"HOY! alam mo may napapansin na ako, Ava ah. Kanina kapa tulala dyan simula nung dumating kayo ni Rj dito sa bahay ng madaling-araw. Ano tutulala ka nalang dyan at hindi ako papansinin?"Agad akong napakurap nang sabihin iyon ni Jessy. Nasa harapan ko na pala sya at nakapamewang sa akin.
Bumuntong hininga ako. "Pasensya na, may iniisip lang kasi ako." Nahihiya akong ngumiti sa kanya.
Nagsalubong ang kilay nya. "May problema ka ba? Kung meron man, pwede mo namang sabihin sa akin hindi iyong para kang timang riyan na tutulala nalang."
"Pasensya na."
Pinandilatan nya ako ng mata. Bago dinuro. "Nako, nako! Na pano ka ba kasi? Ano bang nangyari sa iyo? Kung kaninang alas kuwatro ng madaling-araw ay ginulat mo ako nang umuwi kayo ng ganoon kaaga ni RJ, pero ngayon mas nagtataka na ako sa inaakto mo. Ano ba talagang nangyari Ava?"
Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka ngunit nanatili akong tikom at tanging pag-iling na lamang ang sinagot sa kanya.
"Pasensya na." Sabi ko nalang sa kanya.
Ayaw ko nang sabihin kay Jessy ang mga problemang kinakaharap ko. Oo nga at kaibigan ko sya at alam kong handa syang makinig sa mga hinaing ko pero ang akin lang ay ayoko nang maka-abala pa. Marami na syang ginawa sa amin ng anak ko at ayoko nang dagdagan ng problema ang pag-iisip nya.
Mas mabuting hindi nya alam kesa problemahin nya ang problemang ako lang naman ang makakasagot.
Bumuntong hininga ako bago muling napatulala.
Naiisip ko na naman, iyong nangyari kagabi. Doon sa ginawa ni Aquila sa akin. Galit ako sa kanya. Gusto ko syang murahin dahil dun.
Ngunit anong magagawa ko kung iyon naman talaga ang nakatadhana na maranasan ko diba?
Binayaran nya ako para sa ganoong bagay ngunit ito ako at nag iinarte pa. Kung tutuusin hindi ko pa nga nagagawa ang parte ko sa kanya bilang isang bayarang babae.
Nakakahiya mang isipin ang ginawa nya sa akin kagabi pero naisip ko rin na hindi ko na maibabalik pa sa kanya iyong perang nagastos ko na. Saan naman ako kukuha ng ganoong kalaking halaga? Ni isang libo nga wala ako.
Kung sa akin lang suko na ako sa pinasok kong trabaho at nagsisi na ako kung bakit pa ako lumapit kay maam Arnie para sa maduming trabahong iyon ngunit tapos na, binayaran na ako at nagamit ko na ang pera.
At kahit na may trabaho pa akong bago hindi parin sapat iyon para mabuo ko agad ang perang kailangan kong isauli kay Aquila.
Nalilito na ako at napapaisip.
Paano kung ikonsidera ko nalang kaya ang pagiging bayaran ko sa kanya? Kahit na labag sa kalooban ko. Iisipin ko nalang na mabuti paring sya ang makakuha sa akin total asawa ko naman sya at may pinagsamahan naman kami noon kesa sa ibang tao ko ipagkaloob ang sarili ko diba?
Pampalubag loob ko nalang sa sarili.
Isang linggong kasunduan lang naman at pwede na akong makalaya agad sa kanya. Pagkatapos ay pipilitin ko nalang na lumayo at makalimot.
"Ayan ka na naman Ava eh, natutulala ka na naman!"
Muntik na akong mahulog sa aking kinauupuan dahil sa pagsigaw ni Jessy sa harapan ko. Nanlalaking mata ko syang tinitigan ng mapansin ko kung gaano na kalapit ang mukha nya sa akin. Sinusuri ako habang nakataas ang isang kilay nya.
Hinawakan nya ako sa magkabila kong braso bago mariing tinitigan. "May nangyari talaga eh! Sabihin mo nga sa akin kung ano yun, Nag-aalala na ako sa iyo eh!"
BINABASA MO ANG
His Possession (COMPLETED)
Ficción GeneralR18 | MATURE CONTENT ___________ COMPLETE ___________ Date Started: August 17, 2020 Date End: September 29, 2020 ____________________ LiolaPhantom Warning! Read at Your Own Risk