Chapter 47 : Saroma Lake

48 15 27
                                    


Hiro P.O.V







Pagka baba namin sa van ay nahagip agad ng mga mata ko yung tatlong bahay na nasa tabi lang ng Saroma Lake. Ka pansin-pansin din yung matandang lalake na naka upo sa isang wheelchair at mistulang nagpapa hangin sya sa kinaroroonan nya.






"Grabe. Napaka ganda talaga dito." Bulalas ni Alison habang nagpapa lingap lingap sya sa paligid nya.







"Hindi na yan nakakapag taka class .... Masyado tong inaalagaan ni Doctor Joseph." Giit naman ni Ma'am Akira habang inilalabas nya yung mga gamit namin sa likuran ng van kaya napa kunot na lang yung noo ko at napa tingin ulit ako sa matandang lalake na nasa di kalayuan.







"It's a beautiful place ..." Napa lingon na lang ako ulit kay Elhiza habang kinukuha nya yung bag nya kay Ma'am Akira.







Hindi ko pa rin maiwasang mapa tingin sa peklat na naka lagay sa braso nya -------- kaya ibinaling ko na lang agad yung tingin ko sa Lake na nasa harapan namin.







"Hoyy !!! Kevin. Bumalik ka dito !!" Bulyaw ni Alison kaya napa tingin naman ako kay Kevin na nag tatampisaw na para bang bata sa gilid ng lawa.






"Hindi pa ko naliligo !!!" Pasigaw na tugon ni Kevin kaya napansin kong napa ngiwi na lang si Alison ---- at nag umpisa na syang tumakbo papunta sa direksyon ni Kevin.







"Kahit ba naman dito .... Para silang mga aso't pusa." Napa buntong-hininga na lang si Hashikawa habang tinitingnan nya yung dalawa na nag babangayan na naman.







Napa iling-iling na lang ako ------- at napansin ko na lang yung sarili ko na nag lalakad na papunta sa direksyon ng matandang lalake na natanaw ko kanina sa di kalayuan habang naka upo pa rin sya sa wheelchair.







"Class sya nga pala yung nag aalaga dito sa Saroma Lake. --- Sya yung tinutukoy kong Doctor Joseph kanina." Sambit ni Ma'am Akira nang makarating kame sa kinauupuan ni Doctor Joseph.







"Para sa kaalaman nyo. Isa syang Veteran Psychiatrist dati ------- pero hindi po ba ? nag retired na po kayo ?" Paniniguro ni Sir Darwin kaya tumango na lang si Doctor Joseph.







"Sino pala yung babae na yun ?" Kunot-noong tanong ni Doc. Joseph habang naka tingin sya sa direksyon ni Princess na nag iisa lang at naka sandal sa isang puno.






"Ahh si Princess Anna Ostonal po yon. Isa po syang nursing student." Tugon naman ni Ma'am Akira





"Ah Sige .... Sya nga pala , pumasok na kayo sa bahay ko. Para maibaba nyo na yang mga gamit nyo." Sambit naman ni Doc. Joseph kaya nag umpisa na syang paandarin yung wheelchair na inuupuan nya.






"Sige po. Tulungan ko na po kayo." Giit naman ni Kath ----- at dumiretso sya sa likuran ni Doc. Joseph habang marahan nyang tinutulak yung wheelchair.






"Salamat iha." Tugon naman ni Doc. kaya napa ngiti na lang si Kath habang nag lalakad kame papasok sa white house na nasa harapan namin.







-----

"Sa tingin nyo ? Hindi ba talaga tayo nasundan ng mga serial killer ?" Naka tulalang giit ni Hashikawa kaya napa balikwas na lang ako sa kinauupuan ko dahil sa tinuturan nya.




"Ano ka ba ? Napaka layo na natin sa Crimson Hustla Town ... kaya malamang naka layo na tayo sa mga karumal dumal na nang yayari sa bayan na yon." Sambit naman ni Mitch habang naka upo kame dito sa sala kung saan kame pinatuloy ni Doc. Joseph.






PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon