HAWAK ang perang nasa loob ng envelope ay nagpasya na akong pindutin ang doorbell na nasa harapan ko.
Kinakabahan ako.
Tatlong beses muna akong pumindot sa door bell bago tuluyang bumukas ang malaking gate ng bahay bago bumungad sa akin ang medyo gulat pang si Nana Ester.
"Oh Avria ikaw pala!" Nakangiti na sa akin ngayon si Nana na sinuklian ko rin ng matamis na ngiti.
"Magandang gabi po Nana Ester." Bati ko kay Nana.
Gabi na akong pumunta ngayon dahil alam kong sa ganitong oras umuuwi si Aquila galing trabaho.
Bahagya akong napakamot sa noo bago tiningnan si Nana Ester, "Ahm, nandyan po ba si Aki Nana Ester?" Pagbabakasakali ko. May kailangan kasi akong sabihin sa kanya.
Bahagya akong tinitigan ni Nana bago sya sumagot. "Nako Ava kanina pa wala iyong Alaga ko dito. Hindi pa umuuwi."
Bigo akong napangiti. "Ah ganoon po ba?"
Tumango si Nana. "Kung gusto mo hintayin mo nalang muna iyong Asawa mo baka maya maya ay darating na iyon."
Magdadalwang isip pa ako sa sinabi ni Nana ngunit tumango rin ako bilang sagot. Tutal kailangan ko talaga kasing makausap si Aquila.
Sabay na kaming pumasok ni Nana sa loob ng bahay.
Hinintay namin pareho si Aki.
Habang magluluto si Nana ng hapunan at tinulungan ko na sya dahil wala rin naman akong ginagawa.
Pasado alas nuebe na ngunit wala paring Aki na dumarating.
Sa pagkakaalam ko 7:30 ang kadalasang uwi nya ngunit bakit hanggang ngayon wala pa sya?
Bahagya naring lumamig ang niluto naming pagkain ni Nana Ester kaya nagpasya nalang kaming kumain nang dalawa.
Nakakahiya man pero nanatili akong naghintay kay Aquila.
Kailangan ko talaga syang makausap dahil baka ito na mismo ang huling paguusap naming dalawa kung uuwi man sya.
NASA sofa kami ni Nana ngayon. Nanonood ng TV ngunit kadalasan ay nagkukumustahan nalang sa isa't isa.
Ramdam ko pa ang pagkasabik ni Nana habang kinakamusta ang anak kong si Rj.
Ilang minuto pa ang lumipas ay panay na ang paghikab ni Nana Ester. Ganito talaga sya. Madaling antukin kaya sinabihan ko nalang na mauna na syang matulog at ako nalang ang maghihintay kay Aquila.
Hindi na naka alma ang matanda ng akayin ko sya tungo sa kanyang kwarto na hindi ko nakakalimutan kung saan.
"Good night po Nana." Nginitian ko sya.
Ngumiti rin si Nana Ester sa akin bago muling napahikab. "Pasensya kana talaga Ava. Matanda na eh hindi na kaya ng mata ko. Haha, o sya. Ikaw nalang muna dyaan. Kung nagutom ka may snack dyan sa ref kumuha kana lang ah?"
Bahagya akong napatawa sa kanya bago tumango."Sige po Nana."
Bumalik na ako sa may sofa bago pinatay na ang TV.
Sumandal ako sa upuan bago napabuga ng hangin ng mabaling ang tingin ko sa envelope na nasa may center table.
Pera iyon. Ang perang ibabayad ko kay Aquila. Eksaktong halaga nung araw na nakuha ko ang perang binayad nya sa akin.
Nagpasya akong bayaran sya ngayon gamit iyong perang hiniram ko kay Ranzo.
Masasabi kong hulog ng langit talaga ang pagdating ni Ranzo ngunit may parte rin sa akin na naghihinayang dahil aalis ako. Kami ng pamilya ko at lalayo na naman ako sa taong mahal ko.

BINABASA MO ANG
His Possession (COMPLETED)
General FictionR18 | MATURE CONTENT ___________ COMPLETE ___________ Date Started: August 17, 2020 Date End: September 29, 2020 ____________________ LiolaPhantom Warning! Read at Your Own Risk