"Tulong! ..tulong! ...please tulungan niyo ako!" sigaw nung babae habang papatakbo siya sa maliit na iskenita
"Tulong! may nakakarinig ba dyan sakin?!"
"Please tu ...tulungan niyo ako"
Sigaw pa niya, nakikita na nung babae ang mga anino ng mga lalaking sumusunod sakanya. Wala siyang nagawa kundi takpan ang bibig niya habang umiiyak at nakatago sa isang sulok
Maya maya pa meron humila sakanya sa isang maliit na bahay na naka suot ng hoddie at tinago niya ang babae mula sa mga lalaking nanghahabol sakanya.
"Wag kang maingay kung ayaw mong mahanap ka nila" babala niya mula sa babae
Tinitigan nung babae ang mga mata ng taong nanghila sakanya, pinagmasdan niya ito na tila ba namangha siya sa hugis at ganda ng kanyang mga mata.
Hindi na lumingon pa ang babae kundi sa mata niya lang ito nakatingin, hawak hawak ang kanan nyang kamay habang ang isa naman nasa bibig niya dahil tinakpan niya ito para hindi makapagsalita o magawa ng ingay ang babae.
"Mukhang wala na sila" sabi nung taong nanghila sakanya
"Okay ka lang ba?" tanong pa nito
"O-okay lang" sagot nung babae
"Bakit ka nila sinusundan?" tanong pa nito
"Gu ...gusto nila akong saktan" pag iyak na sagot nung babae
Wala nagawa ang taong tumulong sakanya kundi hayaan nalang muna siyang umiyak. Pagka maya maya pa umupo silang dalawa na sobrang tahimik ng paligid nila
"Dumito ka muna kung gusto mo" pagyaya nung tumulong sakanya
"Pa-pano ka? baka mapahamak ka nang dahil sakin" sagot nung babae
"Hindi ka nila nakita at hindi nila alam na nandito ka" sabi nito
"Maraming salamat Kuya" sabi nung babae na napatingin siya sakanya
"Kuya?!" tanong nung tumulong sakanya na naconfused ito
"Oo bakit? lalaki ka diba?" tanong nung babae
Hindi ito sumagot kundi binaba niya ang kanyang suot na hoddie at doon nagulat ang babae sakanya
"Hindi ako lalaki ...babae ako na mukhang lalaki" sabi nito
"So-sorry ..." tanging sabi lang nung babae
"Chaeng ..ang itawag mo sakin" sabi nito
"Mi-mina" sabi naman nung babae
"Maraming salamat ulit sa tulong mo Chaeng" sabi ni Mina
"Doon ka nalang sa kwarto ko matulog dito nalang ako sa may sofa" sabi ni Chaeng na tumayo at naglakad papunta sakanyang kwarto
Sinundan naman agad siya ni Mina na takot na takot pa
"Bakit? may problema ba?" tanong ni Chaeng
"Natatakot ako na baka bigla silang dumating" nahihiyang sabi ni Mina
"Don't worry itong bahay ko na to hindi agad nahahanap dahil tago ito" sagot ni Chaeng
Bumalik nalang si Mina sa sofa at hinintay si Chaeng sakanyang ginagawa, habang naghihintay siya lumingon lingon muna siya sa bahay. Meron itong napansin na maliit na litrato sa sahig, agad niya itong pinulot at nakita niya na si Chaeng ang babae na mahaba ang buhok na may kasama pang isang babae.
Nakita ni Mina na nakangiti sa litrato si Chaeng na hindi niya alam ay nakangiti narin siya
"Mina? heto mga damit pumili ka nalang dyan kung anong gusto mo" sabi ni Chaeng na agad tinago ni Mina ang litrato
"Salamat ulit at pasensya na sa istorbo" sabi ni Mina tsaka niya kinuha ang mga damit
"Walang anuman" sabi nito tsaka inayos ni Chaeng ang higaan niya sa sofa
"Wag kang mahihiya dito kung may kailangan ka sabihan mo ako" sabi ni Chaeng tsaka na humiga at natulog
Na confused si Mina kung bakit ganun nalang kabait si Chaeng sakanya samantalang pwedi nyang ikapahamak ang patulong nito.
Pagtapos maligo ni Mina inayos niya ang gamit niya at nagtimpla siya ng kape dahil gutom narin siya, magmula kaninang umaga hindi pa siya kumakain.
Habang nagkakape siya umupo siya sa sahig habang pinagmamasdan ang natutulog na si Chaeng
Ang ganda mo pala ...ang cute mo rin ah. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit sobrang bait mo sakin
Mga nasa isipan ni Mina habang hinahawi ang buhok ni Chaeng
"Mama!" sigaw ni Chaeng na nagulat si Mina
"Mama! wag mo akong iwan!" sabi pa nito habang lumuluha
"Mama!!!!!!" sigaw nitong malakas na nagising siya at napaupo
"Okay ka lang ba?" alalang tanong ni Mina
"Okay lang ako ...wag mong pansinan ang nangyare" sabi ni Chaeng tsaka na siya bumalik sa pagtulog
Hindi na umalis si Mina sa lugar niya kundi doon nalang siya nagstay at natulog para narin mabantayan si Chaeng na baka sakaling managinip nanaman ito ng masama.
Kinaumagahan nagising si Chaeng na may mabigat sa braso niya na para bang may kayakap din siya, pagdilat ng mga mata niya isang anghel na ang kanyang katabi na mahimbing na natutulog
Tinitigan ito ni Chaeng tsaka siya napangiti, dahil sa ganda ni Mina hindi agad nakatayo si Chaeng at hinayaan niya lang na matulog ito sa braso niya
Hanggang sa nakatulog ulit si Chaeng na yakap yakap niya rin si Mina.
BINABASA MO ANG
LOOK AT MY EYES
FanfictionMyou Mina, isa siyang anak ng mayaman na malapit sa mga magulang niya pero nung namatay ang kanyang Ina doon nagbago ang buhay niya. Palagi siyang sinasaktan ng kanyang Ama kaya lumayas ito sa bahay nila. Doon niya nakilala si Chaeng na nag alaga sa...