"Hey what's with that face baby?" Natatawang pinagmasdan ko ang nakasimangot na mukha ng aking anak habang hawak nito ang isang strawberry flavored ice candy.
Nang makauwi kasi si Jessy galing trabaho ay agad nitong sinalubong si Rj ng pasalubong kuno nitong Ice cream strawberry na Ice candy lang naman.
Kaya ayon bad mood tuloy ang baby boy namin.
"This is not an ice cream Tita pangit!" Ungot nitong muli kay Jessy na tuwang tuwa pa sa panloloko sa anak ko.
Napapailing na lamang ako bago pinagpatuloy nalang ang pagluluto sa ulam namin ngayong hapon.
"Atleast strawberry flavor yan batang pogi! At isa pa pag pinagpatuloy mo ang pagtawag sa akin ng Tita pangit hindi na talaga kita bibilhan ulit." Pananakot pa nito sa anak kong inosente nalang na napalabi.
Napapailing na lamang ako sa kalokohan ni Jessy.
Binalingan ko si Rj na halos maiyak na ang mukha. "Come here baby ko. Hayaan mo nalang iyan si Tita. Mamaya lalabas tayo at ibibili kita ng strawberry ice cream."
"Yehey!" Bigla lang ay lumiwanag ang mukha nito napasuntok pa sa ere habang tumatakbo palapit sa akin bago ako niyakap.
"Thank you Mama!" Malambing akong hinalikan ng bata sa buong mukha na kinatawa ko nalang.
Kinurot ko ang malaman nitong pisngi. "I love you too baby boy ko..." Masuyong hinalikan ko ang noo ng aking anak bago marahang napangiti.
Mahal na mahal ko talaga ang batang ito na sa puntong ikakamatay ko pag ilalayo sya sa akin.
"Asus naglambingan na naman ang dalawa! Paano kung mag-anak narin kaya ako ano Ana?"
Napairap ako sa tinuran ni Jessy bago sya binalingan. "Sira ka talaga. Eh wala ka ngang asawa." Natatawang sabi ko nalang sa kanya.
Napanguso sya bago ako inirapan."So kung ganon ikaw may asawa?"
Bigla akong natigilan sa tinuran nya na batid kong may halong pagbibiro lang naman.
Napatitig ako kay Jessy. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan ko sya ngunit hindi ko parin maalis sa akin ang pangamba. Kaibigan ko si Jessy at halos alam ko na nga ang buhay na meron sya dahil mahilig itong magkwento patungkol sa sariri. Walang kasinungalingang tinatago samantalang sya na kaibigan ko eh wala man lang kaalam alam sa mga sekreto ko.
Agad kong iniwas ang tingin kay Jessy na natigilan din sa mismong sinabi.
Alam kasi nya na pag sa ganoong usapan ay tikom ang bibig ko. May pagsisisi syang tumingin sa akin. "Ang nais kung sabihin Ava--"
Agad ko syang inilingan at tipid na nginitian. "Wag na natin iyong pagusapan."
Napanguso sya bago napakamot sa kanyang noo. "Pasensya na."
Agad kong inilingan si Jessy, "Wala iyon. Basta wag mo nalang ulit banggitin sa harapan ng bata."
Binalingan ko si Rj na busy sa kanyang hawak na ice candy. Napabuga ako ng hininga. Buti nalang hindi ito nakikinig sa usapan namin.
Pero kahit pa bata si Rj alam ko naman na sa mura nyang pagiisip ay may maiintindihan na syang bagay bagay kaya hindi ako makampante pag pinaguusapan ang tungkol sa ama nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/193559804-288-k994316.jpg)
BINABASA MO ANG
His Possession (COMPLETED)
General FictionR18 | MATURE CONTENT ___________ COMPLETE ___________ Date Started: August 17, 2020 Date End: September 29, 2020 ____________________ LiolaPhantom Warning! Read at Your Own Risk