Kabanata 25

1.4K 28 1
                                    


IT'S BEEN two weeks since I've been sending my brother some death glares.

At ang loko kong kapatid ngisi lang ang sinasagot sa akin. Hindi naaapektuhan sa matatalim kong tingin sa kanya.

How dare he...

"Mama are you mad at me?"

Napakurap ako bago nagbaba nang tingin kay Rj at naguguluhang tinitigan ang bata.

"Why did you say that baby?"

Agad syang napanguso.

"It's because you're squeezing me tightly instead of hugging me." He pouted na agad kong kinangiti.

Muli ay mahigpit kong niyakap si Rj bago ito kiniliti na kinahagikhik nito, "Sorry na baby namin. May iniisip lang kasi si Mama."

Buong umaga ay puno lang nang kulitan ang ginagawa namin ni Rj. Naglaro kami at pinilit ko nalang kalimutan ang pangugulila ko kay Aquila.

Kung bakit ba kasi hindi sya nagpakita manlang dito sa Hacienda? Kahit sa labas manlang nang Gate, wala!

Minsan iniisip ko na nga lang na sumuko na sya at baka natakot kay kuya.

Pero lahat nang negatibong iniisip ko ay pilit ko nalang isinawalang bahala dahil baka ma stress pa ako at kung ano pa ang mangyari sa baby ko.

ALA UNA nang hapon nung makauwi si Ranzo galing sa plantation nya. Kasama nya rin na umuwi si Jessy na halos kababakasan ang pagod sa mukha. Nagtatrabaho din kasi sya doon sa planta.

Agad tumakbo si Rj sa kanyang Ama na sinalubong naman ni Ranzo nang may matamis na ngiti sa labi at agad itong kinarga samantalang si Jessy naman ay dumiretso sa gawi ko bago sya pabagsak na naupo sa tabi ko.

Napalabi ako kay Jessy, "Okay ka lang?" Tumango tango lang sya.

Ano ba kasing ginawa nya at parang subra naman ata ang pagod nya?

Ay ewan..

"Ava magbihis ka. May Pupuntahan tayo."

Agad akong bumaling kay kuya. May pagtataka sa aking mukha. "Saan naman?"

Binalingan nya ako, "Party nung kasusyo ko sa negosyo. Kaya maghanda ka na dahil aalis agad tayo."

Iyon lang at iniwan na agad kami ni Ranzo bitbit ang kanyang anak at nagtungo na sila sa hagdan pataas. Patungo sa kanyang kwarto.

Napabuntong hininga ako bago binalingan si Jessy.

"Ikaw sasama kaba?" Tanong ko sa kanya.

Agad syang tumango, "Oo ininvite din kasi ako nang kuya mo."

Agad akong ngumisi sa naging sagot nya bago sya pabirong sinuntok sa braso, "Ikaw ha, improving yang relasyon nyo ni Ranzo. Nung isang araw lang para kayong aso't puso tapos ngayon---aray naman!"

Agad akong napalabi nung bahagyang tampalin ni Jessy ang bibig ko bago nya ako pinandilatan, "Jusko Ava! Ano ba iyang mga pinagsasabi mo. Kilabutan ka Day! Dyan ka na nga at maliligo na ako." Nakasimangot nya akong tinalikuran.

Kaya napatawa na lamang ako at napapailing nalang.

Asus, deny pa nya eh kita naman sa pagmumukha nyang may gusto sya kay Ranzo.

At dahil wala naman akong pagpipilian kundi sundin ang kuya ko kaya agad na akong nagtungo sa kwarto ko para maghanda.

Naligo na ako't lahat nung bigla namang pumasok si Jessy sa kwarto ko kaya gulat akong napatili dahil sa kanya.

"Sorry na!" Ngingiti ngiti syang lumapit sa akin bago ako hinila paupo sa harap ng tukador.

Pinanlakihan ko sya nang mga mata, "At ano naman ang gagawin mo?"

His Possession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon