Pakiramdam ko naninikip ang aking puso sa pighati na aking nararamdaman ngayon habang nanatiling nakayuko sa harapan nya.
At tanging ang paghikbi ko na lamang ang syang maririnig sa apat na sulok na opisina.
Panay rin ang pagpahid ko sa aking pisngi dahil sa hindi matigil na pagbagsak ng aking luha.
Nag angat ako ng mukha at sinalubong ang mga mata nyang bahagya ring may luha. Ngunit nanatili syang tikom at seryosong lang na nakatingin sa akin. Hindi ko na mababakasan ng kahit anong emosyon ang kanyang mukha at ang kanyang mga matang blanko nang nakatitig sa akin.
Mapait akong napangiti."M-Mahal kita Aki at hindi magbabago iyon." Pumiyok na ako at halos hindi ko na makilala pa ang boses kong bahagyang paos na. "Hindi ako mag-aantay na paniniwalaan mo ako kaagad. Sa kabila ba naman ng pag-iwan ko sa iyo noon?"
Lakas loob ko syang nilapitan at dinampi ang aking dalawang palad sa pisngi nya. Kinukulong ang mukha nya sa pagitan ng mga kamay ko.
Tinitigan ko sya. Sinasaulo ang bawat sulok ng mukha nya. Ang mukha nyang ilang taon kong hindi nakita. Ang mukhang ilang beses kong iniiyakan sa tuwing mamimiss ko sya, ngunit eh'to sya nasa harapan ko at hawak kamay ko pa. Napakasarap sa pakiramdam na ganito ako kalapit sa kanya. Ganito ako kalapit sa taong mahal ko.
Pero muli lang akong napangiti ng mapait ng sumampal sa akin ang katotohanan."Mahal na mahal kita Aquila...Ngunit a-akin ka pa ba?"
Halos panghinaan ako ng loob sa aking tanong ngunit nanatili akong matatag. Gusto kong marinig ang sagot nya. Gusto kong marinig mismo sa kanya ang sagot na syang may posibilidad na pwedeng ikasira ng aking puso.
Paano kong may mahal na nga syang iba at hindi na ako? Matatanggap ko ba?
Napakurap ako ng magtaas sya ng kamay at hinawakan ang kamay kong nasa kanyang mga pisngi at para bang hindi ako makahinga ng ibaba nya iyon bago ako talikuran.
Lalong tumulo ang luha sa aking mga mata at halos manginig ang tuhod ko sa kanyang ginawa. Halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan dahil sa sakit na aking nararamdaman.
Ngunit pinilit kong maging matatag. Gusto kong marinig ang sagot nya at umaasa akong kabaliktaran iyon ng iniisip kong may mahal na nga sayang iba.
Hinintay ko syang sumagot ngunit panay lang ang mararahas nyang paghinga habang nanatiling nakatalikod sa akin.
Tanging paghikbi ko lang rin ang maririnig.
"Fuck it."
Rinig ko ang kanyang malutong na pagmura bago sya daling humarap sa akin.
At isang iglap lang ay halos mapasinghap ako sa gulat ng kinulong nya ako sa mahigpit na yakap. Napakahigpit na para bang ayaw na nya akong bitawan.
"Stop crying Ava..."
Napakurap ako. Hindi makapaniwala sa sinabi nya. Hindi makapaniwala na ito sya pilit akong pinapatahan gamit ang malambing nyang boses.
Lalong humigpit ang yakap nya sa paraang hindi ako masasaktan. Nanatili parin akong walang imik at patuloy sa tahimik na pagluha. Hindi makapaniwala sa kanyang kinikilos.
Ngunit nang mag salita sya gamit ang napakalambing na boses ay tuluyan na akong napahagulgol.
"I'm sorry for making you cry." Mahina nyang bulong sa tenga ko bago nya muling pagdikitin ang aming noo.
Nagsalubong ang aming mga mata at bakas sa kanyang mga Mata ang pagsisisi." I'm so sorry Ava..." Mahinang boses na aniya. Punong puno iyon ng emosyon na halos hindi ko na makayanan.

BINABASA MO ANG
His Possession (COMPLETED)
Genel KurguR18 | MATURE CONTENT ___________ COMPLETE ___________ Date Started: August 17, 2020 Date End: September 29, 2020 ____________________ LiolaPhantom Warning! Read at Your Own Risk