Pinahiran ko agad ang luha ko bago maayos na tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa sahig ng bathroom nung marinig ko ang mahinang pagkatok mula sa pinto bago ko narinig ang tinig mula dun.
"Avria?" Tawag ng isang ginang.
Agad akong napangiti ng marinig ko muli ang tinig nya.
Parang kailan lang ng huli kong narinig ang marahan nyang boses at namimis ko na iyon.
Hilam ang mukhang lumabas ako sa bathroom.
Agad bumungad sa akin ang nag alalang mukha ni Nana Ester.
"Jusko Bata ka." Agad nya akong nilapitan at niyakap dahilan para muli akong napaiyak.
"Nana..." Mahinang bulong ko, bago ko sinuklian ng mahigpit ang mainit nyang yakap.
"Nako, Bata ka. Saan kaba nang galing at bigla ka nalang nawala? Alalang alala ako sayo, lalo pa nung umalis din si Aki sa ibang bansa ng hindi ka kasama. Ano ba talagang nangyari sa inyo ha? hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa mga kaganapan nyong dalawa. At nagulat nalang din ako ng bigla ka nalang dinala ni Aquila dito kagabi." Marahang hinarap ako ni Nana Ester sa kanya. "Ano ba talagang nangyari hija?" May lungkot sa tinig nya,"Nung umalis ka dito sa bahay, alam mo bang nag iba nalang bigla iyang asawa mo. Nako Ava! Nag away ba kayo? Bakit pinaabot nyo pa ng ganito? Ang tagal ng panahon na sinayang nyo lang."
Nagpilit nang ngiti nalang ako kay Nana.
I can't tell her what happened way back then. It was just between me and Aki. Hindi ko na gustong mag alala pa si Nana at idamay pa sya sa problema naming ito.
Kaya dapat hindi na nya iyon malaman.
Wala kasi si Nana Ester noon nung umalis ako dahil umuwi sya sa probinsya nya ng malamang naospital ang panganay na anak. Kaya pinayagan namin syang umuwi muna.
"Hindi lang po talaga kami nagkaintindihan Nana." I lied but it's half true.
Hindi kami nagkakaintindihan nun ni Aki kaya nahantong sa ganito.
Napailing si Nana Ester sa tinuran ko bago malungkot na tinitigan ako, "Nako, sinasabi ko na nga ba. Simula kasi ng bigla ka nalang nawala dito sa mansyon may nagiba na dyan sa asawa mo. Palagi nalang mainit ang ulo at laging nagiinom. Hanggang sa nagulat nalang ako ng bigla na lamang itong pumunta ng ibang bansa at dun na pansamantalang nanirahan." marahang napabuntong hininga si Nana Ester bago ako binigyan ng marahang ngiti, "Wala na bang pag-asang mag kabati kayo nyang asawa mo Ava?" may pag asang sabi nya.
Ngunit nawala iyon bigla dahil sa pag iling ko. "H-hindi ko Alam...pero...mukhang wala na nga po talaga Nana Ester."
Malungkot ang mukhang tumango nalang si Nana, "Hay, sayang ang pinagsamahan nyo kung dun lang din hahantong ang lahat. Pero, disisyon nyo yan eh. Ngunit sana, ay maayos nyo pa iyang mag asawa."
Napabuntong hininga ako. How can I response to Nana Ester kung kahit ako alam ko na sa loob kong wala na talagang pag-asang maayos pa ang lahat ng ito.
Kung tutuusin hindi na talaga dapat pa.
Matagal nayun at kailangan na naming palayin ang isat isa mula sa sakit nang nakaraan.
Ngumiti nalang ako kay Nana Ester, "Bakit nga po pala kayo nandito Nana?" pagiiba ko nalang ng usapan.
Agad namang bumalatay sa mukha nya ang paghihinayang.
Naguluhan ako sa ekspresyong pinakita nya.
"Sabi kasi ni Aquila na puntahan kita dito...", napatango ako.
"At sabi nya..."arahas na napabuga si Nana at may simpatyang tinitignan ako."Sabi nya, Mag bihis kana daw at umalis na."
Natigilan ako dahil dun. Bago mapait na ngumiti.

BINABASA MO ANG
His Possession (COMPLETED)
Fiksi UmumR18 | MATURE CONTENT ___________ COMPLETE ___________ Date Started: August 17, 2020 Date End: September 29, 2020 ____________________ LiolaPhantom Warning! Read at Your Own Risk