Mina's Pov
Hindi ko alam kung ano tong pinasok kong buhay, sobrang natatakot na ako dahil iba't ibang tao ang mga nakikilala at nakakasalamuha ko. Pero si Chaeng? siya lang nakakapag pagaan sakin, hindi ko alam kung bakit
Simula nung nangyare kagabi hindi na maalis sa isipan ko ang mga tingin niya sakin, ewan ko ba kung bakit ganito nararamdaman ko samantalang una ko palang siyang nakita
"Hey Mina? are you okay?" tanong ni Chaeng sakin na pawis na pawis at hinihingal pa
"Yeah, mukhang napagod ka ah" sabi ko tsaka ko inabot ang tuwalya sakanya
"Yup pero sobrang enjoy naman" ngiting sabi niya
Isang DJ si Chaeng sa bar ng Ate niya na si Nayeon nasabi nila sakin bago ako iwan sa private room. Nung nagwowork siya pinagmasdan ko si Sana na panay ang tingin kay Chaeng iniisip ko tuloy na baka may relasyon silang dalawa
"Do you want to eat?" biglang tanong ni Chaeng
"Busog pa ako" sagot ko tsaka ulit ako umupo sa sofa at uminom narin ng wine
"Tara sumama ka sakin may alam akong lugar na tiyak magugutom ka" ngiting sabi ni Chaeng tsaka niya ako hinila at lumabas kami ng bar
Sumakay ulit kami ng motor at pumunta sa lugar kung marami tao at maraming nagtitinda ng pagkain sa daan
"Nasan tayo?" tanong ko
"Street foods ang tawag dito" sabi niya tsaka kami naglakad lakad
"Dito marami kang pagpipilinan na masasarap na pagkain, bukod sa masarap na mura pa" dagdag pa niya tsaka siya kumuha ng pagkain sa isang nagtitinda
Actually never pa akong napunta sa lugar na ganito dahil simula nung bata ako hindi man ako gaano pinapalabas ng bahay ng parents ko hanggang ngayon ganun parin sila sakin, kaya ganon nalamang ang pagkatakas ko don sa mga lalaking humahabol sakin
"Mina? try mo" ngiting pagyaya ni Chaeng tsaka niya iniabot sakin ang pagkain
"Hmmm, ang sarap ah" sabi ko habang ngumunguyapa
"See, dahil sa lugar na to hindi mo kailangan ng malaking pera o mamahalin na restuarant" sabi pa nito
"Tama ka, at pweding pweding magdate dito ah" sabi ko habang lumingon lingon sa lugar
"Yup, pero walang mayaman na pumupunta dito" malungkot na sabi niya
"Huh? pano mo naman nasabi?" tanong ko
"Dahil ang mga mayayaman hindi sila bibili ng pagkain na mura at hindi sila kakain ng mga pagkain tulad nito" sabi niya tsaka niya pinakita ang isaw
"Alam mo ikaw ...wag mong lahatin dahil hindi naman lahat ng mayayaman eh gusto mamahalin, minsan simpleng buhay lang rin ang gusto nila" sabi ko
"Hay ewan nalang, magkano po manong?" tanong niya sa nagtitinda
Hindi ko alam kung bakit ganun ang mga sinasabi ni Chaeng sa mga taong mamayaman and to be honest mayaman kaming pamilya. Laki ako sa pamilyang mayaman na simula pa noon
After namin kumain naglakad lakad muna kami ni Chaeng hindi ko namalayan na inabutan na pala kami ng gabi kakalibot sa lugar nato.
Habang naglalakad bigla nalang huminto si Chaeng na nabangga ako sakanya, tinignan ko siya at nakatingin siya sa itaas
"Hey Chaeng? anong problema?" tanong ko
Hindi man siya sumagot kaya tumingin nalang ako kung saan siya nakatingin, maya maya pa naramdaman ko nalang na unti unti niyang hinahawakan ang kamay ko
Napatingin agad ako at namula ang mukha gusto kong tumakbo para hindi niya ako makita pero bigla nalang may sumabog at napatingin ako sa taas
"Wow! ang ganda" ngiting sabi niya habang pinagmamasdan ang mga fireworks
Napangiti nalang ako bigla dahil nasilayan ko ang napaka ganda niyang ngiti na hindi ko alam meron siyang dimple
"Ang ganda" sabi ko habang nakatitig sakanya
"Yup, maganda nga" ngiting sabi niya tsaka siya tumingin sakin
Nagkatitigan kaming dalawa na para bang huminto ang mundo at kami lang dalawa ang magkasama sa daan
"C-Chaeng ..." pabulong na sabi ko pero alam ko na narinig niya
"Ano yun?" tanong niya tsaka ako napahawak sakanya ng mahigpit
"Kailangan nanatin umalis andito nanaman yung mga lalaking sumusunod sakin kagabi" takot na sabi ko
Inalayan ako ni Chaeng na di pinapahalata sa mga lalaking na naka black suit at meron mga armas na nakalagay sakanilang damit. Dahan dahan kaming naglakad na para bang normal lang at walang tinatakasan
Maya maya pa pinaandar na ni Chaeng ang kanyang motor at meron isang lalaki na napansin sakin dahil natanggal ang aking face mask
"Ayun siya!" sigaw nito tsaka sila tumakbo patungo sa lugar namin
Sakto napaandar na ni Chaeng ang kanyang motor ang nagdrive siya ng mabilis para matakas ang mga humahabol sakin
"Kumapit ka ng mahigpit Mina" sabi nito tsaka ko siya niyakap ng mahigpit habang nakapikit ang mga mata dahil sa takot
"Here we go!" tuwang sabi pa ni Chaeng
Makalipas ng ilang minutong pagtakas sa mga lalaki naramdaman ko nalang na hindi na kami umaandar kaya idinilat kuna ang mga mata ko at pagbukas nito nasilayan ko nanaman ang kanyang magandang mata
"Andito na tayo" biglang sabi niya
"Saan?" tanong ko
"Sa bahay" sagot niya tsaka ako lumingon lingon at hindi ito ang bahay na tinuluyan namin kagabi
"Pero hindi naman ito to diba?" tanong ko ulit sakanya
"Yup, mas safe ka kasi dito" sagot niya tsaka niya hinila ang kamay ko papasok sa malaking bahay na puno ng cctv at mga guard
Nagtaka ako dahil hindi ko alam na meron ganitong bahay si Chaeng, ngayon ko lang narealize na bago palang kami magkaibigan ni Chaeng so kailangan ko pa siyang makilala para sa mga susunod hindi na ako magtataka o magugulat sa ipapakita niya sakin
"Hi Mina-chan~" ngiting bati ni Sana
"H-hello" nahihiyang sabi ko
"Come on, wag kanang mahiya sakin dahil magiging pamilya kana namin ...so welcome to our family" ngiting sabi niya na naconfused ako at tinignan si Chaeng
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sakanya
"Sabi ko nga kanina mas safe ka dito, so dinala kita dito para kung sakali man wala ako sa tabi meron magbabantay sayo" paliwanag niya na ikinatuwa ko naman
"Talaga?" tanong ko ulit na hindi makapaniwala
"Yes so ...welcome to our family" ngiting sabi niya na napangiti rin ako
BINABASA MO ANG
LOOK AT MY EYES
FanfictionMyou Mina, isa siyang anak ng mayaman na malapit sa mga magulang niya pero nung namatay ang kanyang Ina doon nagbago ang buhay niya. Palagi siyang sinasaktan ng kanyang Ama kaya lumayas ito sa bahay nila. Doon niya nakilala si Chaeng na nag alaga sa...