Alison P.O.V
I want to punch him and I want to kill him but we could do nothing about our situation now because we still could not get out of our seats. ------ It's really hard to think that , this is the death of us .... Napa singhap na lang ako at lahat kami ay nawawalan na ng pag asa para maka takas sa bangungot na to.
Napaka tindi ng pressure sa kwartong kinaroroonan namin kaya hindi ako maka hinga ng maayos , at patuloy pa rin rumaragasa yung dibdib ko dahil sa takot lalo na't bakas na bakas pa rin yung mga dugo sa sahig na nag mumula sa bangkay ni Rainnie.
"Why are you doing this to us ? What is our fault with you ?" Mangiyak ngiyak na tanong ni Kath habang naka tingin lang sya sa katawan ni Rainnie na binawian na ng buhay.
"Masakit ba ?" Seryosong sambit ni Dennis na ikinakunot ng noo ko. "Ganyan na ganyan yung naramdaman ko mula nung pinabayaan nyo matupok sa sunog sila Nathalie at Nathalia ..." Pahabol pa nya habang naka talikod sya samin kaya para akong pumitlag sa kinauupuan ko.
"What do you mean ?" Kunot-noong tanong ko sa kanya kaya napa tingin sya ulit samin.
"Kaano ano mo ba yung dalawang kambal na yon ?" Naguguluhang giit naman ni Yuriko habang naka bulagta pa rin sya sa sahig at naka gapos pa rin yung dalawang kamay nya sa likuran ng upuan.
"Actually, hindi ko naman sila kadugo pero nung kinupkop nila ko mula sa Madrigal Sanctuary , tinuring nila kong parang kapatid din nila." Napa singhap na lang si Dennis , at ngayon ko lang nakitang lumagaslas yung mga luha nya sa mata. "Alam nyo bang tinanggap nila ko ng buo -------- at sa kanila ko lang naramdaman yung pagmamahal ng totoong pamilya." Bulalas ulit niya kaya hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng awa sakanya habang humahagulgol sya sa harapan namin.
"So ? Ibig mong sabihin , maaga kang naulila ?" Tanong ni Hannah , at bakas na bakas sa boses nya yung pagka lito.
"Kahit nalaman nilang may kriminal record na ko nung bata pa lang ako .... tinanggap pa rin nila ko sa pamilya nila." Tugon naman ni Dennis na tila ba'y nawala na sa mukha nya yung mala demonyong ngiti at napalitan na to ng matinding pag hihinagpis.
"Dennis ..." Napansin ko naman si Kevin na mistulang naguguluhan at hindi pa rin makapaniwala.
"Yung pagkamatay pala ng dalawang kambal yung pinag mumulan ng galit mo." Giit naman ni Mitch at napa ngisi na lang sya habang naka tingin lang sya ng diretso sa lalakeng nasa harapan namin ngayon.
"Sa tingin mo ? Kung makikita ka nila ngayon , matutuwa ba sila sa mga pinag gagawa mo ?" Seryosong giit ko at napansin ko na lang si Dennis na napa luhod na sa tabi ng bangkay ni Rainnie habang humahagulgol pa rin sya.
"Hindi nyo alam yung nararamdaman ko ngayon , kaya wala kayong karapatan para pangaralan ako." Sambit ulit ni Dennis ------ at bakas na bakas pa rin sa mukha nya yung matinding pag hihinagpis. "Alam nyo rin bang naging misserable yung buhay ko sa puder ng mga totoo kong magulang ...... pero tinulungan nila kong matakasan yon .... tinulungan nila ko makalimutan yung bangungot ng nakaraan ko. -- They changed my life even though I have many mistakes in my past but they still accepted me whole in their family." Paliwanag nya samin kaya nangibabaw yung panandaliang katahimikan sa apat na sulok ng kwarto na to.
"May mababago ba kapag inubos mo kame ?" Pagpapa kalma ko sa kanya pero hindi man lang nya ko pinansin.
"Siguro naman .... nakita nyo yung kabaitan nila nung nagpa transfer kami sa paaralan nyo .... pero ano ? ano ginawa nyo ?!! sarili nyo lang yung inisip nyo at pinabayaan nyo na lang sila matupok sa sunog last year !!!" Nang gagalaiting giit ni Dennis at napa tayo na sya mula sa pagkaka luhod.
BINABASA MO ANG
Psychopath
Mystery / ThrillerJhayzie disappeared for a few years in Crimson Hustla Town and when he returned there were many new ones and some hidden secrets. Everythings has changes It's time to find the truth.