na dumating sa Imperial's party tapos narinig ko pa yung mga usap usapan ng mga tao dun" Natigil muna si Papa sa pag sasalita at nilunok niya muna yung kinakain nya. "May isang binata daw na nag wala sa loob ng party. Tapos lalo akong kinilabutan nang malaman kong tinapos ng binata na yon yung sarili nyang buhay" Napa ngiwi na lang si Papa habang nagpapaliwanag kaya agad agad kameng kinilabutan ni Kevin dahil sigurado kameng umattend yung mga kaibigan namin sa party na yon.
BINABASA MO ANG
Psychopath
Mystery / ThrillerJhayzie disappeared for a few years in Crimson Hustla Town and when he returned there were many new ones and some hidden secrets. Everythings has changes It's time to find the truth.