Kabanata 17

2.4K 40 3
                                        


"SURE ka na ba dito Ava?"

Agad akong napakurap bago napapahiyang napatingin kay maam Jema. "Opo pasensya na po talaga." Sagot ko bago nagbaba ng tingin.

Narinig ko syang suminghap. "Jusko, bakit naman ata biglaan?" Puno ng paghihinayang na napabuntong hininga si maam Jema.

"A-Ano po kasi aalis po ako." Bumuntong hininga narin ako at sinalubong na ang tingin ni maam Jema.

"Kung iyan ang pasya mo Ms. Hermosillo. O sya, tatawagan na lamang kita pag napirmahan na itong resignation letter mo." Muli nya akong tiningnan ng may paghihinayang.

Aalis na kasi ako sa trabaho.

Hindi na ako nagtagal sa loob ng opisina ni maam Jema dahil may gagawin pa ako.

Bitbit ang papel na naglalaman ng address nung hotel kung saan nagstay muna pansamantala si Ranzo ay agad ko nang tinungo iyon.

Bumaba na ako sa taxi matapos magbayad at agad nang pumasok sa loob ng hotel. Sa loob ng isang 5 star hotel.

Hindi rin naman ako natagalan pa sa pagkausap sa clerk ng hotel dahil ng banggitin ko ang pangalan ni Ranzo ay agad na nyang binigay as akin ang room number nito.

Room 104. At ito na nga nakatayo na ako sa mismong harapan ng kwarto nya. Kinakabahan at medyo masaya na makita na naman sya kahit na bahagya pa akong nagtatampo sa kanya.

Dalawang beses lang akong kumatok ng bumukas na ang pintuan.

At bumungad sa akin ang nakahubad pangitaas na si Ranzo. Bahagyang inaantok pa.

Kumurap kurap sya sa harapan ko bago ako tinalikuran. "Ang aga pa ah." Humikab sya at tinungo ang sofa at mula doon ay may kinuha syang t-shirt na nakapatong bago sinuot.

Pabagsak syang naupo sa sofa bago ako binalingan. "Come here princess.." utos nya kaya napabuntong hininga na lamang ako at sinunod sya.

Sinarado ko muna ang pintuan bago naupo paharap sa kanya.

Minuto ang lumipas at pareho lang kaming tahimik habang nakatingin sa isa't isa.

At hindi ko na naman mapigilan ang sakit na bumalatay sa puso ko sa tuwing naaalala ko ang pinagdaraanan nya.

Tumulo ang isang luha sa aking mga mata dahilan ng pagiba ng ekpresyon ng kanyang mga mata. "Namiss kita Ranzo...", tuluyan na akong napaiyak.

At sya naman ay natarantang tumayo para lapitan ako. "Hey, please don't cry. I am here now. I'm sorry kung natagalan man ako na mahanap kayo. Sorry..."

Naramdaman ko ang kanyang mahigpit na yakap kasabay ng paghagod nya sa likuran ko.

Kaya mas lalo tuloy akong napaiyak.

"You're such a cry baby..." puna nya pa sa akin at pabiro akong binatukan.

Agad akong kumawala sa yakap nya at agad syang sinampal na kinagulat nya.

Napalayo sya at agad nyang sinapo ang kanyang pisngi. "What was that for?"

Napasinghot ako bago sya dinuro. "Iyon ay para sa pagpilit mong layuan ka namin ng anak mo! at ito..." muli ko syang sinaktan pero sa pagkakataong ito ay suntok na sa sikmura ang binigay ko sa kanya. "Iyan ay ang ilang taon na paghihirap ko para maalagaan ang anak mo nang wala ka."

Agat bumalatay ang lungkot sa mga mata ni Ranzo sa kabila ng pananakit ko sa kanya. "I'm sorry...I didn't mean to---"

Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita ng dambahin ko na sya ng yakap. "Namiss kita Ranzo subra.", para na akong bata habang sumisinok sinok habang nakakapit sa kanya.

His Possession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon