Chapter 18

209 7 2
                                    

"T-Tzuyu-ah?!" gulat na sabi ni Sana

"Sorry kung hindi kita binigyan ng chance na magpaliwanag" sabi ni Tzuyu

"Okay lang ..ngayon alam kuna kung bakit hindi mo ako kilala" malungkot na sabi ni San

"I'll try my best to remember you ...kaya bigyan mo pa ako ng time" sabi ni Tzuyu

"Okay lang ba kung ...gawin natin yung mga ginagawa natin noon?" tanong ni Sana

Napatingin si Tzuyu kay Momo na para bang humingi ng permiso sakanya. Tumango nalang si Momo, at bumalik ang tingin ni Tzuyu kay Sana

"Okay sige kung yun lang ang paraan para maalala ka" sagot ni Tzuyu

"Talaga? maraming salamat" tuwang sabi ni Sana tsaka niya biglang niyakap si Tzuyu

"Ehem!" pagkunwaring ubo ni Momo

"Sorry ..natuwa lang kasi ako" sabi ni Sana

"So okay naba? pwedi nabang umuwi niyan?" tanong pa ni Momo

"Oo maraming salamat ulit" tuwang sabi ni Momo

"Hali kana Unnie" sabi ni Tzuyu

Bago pa sila makaalis biglang may humawak sa kamay ni Momo na nagulat ito

"Bakit? ano yun Sana?" tanong ni Momo sakanya

"Gusto mo bang tulungan kita?" seryosong tanong ni Sana na nagtaka si Momo

"Tulungan saan?" tanong ni Momo

"Kay Chaeyoung .." sagot ni Sana

Pagkarinig ni Momo sa pangalan na yun bigla siyang natulala, napansin ito agad ni Tzuyu kaya tinapik siya nito

"Okay ka lang ba?" alalang tanong ni Tzuyu sakanya

"O-oo naman" nauutal na sagot ni Momo

"So payag kaba?" tanong ulit ni Sana

"Hindi na ...salamat nalang Sana" sabi ni Momo na umalis na at nagulat si Tzuyu sakanya

"Kita nalang tayo bukas" nagmamadaling sabi ni Tzuyu kay Sana tsaka sinundan si Momo


Pagkauwi nila Momo at Tzuyu sa bahay, dumaretso agad si Momo sakanyang kwarto at doon humagulgol sa pag iyak. Wala ng nagawa si Tzuyu kundi hayaan na muna si Momo dahil alam niya kung ano ang nararamdaman nitong sakit.








Mina's Pov

Nakakainis lang kasi na palaging lapit ng lapit yung babae na yun kay Chaeng, eto naman si Chaeng okay lang sakanya kahit alam niyang girlfriend kuna siya

"Hey Mina? sorry na" sabi ni Chaeng

"Sorry saan?" pagsungit na tanong ko

"Kaibigan ko lang si Rose okay? walang namamagitan samin dalawa" paliwanag niya

"Wala ngang namamagitan sainyong dalawa pero bakit ganun? lapit parin siya ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend kana?" tanong ko pa sakanya

"Natural lang yun kasi kaibigan ko siya" sagot niya

"Natural lang ba na lumapit rin ako sa iba? ...kung makahawak siya sayo parang siya girlfriend mo eh" sabi ko

"Hindi totoo yan dahil ikaw lang girlfriend ko" pacute na sabi niya tsaka niya ako niyakap

"Sowwy na pwease~" dagdag pa nito tsaka niya ako kiniss sa pisngi

"Ayoko lang na maulit yun" babala ko sakanya

"Okay po Madam!" sabi niya


Bumalik na si Chaeyoung sa pag ddj at naiwan naman ako sa office na kung saan nakaupo ako at naglalaro sa phone ko. Maya maya pa bigla nalang may tumawag sakin na unknown number sinagot ko ito at nagulat ako kung sino

"Dad?!"

"Kamusta ka anak ko?" tuwang tanong niya

"A-ano pong kailangan niyo? pano mo nalaman ang number ko?!" gulat na tanong ko sakanya

"Don't worry hindi naman kita sasaktan unless nalang kung babalik ka sakin" pagbanta niya sakin na natakot ako

"Ano nanaman po bang binabalak niyo? bakit lagi nalang ako ang sinasaktan mo?!" galit na tanong ko pa

"Sige ganito nalang kung ayaw mong saktan kita edi yung taong mahal mo nalang" tuwang sabi niya na napatingin ako sa labas ng bintana at pinagmasdan si Chaeng

"So ...babalik kaba sakin? o sasaktan ko siya?" tuwang tanong niya na lalo kong ikinagalit

"Please Dad wag siya ...wag mong sasaktan si Chaeng" pakiusap ko sakanya

"Hmmm, ewan nalang Mina" sabi niya tsaka na niya binaba ang phonecall


Pagkatapos magtrabaho ni Chaeng bumalik nakami sa bahay, nadatnan namin si Dahyun na nonood sa sala, sina Nayeon at Sana naman nagluluto kaya sinamahan kuna sila

"Tulungan kuna kayo" sabi ko

"Eto Mina pahiwa naman" sabi ni Sana na binigay sakin ang sibuyas

Habang naghihiwa ako naririnig ko sina Chaeng at Dahyun na nag aasaran sa sala kaya pinagmasdan ko sila hangga sa hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako

"Mina? okay ka lang ba?" tanong ni Nayeon sakin

"Oo naman" sagot ko

"Sibuyas lang yan Mina" pabirong sabi ni Sana na pinunasan ko ang luha ko

"Oo nga eh, ewan ko ba ng dahil sa sibuyas na to umiiyak ako" pabirong sabi ko

Makalipas ang ilang oras natapos nakaming magluto tsaka nakami kumain, pagkatapos namin kumain pumunta nakami sa aming mga kwarto. Pagpasok ko sa kwarto ko nakita ko na may nagmessage sakin


unknown number:

Hi Mina? babalik kana ba sakin? kasi sobrang excited nakong mayakap ka, miss kana namin ng kapatid mo. See you soon anak ko ❤️

-Daddy


Napaupo nalang ako sa kama ko tsaka ko tinapon ang cellphone ko sa sahig, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil nahanap na ako ng Daddy ko.

Sigurado ako na may binabalak na siya, natatakot ako na pati si Chaeng madamay pa sa problema ng pamilya ko kaya ......kaya aalis nalang ako para hindi nalang siya masaktan pa.

2:29 na ng umaga lahat na ng gamit ko ay inayos kuna. Pumasok ako sa kwarto ni Chaeng doon nakita ko siya na sobrang himbing ang tulog

"Sorry Chaeng ....sana balang araw maintindihan mo ang ginawa ko sorry talaga" pag iyak na sabi ko habang hinahawi ang buhok niya

"Ayoko lang na masaktan kapa ng dahil sakin ....patawarin mo ako sa gagawin ko please" dagdag ko pa

Pagkalabas ko ng bahay na dala dala yung mga gamit ko nakita ko ang isang kotse na nag aabang sakin mula pa kanina.

"Tara na po Maam" sabi nung lalaki na naka black suit

Hindi ko maigalaw ang paa dahil sa lungkot at konsensya sa sarili. Kaya tinignan ko ulit ang bahay, inalala ang mga memories namin ni Chaeng na hindi ko malilimutan.

"Tara na po Maam hinihintay kana ng Daddy mo" sabi ulit nung lalaki

Wala na akong nagawa kundi pumasok na sa kotse habang umiiyak.

LOOK AT MY EYESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon