TAHIMIK lang ako habang pilit iniisip ang ginagawa sa akin ni Aquila.
Ang pagyakap nya, paghaplos sa buhok ko at ang kanyang masusuyong pagbulong.
I smiled bitterly.
I find his gesture sweet but when I realized that it's just nothing to him ay parang kinurot ang puso ko na hindi ko naman dapat pa na maramdaman.
"Okay na ako..." Pilit akong bumitaw sa yakap nya bago sya hinarap. Natigilan pa ako sa pinakita nyang ekspresyon sa akin.
Bakit ba ang nakikita ko sa mga mata nya ay pag-alala? Is he really that worried about me?
Napailing ako.
Bakit naman sya mag-aalala eh wala naman syang dapat ikapag-alala pa sa akin. Wala na kami. Matagal na at hindi na sya dapat pang mag-aalala sa taong tulad kong sinaktan ang damdamin nya.
"S-salamat...", Bulong ko nalang bago muling bumalik sa tamang pagkakaupo at kinabit muli ang seatbelt.
Nahihiyang yumuko nalang ako. Binaba ko rin ang hem ng suot kong dress dahil umikli pala ito dahil sa pagkakaupo ko.
Nung bigla naman syang nagsalita kaya napabaling ulit ako sa kanya
"Are you okay now?"
Pilit akong napangiti bago tumango.
"O-oo salamat ulit..." Utal kong sagot sa kanya.
Nahihiya ako sa kanya. Hiyang hiya ako ngayon dahil kahit na nasaktan ko sya sa ginawa ko noon nagawa nya parin akong tulungan ngayon. May mabuti parin pala syang puso kahit papaano.
Tumango lang sya at pinaandar na ulit ang sasakyan na hindi ko napansing hininto pala nya sa gilid ng kalsada.
Mahinang napabuga ako ng hangin bago napasapo sa dibdib ko. Ang lakas parin ng tibok ng puso ko.
And it's all because of him. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
Mahal ko parin ba sya?
Agad akong umiling. Dont be silly Avria.
Minuto ang lumipas at ang nakakabinging katahimikan lang ang lumulukob sa amin.
Nawala narin ang pangamba ko dahil normal na ulit ang bilis ng pagpapatakbo nya sa kotse ngunit gaya kanina bigla ring bumalik ang kaseryosohan nya.
Ilang minuto na ang nakalipas. Para akong natauhan at naguguluhang bumaling sa labas dahil parang pamilyar na sa akin ang daanang tinatahak namin.
"P-paano mo na lamang---", I tried to question him but he cut me off.
"Your manager told me." Seryosong sagot nya at tinapunan lang ako ng maikling sulyap bago muling tinuon ang atensyon sa daan.
Napatango nalang ako. Si ma'am Arne pala ang nagsabi sa kanya. Akala ko kasi hinanap nya ako-- Natigilan ako bago napakurap sa aking naisip.
Hindi...wag kang umasa Ava.
Pero may namumuong tanong sa isip ko dahil sa sinabi ni Aquila. Kung sinabi na sa kanya ni ma'am Arne ang bahay ko, ibig bang sabihin nun ay alam na din ni Aquila na ako ang babaeng binayaran nya?
Napatitig ako sa lalaki. Hanggang sa napagpasyahan ko nang magsalita. "Alam mo bang ako ang babaeng binayaran mo Aquila?" Lakas loob kong tanong sa kanya. "Naalala kong hindi ka rin nagulat nung dumating ako sa hotel room mo. Alam mo na bang ako ang babaeng bayaran para sayo Aquila?"
Marahas na lumingon sa akin si Aki bago na ngangalit akong sininghalan. "Don't talk nonsense Ava. You're not that special for me to be surprised at your mere presence."

BINABASA MO ANG
His Possession (COMPLETED)
General FictionR18 | MATURE CONTENT ___________ COMPLETE ___________ Date Started: August 17, 2020 Date End: September 29, 2020 ____________________ LiolaPhantom Warning! Read at Your Own Risk