Romeo's P.O.V
"Si Detective Romeo po yan"
"Ah sya pala yan"
"Sya yung naka salubong natin kagabi."
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang mga boses na yon. Hindi ko na pala namalayang naka tulog ako kagabe sa harapan ng principal office at hawak hawak ko pa rin yung white folder ko kung saan naka sulat yung mga impormasiyong nakuha ko kahapon.
Pagka dilat ng mga mata ko habang naka himlay yung ulo ko sa teacher's table. Bumungad sakin yung dalawang gwardya at isang babaeng estudyante.
"Gising kana po pala Sir. Good Morning po" sambit ng isang gwardya nang iniangat ko na yung ulo ko mula sa teacher's table. "Mukhang dito ka na po naka tulog ahh" Dagdag pa ng isang gwardyang naka white T-shirt lang pero hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso na lang ako sa CR na malapit lang dito para makapag hilamos
Habang nasa harapan ako ng cubicle , nakita ko ang sarili ko sa salamin kaya napa buntong hininga na lang ako dahil gustong gusto ko na to matapos "I want to end this" I whispered to myself.
Pagka labas ko sa CR dumiretso agad ako sa cafeteria para makapag break fast at maayos ko na rin yung pag iimbestiga sa mga nang yare kahapon.
--------------
"Ate fried rice nga po with egg" Sambit ko sa babaeng nag babantay dito at agad agad naman nyang ibinigay sakin yung inorder ko sa kanya kaya nag lakad na ko papunta sa mahabang upuan at lamesang naka lagay sa dulo ng cafeteria. ----- Wala pang ka tao tao dito dahil masyado pang maaga kaya napa tingin ako sa relo ko at 6:30am pa nga lang
"Sir ...." Bungad ng estudyanteng sumulpot na lang bigla sa harapan ko kaya hindi ko na naiwasang mapa balikwas nang maka upo ako dito.
"Nakaka gulat ka naman. Sino ka ba ?" Tanong ko sa kanya at napa kunot nalang ang noo ko habang tinititigan ko sya
"Jhayzie nga po pala." Pagpapa kilala nya "Diba ikaw po si Detective Romeo ?" He's question kaya tumango na lang ako habang kumakain. "Gusto ko lang po malaman kung ano na po yung balita nyo sa mga nang yare kahapon" Pahabol pa nya.
"Ahmmm .... Mahirap. Hard killer yung pumatay sa dalawang estudyante" Tugon ko kaya nanlaki yung mga mata nya.
"Hard killer po ?! Pero usap usapan po sa campus. Suicide Murder daw po yung nang yare kay Clarence" Napa tigil na lang ako sa pag kain nang mag salita ulit ang lalakeng to.
"Nagkaka mali kayo. Pina labas lang ng salarin na suicide murder lang ang nang yare sa lalakeng yon pero ang totoo pinatay muna sya bago nya isinabit yung ulo ng biktima sa lubid" Lalo syang nagulat nang marinig nya ang isiniwalat ko sa kanya
Natigil lang sya sa pakikipag kuwentuhan sakin nang biglang may tumunog na bell sa kinaroroonan namin. Hudyat na kailangan na niyang pumasok sa classroom nila.
"Sige po. Una na po ko. Sana mahuli nyo na po yung salarin" Aniya ni Jhayzie bago sya umalis sa kinauupuan namin ngayon kaya dali dali na rin ako tumayo para maipag patuloy ang pag iimbestiga ko.
Pagka labas ko sa cafeteria , nag lakad lakad muna ko sa campus na to , nag babaka sakali akong may makuha pa kong impormasiyon about sa mga karumal dumal na nang yari kahapon. Kung saan saan ko inilibot yung mga mata ko pero wala pa rin akong makita ------- hanggang sa matanaw ko yung teacher na kasama ko kahapon sa classroom ng dalawang biktima.
"Ikaw pala Detective Romeo !!" Bungad nya sakin nang makita nya ko "Nalutas muna ba yung krimen ?" Tanong nya kaya napa iling iling na lang ako.
"Hindi pa po pero isa lang po ang kutob ko dito. Isa sa mga estudyante ng Crimson University ang may kagagawan ng lahat" Nanlaki ang mga mata nya at halata sa mukha nya ang matinding takot "Sige po. Mag hahanap pa po ko ng panibagong impormasiyon" Paalam ko sa kanya at iniwanan ko na syang naka tulala.
Kagabi ko pa rin kase tinatanong sa sarili ko kung ano talaga motibo ng salarin at kung baket nya yon nagawa. Hindi ko rin mapaliwanag yung nararamdaman kong takot dahil feeling ko hindi pa don natatapos yung mga pinaplano nya. Lalo na kapag hindi ko pa sya nahuli.
Napa tingin na lang ako sa relo ko habang naka tayo ako sa harapan ng Science Building. 10:45AM na pala pero wala pa rin akong napapala sa pag lilibot ko sa campus na to kaya bigla ko na lang naalala kagabe yung misteryosong lalakeng bigla na lang nawala sa paningin ko. Hindi ko naman yon basta basta mahahanap dito lalo na't napaka daming estudyanteng nag aaral sa Crimson University.
Hindi ko rin naman pwedeng ipahanap sa mga teacher yung lalakeng yon baka kase tumakas lang yon kapag nalaman nyang pinag hihinalaan sya kaya napa kamot na lang ako sa ulo ko at pinag patuloy ko na lang ang pag lalakad sa loob ng paaralan na to.
------------
Hindi ko na namalayang natunton ko na lang ang isang classroom na mukhang hindi na ginagamit kaya naisipan kong umikot sa likuran nito.
"Sino ang isusunod natin ?"
"Wag kang masyadong mag madali"
"Muntikan ka na nga mahuli kagabi"
"He's Next"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ng dalawang lalake at isang babae kaya agad agad akong nag tago sa gilid ng classroom na to pero naramdaman kong napa lingon sila sa direksyon ko.
"Tara na nga !!" Anyaya ng babae sa dalawang kasama nya kaya naka hinga ako ng maluwag. But I did not think twice and I followed them.
Habang sinusundan ko yung tatlo na yon. Bigla silang tumigil sa tapat ng matandang puno ng Indian Mango kaya nag tago agad ako sa mga matataas na talahib.
"Mamaya na lang. May tatapusin pa tayo" Sambit ng isang lalake and they continued walk again.
Pagka labas ko sa pinag tataguan ko. Nagulat na lang ako nang may tumusok sa leeg ko --- isang syringe ? kaya naka ramdam agad ako ng hilo at unti unting dumilim ang paningin ko.
Third Person's P.O.V
Naiinip na ko hintayin syang magising kaya pinakuha ko na lang sa kasama ko yung isang baldeng tubig at agad agad kong ibinuhos sa lalakeng naka gapos sa harapan namin kaya nang magising na sya agad agad syang nag pupumiglas kung saan sya naka tali.
"Ikaw !!" Bulyaw nya nang makita nya ko sa harapan nya "Ikaw yung lalakeng naka salubong ko kagabe" Sambit nya at kitang kita ko sa mga mata nya ang matinding takot.
"Alam mo matalino ka sana ehh pero hindi mo kame maiisahan" Agad agad naman ibinuhos ng kasamahan ko yung kumukulong tubig sa ulo ng lalakeng nasa harapan namin ngayon kaya halos malapnos na yung balat nya sa katawan pati yung pag mumukha nya.
Bakas na bakas sa mukha nya ang pag hihirap habang kame tuwang tuwa na pinapanood syang nag dudusa at sumisigaw kahit wala naman makaka rinig sa kanya.
"Masyado kang pakealamero eh" Ngumiti muna ko sa kanya bago ko hinambalos yung itak na hawak ko sa leeg ng lalakeng to.
"Kailangan mo munang mawala bago ko simulan ulit ang palabas" Malamig kong bulong sa sarili ko at unti unting kumurba yung ngiti sa labi ko.
"Sige iligpit nyo na yan" utos ko sa kanila at tuluyan ko na sila iniwan sa lugar na to.
******
Sana magustuhan nyo mga idol !! Hahahah ..
Thanks for Reading !!
Vote and Comments !!
BINABASA MO ANG
Psychopath
Mystery / ThrillerJhayzie disappeared for a few years in Crimson Hustla Town and when he returned there were many new ones and some hidden secrets. Everythings has changes It's time to find the truth.