Jhayzie P.O.V
Kumaripas kame sa pag takbo nila Hashikawa Winston at Eunice. Pati si Nurse Joy ay nataranta na rin habang tumatakbo papunta sa clinic
Hindi ko alam kung ano yung nasa isip ni Winston pero kahit ganon ay kinakabahan na rin ako at nag sisimula na tumagaktak yung pawis ko habang ka sabay ko sa pag takbo si Hashikawa pati si Nurse Joy.
Maya't maya ako napapa sapo sa ulo ko dahil damang dama ko pa rin yung pag kirot ng sentido ko kaya napapa tingin na lang sakin sila Nurse Joy at Hashikawa na mistulang naguguluhan sakin habang tumatakbo kame
Napa hawak na lang ako sa wall nang makarating na kame sa clinic kaya marahas na tinanggal ni Winston yung salamin na palagi nyang suot ----- at dali dali nyang binuksan yung pintuan na nasa harapan nya.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang madatnan namin dito si Kendra habang naliligo sya sa sarili nyang dugo at ka pansin pansin din yung malaking tubo na naka tarak sa bibig nya ----- kaya lalong nanlake yung dalawang mata ko nang tumagos yung tubo sa likurang bahagi ng ulo nya.
"Huli na tayo" Napa yuko na lang si Winston habang naka kuyom yung dalawang kamao nya kaya napa akbay na lang sa kanya si Eunice.
"Ano nang yayare dito ?" Bungad ni Yuriko habang kasama nya yung mga kaibigan namin.
"Oh my God !!" Bulalas naman ni Alison nang madatnan nila yung bangkay ni Kendra na nakaratay sa kama kaya humalo na yung pulang dugo sa white bed kung saan sya naka higa.
"Akala namin. Ikaw na yung nabiktima ..." Napansin ko naman si Kevin na kinikilabutan na kaya napa akbay na lang sya sakin at napa singhap na lang ako habang tinititigan ko yung bangkay ni Kendra.
"Sino may gawa nyan sayo ?!!!" Nagulat na lang ako nang lumitaw sa harapan namin si Vincent na nang gagalaiti na sa galit at dumiretso sya sa bangkay ni Kendra habang pa ulit ulit nya to tinitingnan mula ulo hanggang paa ------- kaya kung hindi ako nagkaka mali sya yung lalakeng naka sama namin sa Guidance Office nung pinatawag kame ni Ma'am Cristy.
"Naka bukas yung isang pintuan ng clinic sa likuran. For sure na dun dumaan yung salarin" Giit naman ni Nurse Joy at nangibabaw sa kinaroroonan namin yung matinding takot.
Habang nagkakanda suka na yung mga estudyanteng napapa daan dito sa harapan ng clinic kaya napapa ngiwi na lang ako dahil hindi ko na rin masikmura yung karumal dumal na nang yare kay Kendra.
-------
"Oyy baket mo pala nalaman si Kendra yung next victim ng mga serial killer ?" Tanong ni Elhiza kay Winston habang nag lalakad kame pababa sa second floor.
"Nakita nyo ba yung naka ukit sa tiyan nung Julia Tejada ?" Giit naman ni Winston na hindi lumilingon kay Elhiza kaya naguluhan na lang ako at parang kumirot ulit yung sentido ko.
"Ano ibig nyong sabihin ?" Naguguluhan kong tanong at napa kunot na lang yung noo ko.
"May kahindik hindik na nang yare din sa room ng Grade 9" Lalo akong nalito nang biglang nag salita si Yuriko.
"May nabiktima din kanina yung mga serial killer ------ si Julia Tejada" Nanlake yung mga mata ko nang marinig ko yon mula kay Tristan kaya natahimik na lang ako habang nag lalakad kame papunta sa cafeteria.
"Eh ano naman connect nung naka ukit sa tiyan ni Julia ?" Napansin ko naman si Jenny na namumutla pa rin sa takot at mistulang binalutan sya ng matinding pangamba
BINABASA MO ANG
Psychopath
Mystery / ThrillerJhayzie disappeared for a few years in Crimson Hustla Town and when he returned there were many new ones and some hidden secrets. Everythings has changes It's time to find the truth.