NAGMULAT nang mata si Avria dahil sa pakiramdam na para bang hinampas ang ulo nya dahil kumikirot ito isama pa ang subrang pagkatuyo ng lalamunan nya na para bang ilang araw syang hindi nakainom ng tubig.
Agad nyang sinapo ang ulo bago dahan dahang bumangon. Ngunit para lamang matulos sa kinahihigaan.
Gulat nyang nilibot ang tingin sa paligid at halos kapusan sya ng hininga ng makumpirmang nasa hindi pamilyar na kwarto sya.
Shit! Nasaan ako?!
Halos matuliro na sya.
Paano sya nakarating sa kwartong ito?
Nataranta na sya. Hindi nya alam ang kanyang gagawin.
Shit! Ano ba ang nangyari?!
Agad pumikit ang dalaga pilit inaalala ang nagdaang nangyari ngunit hindi iyon malinaw sa isipan nya. Pero iisang tao lang naman ang nakasama nya ng gabing yun ng hilahin sya nito bago naging kakaiba ang pakiramdam nya.
Si Aquila... Shit!
Biglang kinabahan si Avria.
B-bakit sya dinala dito ni Aquila? O kung ang binata nga ba ang nagdala sa kanya dito?
Mas lalo tuloy kinabahan si Avria sa isiping ibang tao ang nagdala sa kanya dito. Kaya wala sa oras na napabalikwas sya sa kama.
Bababa na sana sya ngunit nasagi ng kanyang paningin ang bagay na nakakabit sa kamay nya.Isang suwero?
Agad nangunot ang noo ng dalaga dahil sa nakita ngunit maya-maya ay napagpasyahang alisin ito kahit na masakit. Agad iyong dumugo ngunit hindi nya na iyon pinansin dahil agad na syang bumaba sa kama.
Pagkatapak ng mga paa ay muntikan pa syang matumba dahil tila nanghihina ang mga paa nya. Naguguluhan na talaga si Avria.
Ano ba talaga ang nangyari sa kanya? Bakit wala syang ma-alala?
Napasabunot sya sa sariling buhok. Ano ba talaga ang naangyari?
Agad nagmulat ang dalaga at tila dinamba sya ng subrang kaba ng marinig ang lagaslas ng tubig mula sa isang pinto dun mismo sa loob ng kwarto. Pakiwari nya'y iyon ay ang bathroom. Kaya kahit kinakabahan at nanghihina pa ay pinilit nyang lumakad patungo sa pinto.
Gusto nyang lumabas!
She wanted to escape away from that place!
Hindi nya nga alam kung bakit nandoon sya kaya dapat lang na umalis na sya sa kwartong iyon.
Halos lakad takbo na ang ginagawa nya ng tuluyang makalabas ng kwarto.
Subra nga syang pinagpapawisan ng malagkit dahil sa kaba.
Gusto nya naring maiyak dahil sa mga negatibong pumasok sa utak nya. Ano ang ginawa sa kanya ng taong nagdala sa kanya sa lugar na ito?
Gusto nyang alalahanin ang nangyari ngunit malabo talaga!
Basta ang alam lang nya ay si Aquila ang huling kasama nya. Posible kayang ang binata nga ang nagdala sa kanya sa lugar na iyon?
BINABASA MO ANG
His Possession (COMPLETED)
Ficción GeneralR18 | MATURE CONTENT ___________ COMPLETE ___________ Date Started: August 17, 2020 Date End: September 29, 2020 ____________________ LiolaPhantom Warning! Read at Your Own Risk