Kabanata 24

1K 27 2
                                    

NANLALAKING mata akong napatitig sa likod ni Aquila nang magsimula na naman syang sumampa doon sa barandilya.

Teka naman! Seryoso talaga sila!?

Inis akong napabaling kay kuya, "Ranzo! Ano ba!" Sita ko sa kanya ngunit hindi manlang sya nag abalang balingan ako.

Kaya mas kinabahan na tuloy ako lalo pa nung tumalon na si Aki pababa.

Napasinghap ako. Gago! Paano kung mapilayan sya!?

"Aquila! Wag mong pansinin si kuya! Bumalik ka dito!"

Pero hindi sya nakinig at nagsimula nang maglakad palapit sa kapatid kong halos kainin na nang buhay si Aquila sa talim nang tingin nito.

What the hell.

Nang tuluyang magkatapat sigundo lang ay si Ranzo ang unang sumuntok at sapol si Aquila sa mukha. Nanlaki ang mga Mata ko.

"Kuya naman! Wag sa mukha!" Inis ko nang hiyaw sa kapatid ko. "At itigil nyo yan! Ano ba kayo! Hindi na kayo bata pag pinag----"

Agad akong napatigil nang bigla ay may humarang na kamay sa bibig ko at hinila na ako papasok sa kwarto.

Nang alisin nya ang kamay nya ay agad akong lumingon sa kanya. Gamit ang matalim kong mga mata."Jessy!"

Agad syang napakamot sa kanyang noo bago sya napanguso sa harapan ko, "Blame your brother. Inutusan nya lang ako. Kaya wag kang magalit sa akin." Paliwanag nya kaya napapikit na lamang ako.

Hindi ako dapat ma stress lalo pa at kailangan na pangalagaan ko ang sarili ko. Healthy lang dapat si baby. Hindi dapat ako magpaapekto sa kalokohan na ginagawa nang kapatid at asawa ko.

Bumuntong hininga na lamang ako bago nagpasyang maupo nalang sa kama.

Sinundan ko naman nang tingin si Jessy nang humakbang sya palapit sa pintuan nang balkonahe bago nya iyon sinarado gamit iyong susing hindi ko alam kong saan nya nakuha. Siguro ay binigay iyon ni Ranzo sa kanya since sya naman ang nagutos kay Jessy na ipasok ako dito sa kwarto.

Bumalik si Jessy sa harapan ko bago sya namewang. Dinuro nya ako habang nakasimangot. "Buntis ka Ava. Tapos hindi mo sinabi sa amin? Kung hindi lang sinabi ni Ranzo na may lalaking naghahabol sayo at sinasabing asawa mo raw, iisipin ko talagang ni rape ka nang ingkanto since wala ka namang jowa."

Agad kong iniwas ang tingin sa kanya at napalabi nalang. Gusto ko ring matawa sa sinabi nya kaso pinilit ko na lamang seryosohin ang mukha ko.

Muli ko syang tiningnan. May pagtatanong ang mukha ni Jessy at alam kong kailangan nya nang sagot mula sa akin para malinawan sya.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsimula. "Alam mo namang si Ranzo ang ama ni Rj diba?" Tanong ko sa kanya na agad nyang kintango kaya nagpatuloy na ako. "M-May asawa talaga ako Jessy at...at kasal kami mula nung mag disi otso ako."

Mababakasan ang gulat sa mukha ni Jessy pero hindi sya umimik dahilan para magpatuloy ako.

Nagbaba ako nang tingin sa aking kamay na nasa akong mga tuhod bago nagsalita, "Nung una naiinis ako sa kanya dahil ang hina nya. Isa syang nerd noon na palaging binubully nang mga kaklase nya at dahil asawa ko naman sya kaya ako ang naging tagapagtanggol nya pag sinasaktan sya. Hanggang sa minahal ko na nga sya. Nagmahalan kaming dalawa. Ngunit hindi naman sa lahat nang pagkakataon ay puro saya lang ang mararanasan mo. May nangyari na syang kinasira nang relasyon naming dalawa." Halos pumiyok ang boses ko sa huling mga salita na binigkas ko. Masakit parin.

Nagtaas ako nang tingin kay Jessy nang maupo sya sa tabi ko. "Okay lang kung hindi mo ipagpatuloy Ava." Bakas ang pag alala sa mga mata nya ngunit binigyan ko lamang sya nang isang tipid na ngiti bago ako muling nagpatuloy.

His Possession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon