Chapter 12 : Auditorium

81 27 73
                                    


Jhayzie P.O.V




Pag patak ng 12:00pm , pinapunta kami ni Sir Darwin sa auditorium , may ipapakita daw kase sya samin. Hindi ko alam kung ano yon kaya sumunod na lang kame sa kanya pero habang nag lalakad kame papunta sa audi. , napansin namin si Tristan pati si Kenneth kaya nilapitan namin sila.





"Thank you for helping our friend. Hindi ko alam may puso ka rin pala akala ko noon suplado ka !! Hahahah" Panimula ni Alison habang tumatawa.




"Mukha lang masungit yan pero mabait yan Hahahah pa cool kid kase ehh" Giit ni Kenneth




"Epal .." Bulong ni Kevin sa tabi ko. Ewan ko ba kung baket inis na inis sya kay Kenneth ? May alitan kaya sila noon kaya napa buntong hininga na lang ako at napa pikit nang panandalian.




"Kinuwento na pala sa inyo ni Hiro yung nang yare sa kanya kagabe ..." Sambit ni Tristan pero kagaya ng dati, wala pa rin emosiyon yung mukha nya.



"Oo kinikilabutan nga kame ehh" Tugon ni Jenny.



"Ano kaya mga pakay nila ?" Tanong naman ni Yuriko kaya nag kibit-balikat na lang si Tristan habang nag lalakad kame.



"Hindi natin alam. Malay nyo kasama na natin yung isa sa mga killer" Malamig na tugon ni Tristan kaya bigla kameng kinilabutan. "Meron ba kaseng nagpapa halata sa pag gawa ng krimen ?" Pahabol pa nya kaya napa isip ako, Oo nga naman pero mga kaibigan ko lang naman yung mga kasama ko kaya impossible yung sinasabi nya.




"Napaka seryoso mo !!" Giit naman ni Kenneth pagka tapos inakbayan pa nya si Tristan kaya para na namang nag wawalang bulkan yung pag mumukha ni Kevin.




"Nakita nyo ba si Melody ?" Lumapit na lang bigla samin sila Kath at nag tanong.



"Hindi na samin sya sumunod sa cafeteria eh" Sambit naman ni Rainnie na mistulang hindi mapa kali


"Hindi rin eh. Diba't kayo kayo lagi magka kasama ?" Giit ni Elhiza at napa halukipkip pa sya.



"Masasabunutan ko yung bruha na yon kapag nakita ko" Napa sapo na lang si Kath sa ulo nya.



"Saan naman kaya lumandi yung bruha na yon ?" Bulalas naman ni Rainnie kaya natawa na lang kame sa dalawa at dumiretso na lang kame sa loob ng auditorium.



-----



"Grabe si AnnJean eh no ?!"

"Nakaka suka naman yon !!"


"Dilat na dilat pa si AnnaJean kanina"


"Nagpa tiwakal yata yon dahil sa jowa nya"





Hanggang ngayon pinag uusapan pa rin yung kaklase namin na nalaglag sa rooftop kanina. Madami talaga ditong usisero't usisera kaya napa buntong hininga na lang ako at napa iling iling hanggang sa matanaw namin dito sila Hiro at Mitch.



"Hey baket nandito kayo ?" Tanong ni Alison nang maka lapit sila samin.



"Pinapunta din dito ni Ma'am Akira yung mga Engineering" Napa ngiti naman samin si Hiro at ibinaling nya yung atensyon nya kay Tristan. "Salamat nga pala kagabe" Sabi nya dito.



"Wala yon. Nakita kase kitang bumaba sa first floor habang hinahabol ka ng mga taong naka maskara" Aniya ni Tristan kaya napa ngiti na lang si Hiro sa kanya.



PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon