HINDI PARIN tumitila ang ulan at mas lalo pa itong lumakas dahilan para hindi kami maihatid ni Aquila sa apartment nang bumaha na ang daan patungo sa amin. Iyon ang isa sa problema namin dun sa lugar. Kunting ulan lang kasi babaha na agad ang kalsada.Kunting ulan nga lang babaha na, lalo pa ngayong bumabagyo na ata.
Kaya wala na akong choice ng tahakin ni Aki ang ibang daang sobrang pamilyar sa akin.
Hindi ako kumibo buong biyahe ganoon rin sya na seryoso lamang sa pagmamaneho.
Paminsan minsan naman ay pasimple akong nagnanakaw ng tingin sa kanya ngunit ganoon parin ay napakaseryoso nya.
Natatakot nga akong kausapin sya lalo pa at alam kong may kasalanan ako sa kanya.
Nakakailang na iisiping kasama ko sya. Abot kamay man ngunit kay hirap abutin.
Tahimik lang ako habang hinahaplos ang buhok ng anak ko na nakatulog na habang nakakandong at nakahilig sa akin. Gabi narin kasi at sa ganitong oras ay kadalasan natutulog na ang anak ko.
Tanaw ko na ang malaking gate ng mansion hanggang sa tuluyan na ngang pumasok ang kotse at huminto sa harapan ng malaking bahay.
Sinundan ko ng tingin si Aki ng bumaba na sya ng kotse kaya bumaba narin ako ngunit bahagya akong nahirapan dahil sa anak ko kaya muntik pa akong matumba buti nalang ay nakabalanse agad ako.
"Gave him to me. I will carry him."
Gulat akong nag angat ng tingin kay Aquila. Ang akala ko kasi ay nauna na syang pumasok sa loob at iniwan na ako.
"Hey are you listening?"
Agad akong napakurap. "Ah ano, ako na. K-kaya ko naman ang anak ko." Nailang pa ako sa klase ng pagkatitig nya sa akin.
Kaya umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya at binalingan na lang ang malaking bahay.
"Ano...bakit mo pala kami dinala rito?" Mahinang sabi ko sa kanya.
Tumaas ang isang kilay nya sa akin. "Baha na sa labas. Anong gusto mong gawin ko iwan ko nalang kayo doon?" Masungit nyang tugon na bahagyang kinatigil ko.
Agad akong napailing. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Agap ko.
Pero sinamaan nya lang ako ng tingin bago sya humakbang palapit sa akin, "Whatever." Masungit parin ang pagkakasabi nya kaya nakagat ko na lamang ang dila ko sa pagkapahiya.
Bumuntong hininga na lamang ako kapagkuwan. Ngunit agad akong napasinghap ng mapansin na mas lalong lumapit pa sya sa akin.
"W-what are you doing?" Bahagya akong kinabahan lalo pa nang seryoso na naman nya akong tinitigan.
"The kid. Gave him to me."
Muli akong napakurap.
"A-ako na." Agap ko.
"Dont make me repeat myself woman." May pagbabanta nang aniya. Kaya hindi na ako nakapalag pa ng kuhanin nya sa bisig ko si RJ para sya na ang kumarga.
Agad nya na akong tinalikuran karga ang anak kong mahimbing ang tulog sa mga bisig nya. Hanggang sa tuluyan na nga syang nakapasok sa bahay. Doon lang ako napakurap bago sumunod na papasok sa loob ng malaking bahay.
Hindi ko na nakita pa si Aquila ng makapasok ako. Siguro ay nauna na syang naglakad sa ikalawang palapag sa may guest room para doon ilagay ang anak ko. Sa haba ng kanyang biyas alam kong hindi ko sya maabutan.
"Ava!"
Gulat akong bumaling sa papalapit na matanda. Nakangiti ito ng malaki habang may bitbit na sandok.

BINABASA MO ANG
His Possession (COMPLETED)
Genel KurguR18 | MATURE CONTENT ___________ COMPLETE ___________ Date Started: August 17, 2020 Date End: September 29, 2020 ____________________ LiolaPhantom Warning! Read at Your Own Risk