"Cat got your tongue I see."
Ngumisi sya sa akin. Ngising nanunuya.
Ngunit hindi ko pinansin ang ginawa nya imbis ay nanatili lang akong nakatayo sa harapan nya. Hindi makagalaw dahil sa aking nakita.
"I-ikaw..." Nagpalipat lipat ang aking tingin sa kanya at sa office table na sinasandalan nya.
"Ikaw ang CEO ng kompanyang ito?" Bakas ang pagkagulat at dismaya sa aking boses.
Hindi makapaniwala na ang lalaking kaharap ko ngayon na bigla nalang akong dinala sa dito ay sya palang may ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko.
"Yes." Tipid na aniya. Tila bagot pa habang nakatingin sa akin."But that is not the reason why I brought you here. So, snap it out already and don't be so dramatic." Parang balewala nya lang sagot.
Gusto ko syang irapan dahil sa sinabi nya. Sino ba naman ang hindi mabibigla pagnalaman lang naman na sya pala ang may ari nitong kompanya? And worst is dito pa ako nagtatrabaho.
Umayos sya ng tayo bago ako tinitigan. Seryoso na sya ngayon. Wala nang bakas ng panloloko ang kanyang mukha."Come here." Utos nya bigla.
Mahina akong suminghap. "A-at bakit?" Pinilit kong patatagin ang boses ko ngunit bigo parin ng mautal ako.
Kumunot ang kanyang noo at matalim na akong tiningnan."Just come closer, no buts." Matigas na aniya.
Wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa harapan nya.
Sinalubong ko ang kanyang seryosong mga mata at halos tumingala ako dahil sa tangkad nya.
"Now what?" Mahinang tanong ko.
"Sit."
Napakurap ako. Sa paraan kasi ng pagkakasabi nya, para akong aso na pinapaupo nya lang. Nagsalubong tuloy ang kilay ko dahil dun.
Kaya hindi ko sya sinunod. Nanatili akong nakatayo sa harapan nya. Pilit sinalubong ang mariin nyang titig.
Pero makalipas ang ilang sigundo ay sya ang unang nagbawi ng tingin bago hinilot ang sariling sintido. "Sit down. We need to talk." Kalmado na ngayon ang boses nya.
Kaya hindi na ako nagdalawang isip at umupo na agad sa upuan na nasa harapan ng office table nya.
Minuto ang dumaan at tanging pagbuntong hininga nya lang ang aking naririnig.
Nanatili syang nakasandal sa mesa ngunit hindi parin kumibo.
Diba sabi nya maguusap kami? Ngunit bakit hindi parin sya nagsisimula?
Kaya nag angat na ako ng tingin. Ngunit ganoon na lamang ang kabog ng aking dibdib ng masalubong ko ang kanyang kakaibang tingin.
Pain and longing?
Iyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata habang nakatitig sya sa akin pero ganoon nalang iyon kabilis na nawala ng mapalitan bagong ekpresyon ang kanyang mukha.
Seryoso na syang muli.
Kaya napakurap na ako. Nagtatalo ang isipan kung totoo ba iyong nakita ko o baka naman namalikmata lang ako.
Baka iyon nga.
Nagbaba ako ng tingin at nagpasyang magsalita na. "Sabi mo mag uusap tayo pero---"
"Who is the father of your child?" Agad nyang putol sa sinabi ko.
Biglang kumalabog muli ang dibdib ko at kinakabahang nag angat ng tingin sa kanya.
"Or is he really your child?" Dugtong nya puno ng sarkasmo.
Kumuyom ang kamao ko bago inis na tumayo sa harapan nya. "Anak ko sya at wala kang karapatang sabihin sa akin iyan!"
Sinalubong nya ang tingin ko bago ako nginisihan. "Your son?" Mahina syang natawa. Puno ng sarkasmo. "Then why the hell you were still a virgin!? Dont lie to me because the moment you moan for me when I touched you, I already know."
BINABASA MO ANG
His Possession (COMPLETED)
RomanceR18 | MATURE CONTENT ___________ COMPLETE ___________ Date Started: August 17, 2020 Date End: September 29, 2020 ____________________ LiolaPhantom Warning! Read at Your Own Risk
