Simula.

3.9K 44 1
                                    

NANG tuluyang mabuksan ko ang pinto ay mga lalaking nag tatawanan ang aking nabungaran. Agad silang natigil at nabaling ang paningin sa gawi ko ng marinig ang pagbukas ng pintuan.

Biglang nanlamig ang aking mga kamay kasabay din ng pagkawala ng isang singhap sa labi ko nung tuluyang bumungad sa akin ang kanilang pamilyar na mukha. Ang mga mukhang hindi ko kailanman malilimutan.

Naging malikot ang mata ko, may pilit hinahanap at nung tuluyang dumapo ang mga mata ko sa taong hindi ko inaasahan ay ginapangan agad ako ng kaba.

Wala man sa akin ang paningin nya pero labis ang kabang bigla nalang dumaan sa aking dibdib.

Napakurap lang ako nung magsalita ang isa sa mga lalaki.

"Oh, nandyan na pala sya pareng Aki!" Nakangising pahayag ni Ricky bago nito balingan ang katabi na hindi man lang nag-abalang tapunan ako ng tingin. "Maganda ang chicks mo ah."

Sino nga ba ako para pag-aksayahan ng atensyon nya?

Pero nung lubusan kong maintindihan ang sinabi ni Ricky ay muli akong napakurap. Kung ganoon ay si Aquila ba ang nagbayad sa akin?

Halos hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Lalapit ba ako sa kanila o lalabas nalang at tumakbo papalayo sa mga mata nila.

"Naka dali rin ng maganda ang kaibigan natin ngayon ah." Ang nakangising sabi naman ni Nelson na nakatitig na sa akin ngayon. Sa kabuoan ko bago binalingan ang kaharap at tinapik pa ito sa may braso. "Swerte ka, swerte." Tatango tango pa nitong sabi kay Aquila na syang kaharap nito.

Bahagya akong natigilan sa sinabi ng lalaki.

Kung ganoon, ay hindi lang pala ako ang babaeng binabayaran nya. Dumaan ang isang kirot sa aking dibdib pero pilit ko nalang binalewala iyon. Para saan pa?

"Well, look who we have here. I never thought you would be in this kind of job Ms. Hermosillo. Na ang dating sikat na babae sa school namin noon ay magiging isang bayarang babae na pala ngayon?"

Agad akong napatingin sa nagsalita at nakitang si Frior iyon. Sarkastiko ang pagkakasabi nyang yun kaya bahagya kong nakagat ang aking dila habang natutuliro sa mga pangyayari ngayon.

Hindi ko inaasahang malalagay ako sa ganitong sitwasyon at kahit na natamaan man ako sa sinabi ni Frior sa akin ay pinilit ko na lamang panatilihing blanko ang aking ekspresyon habang sinasalubong ang kanyang mapanuyang mga mata.

Ngumisi sa akin si Frior, "Ilan nga ba ang nabasted mo noon Miss Hermosillo? Isa? Lima?" Umakto pa syang nagiisip bago napapitik ang daliri. Tiningnan nya ako nang mapanuya, "Ah, hindi ko na mabilang at kasali pa kami dun." Humalakhak ang magbarkada sa sinabi ni Frior, pero hindi ang lalaking nanatiling walang imik.

Hindi parin nya ako tinatapunan ng tingin.

Mapanginsultong tiningnan muli ako ni Frior. "Tapos ngayon isang pagiging bayarang babae lang pala ang bagsak mo?" Pagkuway ngumiwi sya bago pasadahan ng tingin ang aking kabuoan. Diring diri ang kanyang mukha. "I wonder, ilan na kayang lalaki ang nakatikim sayo ano?"

Agad akong natigilan. Gusto ko man syang sigawan dahil sa paraan ng pagkakasabi nyang yun ngunit iyon naman ang totoo diba?

Hindi ko magawang ipagtanggol manlang ang sarili ko ngayon. Wala eh, walang wala ako. Kailangan ko ang trabahong ito. Kaya magtitiis na lamang ako sa mapang-insultong binabato niya sa akin ngayon.

I would bear his hurtful words just this once. Kakayanin ko ito.

Taas noo akong nakatingin lang kay Frior. Kahit kailan talaga sa lahat ng magkakaibigan sya lang talaga ang hindi ko gusto ang ugali.

His Possession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon