Chapter 51 : Dangerous Room

57 15 31
                                    

Note : Si Elhiza at Hannah ay iisa lang po ....



************



Hannah P.O.V




Nagulat na lang ako nang biglang napa yakap sakin si Hiro , at nakarinig na lang ako ng limang putok ng baril habang naka yakap sya sakin na para bang pinoprotektahan nya ko.




Hindi ko namalayang unti unti nang bumabagsak yung katawan ni Hiro habang may dumadanak na dugo sa bibig nya ------ Nalilito man ako ay pinilit ko pa rin sya sapuhin , kaya napa luhod na lang ako sa sahig habang naka dantay yung ulo nya sa kaliwang braso ko.




"Baket mo ginawa to .... Baket mo ko .... sinalba ?" Nagugulumihanang tanong ko sa kanya ------ at napansin ko na lang yung sarili ko na umiiyak habang tinititigan ko sya.




"Dahil ..... ako yung kapatid mo .... ako yung nakasama mo .... nung panahong nahulog ka sa puno ....." Nang hihina man sya ay pinilit nya pa rin sumagot sa tanong ko ----- at nagulat na lang ako ulit nang dahan dahan nyang ipinakita yung peklat na naka marka sa leeg nya ...





"Kuya Hiroshi ..." Hindi ko na napigilan yung sarili ko ----- at dali daling umagos yung mga luha ko sa mata habang naka dantay pa rin sya sa braso ko ...




"Nung nakita ko ..... yung peklat mo sa braso .... para ba kong nabuhayan ng loob .... walang halong duda ... ikaw nga si Hannah .... ikaw yung kapatid kong matagal ko nang hinahanap." Paliwanag pa nya sakin kaya lalo akong humagulgol ...





"Kuya Hiroshi .... wag kang bumitaw ... lumaban ka !!!" Bulalas ko habang nag hihingalo na sa harapan ko ang kapatid kong matagal nang nawalay sakin , hindi ko akalaing sa ganitong pagkakataon ko pa sya makikilala kaya hindi ko maiwasang malungkot at makaramdam ng pag hihinagpis.




"Wag kang mag alala ... nandyan naman si Jhayzie eh ..... Hahah .. Alam kong hindi ka nya .... pababayaan." Sa huling pagkakataon ay nakita ko syang ngumiti sakin habang dahan dahan nyang ibinababa yung mga talukap ng mata nya.




Hindi ko maintindihan kung baket unti unting nabubuo sa imahinasyon ko ang itsura ng kapatid ko nung panahong mga bata pa kami habang naka yuko ako at tinititigan ko si Hiro .... kaya napa pikit na lang ako saglit at marahas akong napa iling iling , para mabura ko sa isip ko yung imahe nya na dulot ng nakaraan.





"Kuya Hiroshi , gumising ka !!" Sambit ko habang humahagulgol pa rin ako at inaalog-alog ko yung katawan ni Hiro dahil nag babaka sakali akong dumilat yung mga mata nya kahit alam kong binawian na sya ng buhay --------- napaka hirap kase , napaka sakit at hindi ko matanggap yung mga nang yayari ngayon ...





"Tumahan kana ... wag kanang umiyak Hannah ..." Pagpapakalma ni Ate Mitch sakin pero napa singhap na lang ako , dahil feeling ko ngayon ay pinag-kaitan ako ng mundo at pakiramdam ko ay pinag laruan kame ni Kuya Hiroshi ng kapalaran.





Nakaka tuwang isipin na naging classmate ko na pala last year yung nakatatandang kapatid ko na matagal ko na rin hinahanap .... pero hindi ko pa rin matanggap na natagpuan ko nga sya , sa komplikadong sitwasyon naman.





"Ano ba tong ginawa ko ? Baket ko to nagawa sa kaibigan ko ?" Nagulat na lang kameng lahat nang kumilos na yung salarin na nakatayo pa rin pala sa harapan ng pintuan. ---- Dali dali nyang tinanggal yung puting maskara sa mukha nya at binalibag nya yung baril na hawak nya sa isang tabe.





"Princess ? Ikaw yung killer." Naguguluhang giit ni Alison dahil bumungad samin yung mukha ni Princess ----- at hindi ko alam kung baket dumiretso sya sa kinaroroonan namin kung saan naka bulagta na si Kuya Hiroshi.




PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon