Hiro P.O.V
6:30AM
Napa tingin muna ko sa wall clock na nasa tabi ng pintuan bago ako lumabas sa apartment dahil tinatamad pa ko pumasok sa school ngayon sa sobrang sakit ng katawan ko , pero pinilit ko pa rin yung sarili ko para maka attend ako ngayon sa klase ni Ma'am Ericka.
Bwisit yung mga kaibigan ko. Kung saan saan kame gumala kagabe at nakuha pa nilang mag laro sa playground ng mga bata tapos dumayo pa sila sa subdivision para makipag laro dun ng basketball.
Sa sobrang dami namin pinuntahan kahapon ay ngayong umaga ko na naramdaman yung pananakit ng katawan ko ----- kaya maya't maya ako napapa ngiwi habang nag lalakad ako papunta sa kanto.
I can still feel the pain in my legs as well as the shoulders so I can't carry the two bags I will take to our dorm properly. Bullshit !!! Kahapon lang kase ako nakapag laro ng basketball kaya parang napwersa yung buong katawan ko.
Bigla ko naman natanaw si Mitch na mukhang nag hihintay ng taxi sa kinaroroonan nya habang may dala dala rin syang dalawang bag
"Hiro sumabay kana sakin !!" Bulyaw nya nang mapa lingon sya sa direksyon ko habang paika-ika ako mag lakad dahil kumikirot pa rin yung mga binti ko na para bang minamaso nang pa ulit ulit
"Kanina ka pa ba ?" Tanong ko nang maka lapit ako sa kinatatayuan nya , pero kumunot lang yung noo nya habang tinititigan nya ko.
"Anong nang yare sayo ?... Para kang nilumpo sa kalagayan mo ahh" Naguguluhang tanong ni Mitch nang mapansin nya kong nahihirapan mag lakad kaya napa ngiwi na lang ulit ako.
"Kahapon lang kase ako nakapag laro ng basketball tapos pinagod pa ko nila Kevin" Paliwanag ko sa kanya kaya natawa na lang sya ng bahagya na ikinakunot naman ng noo ko.
"Hahahah. Gurang !!! Nirarayuma kana yata" Pang aasar nya sakin habang tumatawa kaya sinamaan ko naman sya ng tingin
"Buset kase yung dalawang yon eh .... Wala man lang time out kahapon" Pag mamaktol ko na naka ngiwi pa rin
"Normal lang yan. Enjoy your life ---------- tara na !!" Anyaya nya at sinenyasan nya yung isang taxi na huminto na lang sa harapan namin kaya hindi na kame nag atubiling pumwesto sa back seat.
"Nasaan kaya sila Elhiza at Jhayzie kahapon ? Hindi na sila satin sumunod eh" Naka kunot noong tanong ko nang maka upo kame sa loob ng taxi.
"Pabayaan mo na lang sila. Malalake na yung mga yon" Tugon naman ni Mitch. "Hindi mag tatagal !! Makakalimutan na rin ni Jhayzie si Princess" Pahabol pa nya kaya parang dinurog durog yung damdamin ko at nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin dalawa. ------- Ngumiti na lang ako nang pilit dahil para akong naka ramdam ng matinding emosiyon nang marinig ko yung pangalan ni Princess
"Mitch .... Minsan napapa tanong na lang ako sa sarili ko kung baket biglang lumayo na lang yung loob satin ni Princess ? baket hindi na sya sumasama satin ? Baket kahit si Jhayzie iniiwasan nya ?" Napa buntong-hininga na lang ako habang naka tingin ako sa labas ng sliding window "Tinuring ba talaga tayo ni Princess bilang kaibigan nya or baka naman sa simula't sapul , nakikipag plastikan na sya satin" Napa tingin na lang ako kay Mitch at napansin kong rumehistro sa mukha nya yung matinding pag hihinagpis.
"Yun ang pinili nya eh ..... Wala na tayong magagawa dun" Matipid ngunit makabuluhang tugon ni Mitch habang naka tingin lang sya ng diretso sa front mirror ng taxi.
BINABASA MO ANG
Psychopath
Mystery / ThrillerJhayzie disappeared for a few years in Crimson Hustla Town and when he returned there were many new ones and some hidden secrets. Everythings has changes It's time to find the truth.