DALAWANG ARAW ang nagdaan simula nung pagi-stay namin sa bahay ni Lola Isabel. Masasabi kong mabait pala iyong matanda. Strikto lang ang mukha pero mabait naman.
Sa dalawang araw din na iyon ay pasimple lang kaming nag aaway ni Aquila. Gusto na nya kasing umuwi at sasakay nalang daw kami nang jeep palabas nang bayan dahil tatawagan din naman nya ang tauhan nya para daw sunduin kami sa labas nang hangganan.
Pero ayoko pa.
Gusto ko pa dito.
Gusto ko pang maramdaman at masagap ang napakapreskong hangin dito sa probinsya.
Gustuhin man nang isip ko na sundin ang sinabi ni Aquila pero ayaw kumilos nang katawan ko. Tinatamad ako. Ang gusto ko lang rin ay ang humilata sa may bahay kubo ni Lola Isabel at patuloy na langhapin ang sariwang hangin.
Nagmulat ako nang mata bago nilibot nang tingin ang paligid.
Nasa may likod ako ng bahay nang matanda at hanggang dito ay maraming tanim nang puno nang niyog at ibat ibang puno nang prutas na may mga bunga na.
Kaya halos magtubig ang bagang ko habang nakatanaw sa mga prutas na tila kinakawayan ako...lalong lalo na iyong mangga na para bang iniinggit ako.
Kaya napapalunok na tuloy ako.
Kung bakit ba kasi wala dito si Aquila?
Napabuntong hininga na lamang ako bago muling napahiga na lamang sa kawayang sahig ng kubo.
Wala dito si Aki. Nasa may talyer sya. Pinaayos iyong sasakyan nyang sasira. Ewan ko nga ba sa lalaking iyon kung bakit hanggang ngayon e wala pa kahit kanina pa sya doon. Siguro mga tatlong oras na ang nakalipas.
Muli akong napabuntong hininga. Bago nagmulat at bumangon at tumingin na lamang sa kawalan.
Ilang buwan na pala ang nagdaan simula nung unang pagkikita namin ni Aquila sa hindi ko inaasahang pagkakataon.
Ilang luha din ang niluha ko noon dahil sa galit na binabato nya sa akin. Galit na galit sya at minsan pa ay nang dahil sa galit nya ay naparusahan nya ako nang labag sa kalooban ko. Galit sya sa akin nang dahil iyon sa naging disisyon kong iwan sya.
Pero kahit may na damay man sa pasya kong iyon ay hindi ako magsisisi kung bakit ko yun ginawa.
Si Rj at si Jessy.
Sila ang taong nadagdag sa buhay ko na pilit kong pinaglihiman nang katotohan para hindi sila masaktan.
Si Rj na hindi ko totoong anak ngunit tinuring kong parang akin at nagsisisi na ako kung bakit ko rin pinaglihiman ang bata lalo na tungkol sa Papa nya.
Si Jessy na mabait kong kaibigan na lagi akong tinutulungan ngunit pati sya ay aking pinaglihiman at ginawa ko iyon dahil ayaw kong kamuhian nya ako o baka ay mandiri sya sa akin at sa huli ay baka pati sya iiwan ako, kami ni Rj.
Pero lahat nang panlilihim ko sa kanila ay natapos na.
Mula nung sumama ako dito sa probinsya sa Hacienda ni kuya ay pinilit ko ring isama si Jessy. Kaibigan ko sya at ayokong maiwan lamang sya doon sa maynila at nagiisa. Hindi narin naman sya lugi dahil pagdating namin sa Hacienda ni kuya ay may trabaho na agad si Jessy sa plantation ni kuya Ranzo.
BINABASA MO ANG
His Possession (COMPLETED)
RomanceR18 | MATURE CONTENT ___________ COMPLETE ___________ Date Started: August 17, 2020 Date End: September 29, 2020 ____________________ LiolaPhantom Warning! Read at Your Own Risk
