Kabanata 3.

1.7K 30 0
                                    

DALAWANG araw nung huli kong nakita si Aquila at sa mga araw nayon ay pilit akong binabagabag dahil hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko gayong wala namang nangyari sa pagitan namin.

Paano na iyong perang nagastos ko na? Saan ako kukuha nang perang pambayad sa kanya?

Hindi ko narin nakita pa si Aquila magmula non kahit pa pasimple akong naghihintay sa labas nung hotel, nagbabakasakaling makita sya doon para pagusapan iyong trabaho ko sana sa kanya. Ngunit bigo ako lagi. Wala sya doon sa Hotel kung saan nung muli kaming nagkita.

Ano ba ang gusto nyang mangyari? Ang ibalik ang perang nagamit ko na?

Pambihira! Eh sa wala akong ganoong kalaking halagang pera.

Ultimo nga ang sweldo ko bilang isang waitress kukulangin pa para sa pangaraw-araw naming gastosin sa bahay. Kaya saan naman daw ako kukuha ng pera na ganoon kalaking halaga?

Kung para kay Aquila napakaliit lang na halaga ang 50 thousand pero para sa akin napakalaki na nun! At kahit pa sinabi nyang kalimutan ko na ang napagkasunduan ay hindi naman ako papayag na ganoon nalang. Pera nya iyon at kailangan ko syang bayaran kahit ano pa ang mangyari.

Walang nangyari sa amin. He didn't even bother to contact me or si ma'am Arne para lang doon sa napagkasunduan at isa lang ang ibig sabihin nun...he doesn't want me.

He doesn't want me near him nor see my face anymore.

Marahas na napabuga ako ng hangin.

Hindi ko naman hahayaang maging utang yung pera kung walang kapalit. Ayoko namang magkautang na loob sa kanya.

"Ano nang gagawin ko?" Napasapo ako sa aking noo bago napabuga ulit ng hangin.

"Ava naman wag ka ngang tatayo tayo lang dyan! Ibigay mo ito dun sa table nung mga lalaki oh. Nakita mo Yun?" Gulat na bumaling ako kay Chacha nung magsalita ito nang pasigaw sa akin. Agad kong sinundan ng tingin ang tinuro nya bago napatango.

"Order nila yan kaya ibigay mo."masungit nitong sabi bago nya ibigay sa akin ang inorder na mga inumin.

"Sige na go na." pagtataboy pa nito sa akin.Napailing nalang ako.

"Oo na..."

Tumalikod na ako at lumakad na papalapit dun sa mga nagiinumang tatlong kalalakihan.

Nasa bar nga pala ako ng aking pinagtatrabahuhan. Kanina naman bago pumasok dito sa trabaho ay dumaan muna ako doon sa hotel nagbabakasakali na naman na makita doon si Aquila pero gaya nga nung nakaraan hindi ko na naman sya nakita kaya dumiretso nalang ako dito sa Bar para magtrabaho nalang bilang waitress.

Nung tuluyang makalapit sa table nung tatlong lalaki ay agad ko nang nilapag ang beer na inorder nila.

"Pare tingnan mo may chicks sa dulong table.  Ganda diba? At ang kinis pa. Ang sarap nyang papakin." Naghalakhakan sila habang nakatanaw sa kabilang table nang sabihin yun ng isa nilang kasama. Napapailing nalang ako. Mukhang lasing na ang mga to. Pansin ko kanina pa kasi sila dito nag-iinuman at ito nga omorder na naman ng panibagong inumin.

Umayos na ako ng tayo matapos kong ilagay ang beer na inorder nila.

"Wala na po ba kayong kailangan mga sir?"

Bumaling sila sa akin nung magsalita ako.

Kaya nailang tuloy ako nung bigla na lamang silang ngumisi sa akin.

"Oh! Ang ganda pala ng waitress natin ah." malokong anas nung isa. Yung may bigote sa kanilang tatlo. Lasing na lasing na dahil ikatlong pagkakataon na nagsiserve ako sa order nila ay yan palagi ang sinasabi nya sa akin.

His Possession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon