WAKAS

1.9K 40 2
                                    


Wala na. Wala na talagang pag-asa.
Tinitigan ko si Aquila. Kinakabisado ang lahat nang parte nang kanyang gwapong mukha.

Ito na ba talaga?

Wala na ba talagang pag-asa?

Wala naba talaga akong pag-asa pa na makatakas pa sa kanya.

Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.

This is it.

For the second time...magiging misis na naman nya ako at sana sa pagkakataong ito. Okay na ang lahat wala nang hadlang sa pagsasama namin.

At kung may problema mang darating, sana ay kayanin namin nang magkasama at puno nang pagkakaintindihan.

Sapat na yung nagkamali kami nung una at sana wag nang madagdagan pa ang mga hindi pagkakaunawaan namin noon na ngayon ay pinagsisihan ko kaya kami umabot ni Aki sa puntong hiwalayan.

Pero sabi nga nila kung para nga kayo sa isa't isa ay gagawa ang tadhana nang paraan para pagtagpuin ang landas nyong dalawa.

At ganoon nga ang nangyari sa amin ni Aquila. Pinagtagpo nga kami muli nang tadhana sa hindi nga lang inaasahang pagkakataon. Naging mahirap man ang muling pagtatagpo naming dalawa ngunit sabay namin iyong nalampasan at kinaya.

At ngayon nga ay ang simula na naman nang muling naming pagsuong sa panibagong hamon nang buhay habang magkasama.

"I now pronounce you...Husband and Wife, You may now kiss the Bride!"

Parang kailan lang nung marinig ko ang linyahang pinapanuod kong telenobela ngayon.

Nasa salas ako at nanonood nang TV.

Kaya naaalala ko tuloy iyong kasal namin ni Aquila.

Iyong kasal namin na muntik nang hindi matuloy dahil tinupak na naman si Ranzo nung ninakawan lang naman ako nang halik ni Aki kahit hindi pa nagsisimula iyong pari sa pagsasalita kaya ayon humiyaw sa inis ang kapatid ko.

Iwan ko ba kay Ranzo kong bakit tila galit na galit talaga sya kay Aquila. Kung bakit ang init nang dugo nya sa asawa ko.

Pero mula nung muli kaming ikasal ni Aquila. Naging magkaibigan naman ang dalawa tila naging mag bestfriend pa nga eh. Kaya ganoon nalang ang tuwa ko nung makita ang asawa ko at si kuya na nagkabati na.

Napakurap ako nang bigla ay makaramdam ako nang paghilab nang aking tiyan. "Aki..."

Nasaan naba kasi ang lalaking iyon?

Muling humilab ang tiyan ko at bahagyang sumakit kaya napatayo na ako.

"Aquila?" Muling tawag ko sa kanya.

Sa ikatlong paghilab nang tiyan ko ay muli akong napaupo sa sofa dahil sa biglaang pagsakit nang tiyan ko.

Agad kong sinapo ang aking tiyan," Nako, nako. Ang baby girl namin gusto nang lumabas...", halos mapangiwi ako habang nagsasalita.

"Mommy...are you okay?"

Agad akong bumaling sa gilid at nakita ko ang anak kong tatlong taong gulang.

"Come here Black, please hug mommy baby..." Tawag ko sa kanya.

Bahagya munang tumitig ang anak ko sa akin. Na kahit hindi nakangiti ay lumilitaw ang dalawang malalim na biloy sa magkabila nyang pisngi. Ang biloy na namana nya sa kanyang ama. Mataas din ang pilik mata nang anak ko at natural na mapula ang labi. Matangos din ang ilong at ang kulay nang balat ay namana nya sa akin. Hindi katulad sa ama nya na parang niligo ang harina sa kaputian.

Tatlong taon na si Black at kung nagtataka ka kung bakit Black ang pangalan nang anak ko iyon ay dahil favorite color iyon ni Aquila.

Siegfried Black Aragon ang buong pangalan nang baby namin. Ang baby namin na tahimik at seryoso na para bang malaking tao na kung makatingin sa iyo.

His Possession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon