Kabanata 21

1.2K 31 1
                                    

BUONG puso kong sinuklian ang mapagparusa nyang halik.

Nang bigla naman kaming makarinig nang pagtikhim na syang nagpatigil sa amin ni Aquila.

Nanlaki ang mata ko sa gulat bago wala sa sariling naitulak si Aki papalayo na muntik pa nitong kinatumba. Agad nya akong sinamaan ng tingin.

"Jusko ang mga kabataan talaga ngayon o napakapusok. Este! Sa inyo ba iyong sasakyan? Hijo at hija?"

Nahihiya akong bumaling sa nagsasalita at nakitang isa iyong matandang babae.

"Ahm, o-opo lola." Halos mag init pa ang pisngi ko nang pasadahan nya kami nang tingin ni Aquila.

Tumango tango naman ang matanda bago binalingan ang nasirang kotse ni Aki.

"Ako nga pala si Isabel. At ako ang may ari nang lupang kinalalagyan nang nasirang kotse nyo ngayon. Hindi ako hihingi nang pasensya bagamat ang puno nang niyog ko ang nakasira sa sasakyan nyo pero sino ba namang nasa matinong pag iisip na igagarahe ang magarang sasakyan at sa tapat pa talaga nang puno nang niyog. Nag iisip ba talaga kayo?", Masungit na sabi ni Lola Isabel sa amin kaya halos mapamaang na lamang ako.

Wala akong balak na sagutin si lola Isabel dahil sa sinabi nya ay tama rin naman. Pero nang balingan ko si Aquila ay halos panlakihan ako nang mga mata nang makitang matalim na ang tingin nya doon sa matanda.

"Aki don't you dare." Pinanlakihan ko sya nang mga mata kaya nakasimangot syang bumaling sa akin.

"What? I didn't do anything...yet." pagdideny nya pa.

Halos mapailing nalang ako sa sinabi nya. Hindi ko na sya pinansin pa at hinarap nalang muli si Lola Isabel.

Humugot muna ako nang hininga bago nagsalita. "Ahm, ako po ay humihingi nang paumanhin kung pumasok man po kami sa lupa ninyo nang walang pahintulot at hindi nyo po kasalan kung nasira man ang kotse namin dahil po sa tanim nyong niyog sapagkat iyon ay kasalanan po namin. Pasensya na po."

Tumango tango si Lola Isabel pero bakas parin ang pagkamasungit sa mukha.

"Dapat lang. Alangan naman pagbabayarin nyo ako sa nasira nyong sasakyan eh una palang kayo naman ang may kasalanan kung bakit yan nagkaganyan." Pagsusungit parin nito.

At halos mapigtas naman ang pasensya nang taong nasa tabi ko dahil sa tinuran na iyong ni Lola Isabel.

Kung hindi ko lang nakurot ang tagiliran ni Aquila ay baka galit na nitong nasinghalan ang matanda.

Napailing na lamang ako sa aking isipan.

Haay, nako. Sasakit ang ulo ko sa lalaking ito eh.

Bakit ba napakamaldito nya at pati matanda gusto pang patulan.

Bumalik na tuloy ang pagkainis ko sa kanya kaya sinamaan ko sya nang tingin na kinatigil nya.

"Isa pa Aquila sisipain talaga kita." Pagbabanta ko sa kanya.

Inis syang napasinghap."Okay, okay I'll behave." Mahinang sagot nya. Nakasimangot na.

Muling tinuon ko ang aking atensyon kay lola Isabel na nakataas na ang kilay sa amin.

Agad kong nakagat ang aking dila. Kung bakit ba kasi nakakatakot ang pustura ni Lola Isabel.

His Possession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon