Kabanata 23

1.1K 30 1
                                    

NAGMULAT AKO nang mga mata at unang bumungad sa akin ay ang ceiling nang kwarto ko sa mansion ni kuya.

Naguguluhan kong nilibot ang aking paningin sa paligid bago ako napakurap. Gabi na?

Teka...

Bakit ako nandito?

Nasaan...nasaan si Aquila?

Nang biglang sumagi isa isa sa isipan ko ang nangyari nung mawalan ako nang malay.

Pero...teka.

Bakit nandito na ako sa mansion ni Ranzo?

Nasaan ang asawa ko?

Dali akong bumangon bago dahan dahang bumaba sa kama ngunit biglang nanghina ang aking tuhod pagkatayo ko kaya muli akong napaupo pabalik sa kama.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Ano ba ang ginagawa ko dito sa mansion?

Inuwi ba ako ni Aki?

Oh....si kuya ang nag uwi sa akin dito?

Dahil pakiramdam ko ay walang lakas ang mga tuhod ko para tumayo kaya muli na lamang akong napahiga sa kama habang nakatitig lang sa kisame.

Naguguluhan ako. Bakit nga ba ako nandito?

Hindi naman sa ayaw ko dito sa bahay ni Ranzo pero ang akin lang hindi ba at magkasama kami ni Aquila? Paano't nandito na ako sa mansyon.

Napalabi nalang ako bago napabuga nang hininga.

Dahan dahan ko ring dinama ang sinapupunan kong hindi pa halata ang umbok.

Napangiti ako bago hinaplos ang aking tiyan. May baby na ako at nasa loob sya nang sinapupunan ko at gagawin ko ang lahat para maprotektahan lang ang baby ko...ang baby namin ni Aquila.

Muli na naman akong napabuga nang hangin ng maisip ko na naman si Aki. Nasaan ba kasi sya?

O baka naman iniwan na nya ako?

Bigla akong nakaramdam nang kaba dahil sa aking naisip. Paano nga kung iniwan nya ako kaya sya wala dito?

Agad akong napailing. Hindi--hindi nya ako iiwan. Mahal nya ako...at bakit nya ako iiwan?

Dahil sa aking mga naiisip kaya muli kong sinubukang tumayo. Hahanapin ko si Aquula at baka nasa ibaba lang pala sya.

Kasama sina Kuya Ranzo.

Oo, tama. Baka kasama nya ngayon ang kapatid ko at...bigla akong nanlumo dahil sa aking naisip.

Ano naman daw ang dahilan para magkasama ang asawa ko at si Ranzo?

Sa pagkakaalala ko. Walang alam si Ranzo na kasal na ako at tiyak pag nalaman nun...baka...magalit yun. Lalo na at hindi ko sinabi sa kanyang kasal na ako.

Nang tuluyang makatayo ay akma na sana akong maglalakad tungo sa pintuan palabas nang bigla akong makarinig nang tunog malapit sa balkonahe nang aking kwarto.

Muli akong nakarinig nang pagtunog mula doon kaya nagtataka na akong napabaling sa kinaroroonan nang tunog. Sa labas nang balkonahe.

Bahagya akong kinabahan. Pero lakas loob akong lumapit mula doon bago ako sumilip sa labas nang pintuan nang balkonahe.

Wala akong nakitang kakaiba mula doon at tanging ang liwanag nang buwan ang syang naging ilaw mula sa tahimik na balkonahe.

Akmang aalis na ako nang muli ay makarinig ako ng tunog at nalaman ko na kung ano ang dahilan nang tunog na iyon.

May bumabato sa glass na pintuan nang balkonahe. Kaya lumabas na ako para tingnan kung sinong poncho pilatong nagtangkang sirain ang mamahaling pintuan nang balkonahe nang aking kwarto.

His Possession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon