Kabanata 16

1.3K 28 1
                                    

MUNTIK ko nang mabitawan ang hawak kong baso ng tubig nung may tumapik sa balikat ko.

"Napano ka? Tulala ka na naman dyan. Nung isang araw ka pa ah?"

Agad akong napabaling kay Edward na nasa may gilid ko lang nakaupo habang si Jessy naman ay nakaupo sa aming harapan at may pagtataka naring napatingin sa akin.

"Teka, may nangyari ba sayo?", usisa na naman ni Edward habang nakatunghay na sa akin kaya napabuntong hininga na ako at umiling.

Nandito nga pala kami sa canteen ng kompanya at dahil lunch time na kaya dito na namin naisipang kumain at itong si Edward naman ay sumama lang sa amin. Mag isa lang daw kasi sya. Kaya hindi na kami tumanggi. Madaldal ang lalaki hindi na uubusan ng kalokohan at panay din pangungulit nito sa amin ni Jessy. Kahit na hindi pa naman kami gaano magkakilala pero kung umasta ang lalaki ay para bang matagal na kaming magkakaibigan. Pero hindi ko na lamang sya pinansin, mabait din kasi si Richard at hindi sya boring kasama.

Nagbaba ako ng tingin sa aking pagkain bago ako muling napabuntong hininga. "Wala, may iniisip lang ako. Wag nyo na akong intindihin."

Tumango lang ang dalawa bilang tugon bago muling binaling ang sarili sa pagkain.

Napahugot ako ng hininga.

Kung bakit ba kasi ako palaging natutulala tuwing na aalala ko iyong tagpo sa pagitan namin ni Aquila nung isang araw.

Ganoon nalang ang pagkadismaya ko nung paalisin nya ako sa opisina nya. At mas lalo lang akong nasaktan nung makita ko sya kahapon may kasamang babae habang nakasakay sa private elevator nya. Matangkad iyong babae na tudo kapit sa braso nya. Bagay na bagay silang tingnan lalo pa at pareho silang biniyayaan ng kagandahan. Gwapo si Aquila at iyong babaeng kasama naman nya ay napakaganda. Sopistikadang tingnan at alam kong mayaman.

Kaya halos madurog na naman ang puso ko sa sandaling iyon lalo pa at nakita ko silang masaya. Nakangiti si Aki habang nakatingin doon sa babae.

At dahil hindi ko na makayanan pang makita silang nasa ganoong sitwasyon kaya tudo iwas na ako sa kanya. Iniiwasan kong magtagpo ang landas namin ni Aquila simula nung nakita ko syang may kasamang magandang babae. Siguro ay girlfriend nya at iyong babae na siguro ang panibago nyang minamahal.

Mapait na lamang akong napangiti at hindi na nag-isip pa nang kung anu-ano. Inubos ko nalang ang binili kong tinapay na may palaman na peanut butter at tinuon nalang doon ang atensyon ko.

Ngunit tila mapaglaro nga talaga ang tadhana nung biglang tumahimik ang buong kantina. Kaya nagtaka akong napaangat ng tingin at mula doon sa pintuan ay pumasok ang tatlong katao at isa na doon ang lalaking pilit kong iniiwasan.

"Ay oo nga pala Ava. Hindi ko pala nasabi sa iyo na dito rin pala minsan kumakain iyong may ari nitong kompanya. Diba walang kaarte arte lang! Ewan ko ba kung bakit dito kumakain si Sir kasama iyong kasusyo nya sa trabaho. Siguro bet din nila paminsan minsan kumain nang pangkaing pangmahirap. Na bored na siguro kakakain ng mga pagkaing mamahalin. " Biglang bulong ni Jesse sa akin. Napahagikgik pa sya sa sinabi. "Tingnan mo, ang gugwapo din nila no? Sana all."

Ang tinutukoy ni Jessy ay si Aquila.

Kaya napabuntong hininga na naman ako. Binalingan ko ang gawi nito at nakita ang tatlong lalaki na nakaupo na sa may mesang malapit sa glass window.

Hindi na ako nagtaka kung bakit kumakain din dito si Aki. Dahil noon palang ay gusto na nya iyong mga putaheng kadalasan niluluto sa bahay at pansin ko na iyon ang mga kadalasang ulam na nandito sa canteen.

"Sus, mas gwapo kaya ako dyan no! Tingnan mo anong kinagwapo ng maputla na iyan?", Biglang ungot ni Edward na nakasimangot na ngayon habang nakabaling doon sa table nina Aquila. "Tingnan mo nga. Anong kinagwapo nyan? Maputi lang iyang gagong yan pero hindi yan gwapo.", halos manlaki ang mga mata ko sa pinagsasasabi nya bago ako daling bumaling sa kanya para takpan ang bibig nyang walang preno. "At tingnan mo rin sina sir Cohen at si sir Darcy, pereparehas lang silang mga hilaw na kano."

His Possession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon